12

2 0 0
                                    

12

Parang tumalon ang puso ko sa nakikita ko, napa kuskos pa ako ng mata ko dahil baka namamalik mata lang ako. Hindi e... Totoo sya.

Dahan-dahan akong lumapit doon, maingat ako sa kilos ko para walang ingay.

"Nag s-smoke ka ba pre" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Riki!" masayang sabi nya.

"Long time no see sunoo" mahinang sabi ko pero masaya naman ako sa lagay ko ngayon.

"Kamusta ka na?" tanong nya, ahm... Hindi ako sanay na tinatanong nya ako ng kamusta

"Okay lang Sunoo" Nakangiting sabi ko sa kanya. 'Hindi ako okay sunoo, na mi-miss kita. Ikaw ba? Ganon ka rin ba? Ilang linggo kitang hinintay...'

"E, ikaw?" balik na tanong ko sa kanya. Nawala ang ngiti sa mukha nya at sandaling natahimik para mag isip ng sasabihin.

"Naging busy ako this week. Saka..." hinto nyang sabi kaya agad naman akong rumesponde.

"Saka?"

"Ano kasi Riki... Nagka sakit kasi ako e, pasensya ka na kung hindi man lang kita nakamusta." sabi ni Sunoo.

"Pumunta ako rito pero wala ka naman, siguro busy na tayo...?" napatango na lang ako ng sabihin nya yan

Simula nung umulan hanggang nung tatlong araw ang nakakalipas, pumupunta ako rito. Pero ikaw ang wala.

May sakit rin ako sunoo...

Sunoo, I know you were lying...

"Mga anong bandang oras ka pumupunta dito?" tanong ko sa kanya

"Katulad ng dati" mahina nyang sabi

"Ah... Oo, hindi rin ako nakapunta dito sunoo. Nung isang araw nag punta ako pero wala ka naman kaya umuwi na lang ako" pag sisinungaling ko.

Hayaan mo na lang muna Riki, baka naman may reason sya kaya sya nag sisinungaling... He have his reason. Huwag ka basta-bastang magalit

Kung magagalit ka man, wala kang karapatan...

"Kakarating mo lang?" pag iiba ko ng topic

"Kanina, kanina lang..."

Umupo ako doon sa upuan, pag ka upo ko. Umupo rin si sunoo sa tabi ko. Tahimik lang kaming dalawa, naka tingin sa harap namin.

May sinat ako pero bakit parang lamig na lamig ako? Sinat na lang ito e... Humuhuoa na yung lagnat ko kanina lang.

"Sunoo, kapag na na in love ka sa kaibigan mo..." hinto kong sabi saka tumingin sa kanya. "Aamin ka ba sa kanya?" seryoso kong tanong sa kanya.

Kita ko naman ang oag tataka sa mukha nya, "Ha? Oo naman" tanging sambit nya.

"Paano kung hindi ka nya gusto?"

"Ah... Wala na tayong magagawa, hanggang kaibigan na lang talaga. Ang mahirap lang jan ay ang pag kakaibigan nyo mauuwi sa ilangan. Hindi na katulad dati na... Sabihin na nating close na close. Hindi na 'yon ganon once na umamin ka."

"Swerte mo na lang kapag gusto ka rin nung kaibigan mo" dagdag nya sa mahaba nyang sinabi

Natahimik naman sandali ng biglang magtanong si sunoo "Bakit? May natitipuhan ka na ba?" tango naman ang sinagot ko sa kanya

"Ah... Go lang..." mahina nyang sabi, bakit parang iba boses nya? Mas mababa pa sa mababa

Hays, ayaw ko muna ng ganitong usapan, ngayon ko na nga lang nakita si Sunoo ganito pa topic. Mamaya na'to.

"Sunoo, open pa ba yung peryahan sa baryo?" tanong ko sa kanya

"Oo, sa sabado sasarado na daw kasi ililipat na sa ibang lugar"

"Pwede mo ba akong samahan?" tanong ko sa kanya. Natahimik sya kaya agad akong nagsalita, "Huwag kang mag alala ako mag babayad" nakangiti kong sabi sa kanya

"Sige, basta ikakasaya mo sasama ako" sabi ni Sunoo at nauna pang tumayo kesa sa akin

"Tayo na" sabi ni Sunoo habang nakangiti

Gaya ng sinabi nya, tunayo na nga ako at sabay kaming naglakad patungo sa baryo kung saan ang Perya

Goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon