14

9 0 0
                                    

14

Kahapon lang ng makasama ko si Sunoo, ngayon naman e wala nanaman sya.

Kakapunta ko lang rito, wala pa si sunoo. Baka maya-maya pa sya pupunta dito kaya wala na akong balak na umuwi. Hihintayin ko na lang sya

Yung sinat ko kagabi, nauwi sa lagnat. I do have a lagnat right now, shit. Conyo ang gago.

Oo, nilalagnat ako. Ayaw ko naman sabihin sa dad at mom ko kasi baka dalhin ako sa hospital non. Lagnat lang, big deal na sa kanila.

Hindi ko naman ikakamatay ang lagnat. Saka nakakatamad na puro higa ka lang sa hospital kasi nakabantay yung mga tauhan nila dad.

Unang beses lang ako humingi ng pabor kay dad, nung sabi ko na magdala sya ng magnum ice cream. Tamad akong lumabas noon kaya naman sya na lang ang inutusan ko.

Wala akong magawa kaya naman kinuha ko yung phone ko sa bulsa saka naisipang maglaro na lang habang naghihintay kay Sunoo.

"Putangina! Bilisan mo!" asik ko. Naiinis ako sa mga kakampi ko, ang bo-bobo! Hindi man lang napatay yung lord!

Sa inis ko, umisa pa ulit ako ng laro dahil natalo kami. Nauurat talaga ako sa mga kampi ko. Ako kinse ang patay, sila naman hindi tataas sa lima.

"Nice! Sa baba, sa baba! Tulungan nyo si chou" sabi ko, open mic kaming naglalaro ng ml.

"Victory!" mula sa nilalaro ko sa phone.

Hindi pa ako nakuntento at umisa pa ako dahil nanalo kami, ininvite ako nung mga nakalaro kong grupo.

Hindi ko na napansin na 20% na lang yung phone ko, tumingin ako sa paligid ko na medyo madilim na rin.

Napanguso na lang ako sa pagkakalungkot, medyo lang naman... Gusto ko talagang malaman kung taga saan ba talaga si Sunoo pero wala akong ideya. Hindi nya ako hinahayaang bumisita sa kanila dahil nahihiya daw sya.

Kung susuwayin ko naman, baka magalit sa akin yon at mag away kami. Ayaw ko namang mangyari yon noh!

Tumingin ako ng oras sa cellphone ko, it's already 5:57 pm pero wala pa rin si Sunoo. Kaya, umuwi na lang ako.

***

Kinabukasan, mag dadalawang linggo nanamang walang paramdam si Sunoo, kung itatanong nyo yung sakit ko e, humupa na, tatlong araw ang nakaka lipas. Hindi ko alam pero madalas na akong nagkakasakit dito.

Hulaan nyo anong ginagawa ko ngayon, edi naglalakad patungo sa lugar kung saan ko natatanaw si sunoo.

"Nandoon kaya sya?" napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad.

Alas kwarto na ako umalis ng bahay, mga sampung minuto papunta rito. Wala talaga akong matanaw na Sunoo.

Lumapit ako sa upuang kahoy at umupo, pinasok ko yung pareho kong kamay sa loob ng bulsa ng hoodie na suot ko. Habang nakatanaw sa paglubog ng araw, may sumagi sa isip ko.

"Ano kayang feeling ng pumunta doon ng mag isa? Ng wala sya?" tanong ko sa sarili ko, parang tanga lang. Akala mo may kausap.

Napailing na lang ako saka nag buntong hinga at tumayo. Naglakad ako palayo, patungong baryo kung saan ang peryahan.

Sa ilang minuto kong paglalakad, naka abot na ako ng baryo kung saan nakatayo ang perya. Wala na, wala na ang perya.

Oo nga pala. Naalala ko yung sinabi ni Sunoo na hanggang sabado, nung nakaraang sabado na lang yung peryahan dahil lilipat na sila sa lugar.

Goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon