BAKIT AKO PA?

7 2 0
                                    

Matanong ko lang, bakit ako pa?
Sa dami ng tao, bakit ako pa?
Sa dami ng pwede mong pagpilihan, bakit ako pa?
Sa dami ng pwede mong saktan, bakit ako pa?

Sa dami ng pwede mong paglaruan.
Bakit ako pa ang pinili mong pagtripan?
Sa dami ng babasaging pwede mong basagin.
Bakit yung puso ko pa ang pinili mong durugin?

Sa dami ng taong pwede mong paasahin.
Bakit ako pa ang naisipan mong piliin?
Sa dami ng mata na pwede mong paiyakin.
Bakit yung mata ko pa ang pinili mong paluhaiin?

Sa lawak ng mundo,
Bakit kailangan pa nating magtagpo?
At sa dami ng pwede kong mahalin,
Bakit ikaw pa ang pinili kong ibigin?

Words Left UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon