4
Gun(?)"Sunoo!" sigaw ko sa malayo habang nakatayo, hini-hintay ang pag lingon nya sa akin.
Nilingon nya ako at ako naman itong kumakaway sa kanya. Nag fe-feeling close na ako para naman hindi awkward yung pagkikita namin palagi.
Palagi e noh? Oo, palagi ko syang pupuntahan dito sa lugar na'to. Sa lugar na paa ko ang kusang lumiko para matanaw ang tanawing napaka ganda kasama ka.
"Kanina ka pa nandito?" tanong ko kaagad sa kanya pagka lapit ko.
"Hindi naman. Bakit?" tanong nya
"Ah... Wala naman" sagot ko naman sa kanya.
Oh? Ganon na lang yon? Gagi hindi ko alam kung anong sunod na sasabihin ko, paano na'to? Anong sasabihin ko?
"Wala kang dalang yosi ah?" biglang tanong nya kaya napa yuko ako sa kanya na nakaupo.
"Ah... Wala na akong yosi e, isang kaha lang yon. Ubos na. Wala namang tindahan dito" paliwanag ko.
"Merong tindahan dito, malayo nga lang. Doon sa baryong tawid" sabi nito sabay turo doon sa dulo.
Oh! May baryo doon? May baryo pala doon bakit hindi doon naka tayo ang mansion namin? Bakit dito pa sa gubat na'to? Kalokohan.
"Alam mo paano magpunta doon?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman kaso..." hinto nyang sabi, nag iisip kung anong sasabihin. Hinihintay ko ang sunod niyang sasabihin.
"Hindi ako pwedeng makita ng mga tao." sabi nya saka ngumiti.
"Bakit?" taka kong tanong sa kanya
"Ah, ano kasi, wala lang. May kaaway lang ako doon na ayaw kong makita." sabi nya na may kasalong tawa.
"Ahh... Yun lang pala, ako bahala sayo pag inaway ka noon." mayabang na sabi ko saka ngumiti sa kanya. "Hindi mo ba alam na marunong akong humawak ng baril?" sabi ko sa kanya pero sa pabirong paraan. Pangit naman kasi kung seryoso.
"Oh? Talaga ba? Diba bawal humawak ng baril kapag hindi lisensyado?" hindi makapaniwala nyang tanong.
I shook my head, "Hindi rin naman ako hahawak non pag hindi lisensyado. Lisensyado yon."
"Nako. Wag na wag mong gagamitin yan sa kaaway mo"
"Hindi ko naman gagamitin yon sa kaaway mo noh! Pang emergency lang namin yon, kaya may ganon kami. Daddy ko kasi maraming kaaway sa business kaya kailangan nya yon"
"Wag mo na akong tanungin para sa saan kasi hindi ko rin alam, saka dati namang pulis si dad kaya may ganon sya"
"Pinamana lang sa kanya yung big damn business nayan"
Mahabang paliwanag ko. Kahit ako, hindi makapaniwala na nag salita ako ng mahaba, like what the hell! Riki, iba ka na talaga.
Sandali kami natahimik pero nabasag ang katahimikang 'yon ng tanungin nya ako. "Ikaw? Anong ngalan mo?"
Totoo ba? Hindi naman ito panaginip diba? Tinanong nya yung pangalan ko? Hoy! Riki!
"Ri-riki" sabi ko, hindi ko alam bakit ako nauutal kapag magsasalita.
"Riki, bakit ka palaging nandito? Hindi ka ba natatakot?" tanong nya, hindi ko alam kung seryoso ba sya o ano... He sounds serious.
Nagtaka naman ako sa tanong nya at napataas nalang ng kilay, "Ha? Bakit naman ako matatakot? May nakaka takot ba?"
Natahimik sya kaya nag salita nanaman ako, "Wala namang nakakatakot. Bakit takot ka ba?" balik na tanong ko sa kanya
"Hindi, oo nga naman. Walang nakakatakot."
Sa damuhan, may nakita akong plastic ng ice cream. "Favorite ko yung ice cream na ganyan. Nakakamiss naman kumain ng ice cream..." pag paparinig ko sa kanya pero seryoso, miss ko na.
"Ha? saan?" tanong nya habang paikot-ikot ang mata para hanapin ang tinutukoy ko.
"Ayun oh" turo ko sa damuhan
"Ah... Favorite ko rin yan, tagal ko ng di nakakain nyan" sabi naman nitong si sunoo.
Ah... Favorite nya rin pala yan. Okay, bukas ka sa akin.
Nag angat ako ng tingin sa kanya sabay tanong "Wala bang nabibilhan nyan dito?"
"Wala e, nagsarado na yung dating tindahan na may tindang ganyan dito"
"Alam mo yung magnum?" tanong ko sa kanya
"Alam ko yun pero hindi ko pa natitikman, mahal kasi. Kung may pagkakataon na makain ko yun, susulitin ko na pera ko" sabi nya saka tumawa. Tumawa na lang din ako.
"Ilang beses ko na'yon natikman, masarap." sabi ko, hindi ako nag papa inggit. Sinabi ko lang, wag mo sanang masamain sunoo.
Mabait naman pala itong si sunoo, akala ko noon masungit sya kasi hindi namamansin. Ako na nag first move. Sa first move ko na yon, pinansin nya ako.
Mataas pride ko pero sa kanya ako titiklop.
Muli, bumaba nanaman ang araw. "Ang ganda ng bulaklak oh" sabi nya habang nakatanaw doon sa bulaklak.
"Gusto mo?" tanong ko sa kanya. Tango naman ang sinagot nya sa akin.
Naglalakad ako papunta doon sa gawi para pitasin yung bulaklak, inamoy ko'to pero walang amoy. Di bale na, ang mahalaga nakuha ko yung bulaklak na gusto nya.
Inabot ko sa kanya 'to, at kinuha naman nya. "Salamat" pagpapasalamat nya.
Hindi ko namalayan na naka ngiti na pala ako habang pinagmamasdan sya, kasama ng magandang bulaklak.
"Riki... Uuwi na ako, mag gagabi na e" paalam ni Sunoo. "Ikaw din, umuwi ka na dahil mag gagabi na. Baka hindi mo makita ang daan palabas" sabi nito sa akin.
"Sige mauna ka na, titignan kita dito" sabi ko. Lumapit si Sunoo sa akin, "Salamat ulit, Riki." sabi nito sabay tapik sa balikat ko at naglakad palayo.
Ang ganda pala ng pangalan ko noh? Ang ganda ng pangalan ko kapag binabanggit ni Sunoo.
Nang mawala na sa paningin ko si Sunoo, naglakad na ako pabalik para umuwi.
BINABASA MO ANG
Goodbye.
Fanfiction"Nariyan ka pa ba? Hindi ka na matanaw..." Goodbye story from twitter! Meron sya sa twitter, also here, meron din sa Wattpad.