8

6 0 0
                                    

8
Rain

"Hoy Sunoo, buti naka uwi ka ng buhay" bungad ko sa kanya habang palapit sa kinaroroonan nya.

"Syempre ako pa" he said. Tss, gaya gaya sa phase ko.

Umupo ako doon sa kahoy, sa harap nya. May dala dala akong paper bag from mcdo. Wala lang trip ko lang busugin si Sunoo.

Nilabas ko lahat ng pagkain sa paper bag, merong fillet, coke float, may coke float na may sundae pa. Meron ding dalawang kanin, coke, dalawang large fries, at chicken.

"Wow, ang dami naman nyan..." rinig kong sabi ni Sunoo habang isa isa kong nilalabas yung mga pinamili ko.

"Dami nga e, diko'to mauubos lahat kaya tutulungan mo nanaman ako" nag angat ako ng tingin pag tapos kong sabihin iyon saka tumawa ng pilit.

"Edi sana kaunti lang dinala mo para hindi kana mag patulong kumain, saka may bahay naman kayo bakit dito kapa kumakain?" tanong nya.

"Wala... Mas maganda kasi view dito kesa sa bahay. Saka may fresh air dito sa bahay kasi ang lamig" pag sisinungaling ko.

Tinitignan ako ni Sunoo na parang hindi ako nag sasabi ng totoo. "Totoo?" tanong nya

"Oo nga." maikli kong sagot, inabutan ko na sya kaagad ng kanin na may chicken. Umurong naman ako sa tabi para naman maka upo rin sya.

Umupo na sya sa tabi ko, "Marami pa tayong kakainin kaya sana hindi ka kaagad mabusog" pagpaparinig ko sa kanya.

"Okay boss." sagot ni Sunoo, saglit ko syang nilingon ngunit nakain na sya. Napa ngiwi na lang ako at kumuha ng pagkain ko para mag simula narin.

Pagtapos naman naming maubos yung chicken with rice, sunod ko namang kinain fries habang si sunoo naman nakain ng sundae

Nakalimutan ko nga pala bumili ng burger, sa dami ng binili ko akala ko nasama ko yung burger pero wala.

"Ang liit ng sudae nila tas treynta yung bentahan" sambit ni sunoo bago sumubo ng sundae.

Natahimik naman akong nakatingin sa kanya, mukhang nakaramdam naman sya na nakatingin ako sa kanya kaya bigla syang nag salita. "Gagi hindi ko sinasabing lakihan mo sa susunod yung bibilhin mong sundae, ang akin lang, ang liit ng sundae tapos ang mahal ng bentahan"

"Edi sana nag ice cream na lang tayo" dagdag nya.

Akala ko nag rereklamo sya na maliit lang binili ko, hindi ko na linakihan dahil meron rin namang sundae sa coke float.

"Okay lang, hindi naman masakit sa bulsa. Barya lang sa akin yan" sabi ko bago uminom ng coke.

"Mga mayayaman nga naman" nasamid ako sa sinabi ni Sunoo, kahit mahina yung pagkasabi nya narinig ko parin. Napatingin ako sa kanya, sya naman na nakatingin din sa akin, Mouthing 'Ano?'

Tumatakbo ang oras at ang ginagawa lang namin ay kumakain habang nagtatawanan. Ang dating masungit na lalaking ito na hindi ako pinapansin kahit nag papapansin ako ay kausap ko na.

Alas kuwatro ako nagpunta dito, kaya mahaba pa ang oras namin para mag kwentuhan.

"Alam mo ba? Nung unang kita ko sayo akala ko masungit ka kasi hindi ka nanamansin. Tapos ayun yung naapakan ko yung plastic bottle, dedma ka lang" natatawa kong sabi sa kanya

"Masungit? Ako? Hindi ah... Wala lang ako sa mood non." he said

"Tawag ko nga sayo noon 'lalaking masungit' kasi hindi ko alam pangalan mo, basta yun yung tawag ko sayo noon"

"Grabe ka naman, ako nga nagulat ako sayo tinanong mo ako kung nag yoyosi ba ako. Nagulat ako sa tanong mo na yon. Sa mukha kong 'to, mukha ba akong nag yoyosi?" sabi ni Sunoo habang natatawa

Goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon