BAKIT TAYO SUMUKO

5 2 0
                                    

Bumitaw tayo sa konseptong ikaw at ako.
Sa konseptong tayong dalawa ang bumuo.
Ang pagmamahalang totoo.
Hanggang sa naging komplikado.

Napagod lang tayo, pero bakit tayo sumuko?
Sabi natin, magkasama tayo hanggang dulo.
Magkasama sa mapanghusgang mundo.
Tutuparin ang binitawang pangako.

Okay lang bang nagtapos tayo sa ganito?
Masaya ka bang tayong dalawa ay nanlabo?
Kasi kung masakit ang hiwalayan,
Bat pa natin sinubukan?

Isa ka nalang bang nakaraan?
Nakaraang kailangan ko ng kalimutan.
Tama pa bang ipagpumilit ito?
O tama na kasi wala na ang dating tayo?

Words Left UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon