1

12 0 0
                                    

1
Discovered place.

Ang binatang si Riki ay bagong lipat sa isang tagong probinsya, sa mabundok at tanging bahay lamang nila ang nakatayo sa lugar na iyon.

Gusto kasi ng parents ni Riki na sa tagong lugar sila manirahan, since may kaya mayaman ang pamilya ni Riki. Napag pasyahan nilang magtayo ng mansion sa taas ng bundok.

Noong isang araw pa sila Riki dumating sa mansion nila. Kahit na matapang na tao si Riki, hindi nya maiwasang ma-curious at bakit sa ganitong lugar pa sila nanirahan. Ang creepy ng dating sa kanya.

Riki.

Nagsawa na akong tumingin sa bintana ng kwarto ko kaya naisipan kong lumabas ng bahay. Paglabas ko ng mansion, naamoy ko kaagad ang singaw ng lupa sa paligid namin.

Tumingin ako sa gawi ko, nandoon ang swimming pool. Ayaw ko naman magpunta doon dahil ano namang gagawin ko doon?

Naglakad lakad pa ako hanggang sa makarating ako ng likod ng mansion. Sa likod ng mansion, nandoon ang palayan namin.

"Ang boring naman pala dito" sabi ko na lamang sa sarili ko at bumalik doon sa harap

Habang naglalakad ako pabalik sa harap, napahinto ako sa daan palabas ng mansion namin. Gusto ko munang gumala gala habang wala pa sila dad dito sa mansion.

Pag nandito kasi sila para akong bata na ayaw nilang palabasin, lagi lang akong nasa kwarto.

"Exciting part" sabi ko sabay ngiti, naglakad ako papunta doon sa daan palabas ng mansion.

"Ang sarap naman pala maglakad-lakad dito kesa sa syudad" masayang sabi ko habang kalmadong naglalakad palayo sa mansion namin.

Buti na lang at dala dala ko yung phone at ear pods ko kaya nakapag sound trip pa ako habang naglalakad.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko, napa sigaw ako ng may makita akong tumalon sa harapan ko.

"Shit. Palaka!" sabi ko sabay takbo ng mabilis. Ayaw ko ng palaka, sa lahat, palaka ang ayaw kong makita. Lalaki ako pero takot ako sa palaka, I don't know why...

Baka siguro dahil ito sa kaibigan ko noon na tinakpan yung mata ko tas sabi kapain ko daw kung anong nasa harapan ko, at kapag nahulaan ko yon. They will buy the things I want kaya ayon, hinulaan ko yung nahahawakan ko

Kaya pala ang weird kasi palaka na pala hawak ko, nakaka inis sa tuwing naaalala ko yon. Naiinis ako kasi napaka fool ko, di hamak naman na mas mayaman ako sa kanila noon pero bakit ako nagpa uto sa kanila.

Napahinto ako sa pagtakbo ng makakita ako ng daan ulit sa gilid ko, maliit lang ang daanan nito. Walang alinlangan akong naglakad sa daan na ito.

Sa daan na dinadaanan ko, nakakaramdam ako kati kati sa paa. I don't care, tuloy parin dapat tayo sa pag lilibot-libot dito. Bagot na bagot na talaga ako sa loob ng mansion.

Sa kabilang side, nagulat ako ng may open field akong nakita doon at tanaw ang kabilang matangkad na bundok.

"What the..." tanging sambit ko habang nakatayo parin at nakatingin sa magandang tanawin sa harapan ko.

Naglakad na ako papunta doon sa open field. Habang naglalakad ako, may nakita akong lalaki na naka upo sa malayo.

Hindi ko sya pinansin at nag tuloy-tuloy lang sa lakad, hindi nya siguro alam na may tao sa lugar kaya wala syang pake. Nasa likod pa kasi ako naglalakad habang sya nandoon sa harapan naka upo.

Hindi ko alam anong ginagawa nya... The fuck Riki, bakit ba pinapansin mo sya? wala ka na doon kung anong ginagawa nya.

Wala akong imik na naglalakad papunta doon sa kabilang bundok para mag ikot ikot pa dito sa lugar nato.

Tanda ko pa naman ang daan pauwi, isang liko lang naman yung nilikuan ko.

Habang palapit ako ng palapit sa kanya, hindi ko alam bakit ako napapa sulyap sa lalaki. Ang tahimik nya tapos hindi man lang sya gumagalaw.

Habang nakatingin ako sa kanya naglalakad, naka apak ako ng plastic bottle dahilan para lumingon sya sa akin.

Nanatiling naka apak ang paa ko sa plastic bottle habang ang tingin ko naman nasa kanya.

Hinintay ko kung may sasabihin sya pero wala. Hindi naman lang sya umimik, really?!

Pagtapos nya akong titigan, binalik nya ang tingin nya sa harapan. Ako rin napatingin sa harapan nya kung bakit lagi sya doon nakatingin.

Ang tanging nakikita ko lang ay ang bulaklak sa harapan nya. Napa ubo na lang ako ng bahagya para mag papansin at pansinin nya ako. At yun! Effective nga ang pag ubo ko dahil nilingon nya ako.

Naghintay ako ng ilang segundo sa sagot nya sa pag papa-pansin ko ngunit wala! Wala talaga syang pake, like para akong hangin sa harap nya na hindi makita.

Napa irap na lang ako saka naglakad pa deretso doon, hinayaan ko lang syang naka upo na lang doon. Ibinalik ko ang ear pods sa aking tenga at patuloy na nag libot.

Goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon