ISA PA NGA

6 2 0
                                    

Pwedeng mahalin mo ulit ako?
Kahit alam kong hindi naman totoo.
Kahit sarili ko na ang aking niloloko.
Kahit sa huli'y masaktan ulit ako

Pa-try nga ulit ng halik mo.
Isa pa nga ulit sa mga yakap mo.
Gusto ko ulit maranasang mahalin ng kagaya mo.
Kahit alam kong hindi naman seryoso.

Gusto kong madama na pauli-ulit na saktan mo.
Hanggang sa madala na yung puso ko.
Kasi kahit ilang beses ko kasing pagsabihan.
Ikaw pa din ang pinipilit ipaglaban.

Karupukan man ang muling umulit.
Kasadistahan man ang kagustuhang makaramdam muli ng sakit.
Kaso minsan, mas okay pang mabuhay sa masayang kasinungalingan.
Kaysa magising sa masakit na katotohanan.

Words Left UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon