SA HULI AKO PA DIN ANG TALO

8 3 0
                                    

Sa wakas, nakapaghiganti na ako sayo.
Naibalik ko na din sayo lahat ng ginawa mo.
Nagawa ko na ding paikotin ka sa darili ko.
Higit sa lahat, napaiyak ko na ang kagaya mo.

Lahat ng atraso mo nasingil ko na sayo.
Na ibalik ko na din lahat ng pangloloko mo.
Mas doble pa nga yung nagawa ko,
Nakaganti din ako sayo.

Pero bakit tila hindi ako masaya?
Bakit parang hindi ko pa din magawang tumawa?
Bakit sa bawat pagluha mo, apektado pa din ako?
At bakit sa bawat hagulgol mo, nasasaktan ako?

Hindi ba dapat masaya ako?
Dapat tumatalon na nga ako sa tuwa.
Ngunit kahit ilang beses man akong gumanti sayo.
Sa huli bakit ako pa din ang talo?

Words Left UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon