2

4 0 0
                                    

2
Nishimura "umuwi" Riki

Kinabukasan ng hapon, lumabas nanaman ako ng mansion para magpunta doon sa masungit na lalaking parang broken na hindi na mamansin.

Naiinis pa naman ako kapag hindi ako pinapansin, hindi katulad doon sa city. Sa manila napaka pogi ko, kahit saan ako mag punta kilala ako ng tao at tinitingala ako.

Dito... Sa pogi kong ito, hindi ako pinansin ng kupal na lalaking yon! Akala mo naman kung sino.

Pero seryoso, ang cute nya. Cute lang pero wala akong gusto sa kanya. Promise, cute lang talaga. Wala nang iba pa.

Binilisan ko pa yung lakad ko maabutan lang yung lalaking yon. Muntik na nga akong madapa sa daan dahil sa pagtakbo ko.

Kung tatanungin nyo ako na kung bakit ko ba sya gustong makita, ang sagot ko ay WALA! Wala lang..

So ayun na nga, naabutan ko ang binatang masungit na nag eemot nanaman doon sa harapan. Nakaupo sya sa malaking putol na kahoy.

Dahan-dahan akong lumakad papunta sa kanya ng bigla na lang syang tumayo. Napahinto naman ako ng tumayo sya, naglakad ito papunta doon sa diretso.

"Gara... Uuwi na..." pabulong kong sabi habang pinapanood ang pag alis nya sa kanyang pwesto.

Habang naglalakad sya, parang pinag mamasdan niya ang paligid nya dahil paikot ikot ang ulo ninto, tingin doon, tingin sa gilid nya, tingin sa ulap.

Nanatiling naka tayo na lamang ako sa pwesto ko at nakatanaw sa lalaking naglalakad palayo, hanggang sa hindi ko na namalayan na wala na pala sya sa paningin ko. Natulala siguro ako.

I shook my head para bumalik ako sa katinuan. "Tumakbo pa ako papunta dito, uuwian mo lang pala ako pagdating ko" napakamot ako sa ulo ko habang nakatingin sa dinaanan nya.

"Ano pa bang gagawin natin dito?... Tara na riki, uwi na tayo" sabi ko sa sarili.

Tumalikod na ako para maglakad pabalik, habang humahakbang ako pabalik, napapa lingon ako sa likod ko. Nag babakasakaling bumalik pa sya, ngunit wala...

Wala na akong magagawa kaya bumalik na lang ako sa mansion.

Goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon