Pagsusulit ay nagawa at nag-exist sa mundo,
Para makita ang lebel na talino ng isang tao.
Kailangan mong matapos itp kahit pagod kana't masakit ang ulo.
Bago pa matapos ang oras na nakalaan dito.Tulad ng pag-exist ng taong akala mo'y iyo.
Na hindi naman pala nakalaan sa isang tulad mo.
Kung saan kailangan ng hiwalayan kahit masakit sa puso.
Bago pa dumating ang panahon na masasaktan ka ng todo.Sa pag-eexam hindi ka dapat lumingon sa iba,
Kahit sobrang nasasakal ka na.
Sabi nga nila "honesty is the best policy."
Kaso lumingon ka pa din, kahit nilabag mo ang academic integrity.Parang yung loyalty niya sayo,
Ang kaso biglang ang leeg mo, nabaliko.
Napalingon ang mga mata mo sa ibang dako.
Kahit pa alam mong may masasaktan kang tao.Sa exam may open notebook pa nga,
Pero may nababagsak pa din talaga.
Tulad ng mga taong nanliligaw sa taong mahal niya,
Nagpakatanga na't lahat pero binasted pa din siya.Pero ang pinakamasakit sa lahat ng pagsusulit na ito,
Yung nereview mo hindi lumabas sa exam mo.
Tulad ng pag-ibig na ginawa mo na nga ang lahat.
Pero sakanya, hindi ka pa din sapat.
BINABASA MO ANG
Words Left Unspoken
PoezjaPUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING "The day you broke me into pieces, I was left speechless. And now I'm here to utter the words left unspoken."