3

8 0 0
                                    

3
Zippo lighters.

Sabi ko mag s-smoke lang ako pero ito nanaman ang demonyo kong paa, naglalakad patungo doon sa masungit na lalaki

Gusto ko lang naman talaga makipag friends sa kanya kasi ang boring boring sa bahay, para akong nababaliw sa sobrang kabagutan.

Sumasakit na yung mata ko kapag nababad sa gadget ang mata ko, kapag kasi nasa bahay lang ako, kung hindi cellphone ang nilalaruan ko, pc naman.

Nag ba-basketball din ako minsan, dahil sa likod ng bahay namin sa bandang gilid e, may court. Hanep nga naman ang parents ko, ginawang all in one yung mansion.

Wala akong gana naman mag swimming kasi baka pag sisid ko sa malalim may biglang tao pala na nandoon. Kaya wag na lang...

Here we are... Naabutan ko nga sya na nandoon. Napa ngiti na lang ako ng makita ko syang naka upo nanaman doon.

Nag tweet*

Mahinhin akong humakbang palapit sa kanya, sa bandang gilid nya. Hindi nya ba talaga ako na raramdaman? Or manhid lang talaga itong masungit nato?

Hindi nya ako nililingon kahit na nasa gilid na nya ako, hindi ganon kalapit, hindi rin ganon kalayo, katamtaman lang.

Napa singhap ako, "Nag s-smoke ka ba pre" taas kilay kong tanong sa kanya.

At sa wakas, nilingon nya ako. "Ha?" taka nyang tanong

"Yosi, ganon? Naninigarilyo"

He just shook his head. Hindi daw sya nag yoyosi...

"Lighter na lang? Meron ka?" tanong ko ulit sa kanya.

Napaisip ako bigla, hindi nag yoyosi yung tao tas hahanapan mo ng lighter? Dati ka bang adik riks? O adik ka talaga?

Hinintay ko yung sagot nya nang tumayo sya saka humakbang sa harapan nya. Pinulot nya yung lighter sa damuhan.

Tumalikod naman sya saka lumapit sa akin, sabay abot ng lighter. "Ano yan?" taka kong tanong sa kanya. Oo alam ko naman lighter pero bakit naman ganyan... Parang sumabak sa gyera yung lighter na pinulot nya. Zippo lighter.

"Lighter" tipid nyang sagot.

"Hindi na ata gumagana yan e" sabi ko sa kanya ng buksan nya ito, at ayon nga. Lumiyab ang zippo lighter nya na pinulot galing gyera.

Napa awang na lang ang bibig ko ng lumiyab ang lighter, "Dali na" sabi nitong lalaking masungit. Agad ko namang tinapat ang malboro light sa lighter.

Umusok na ang dulo ng yosi ko kaya humipak na ako haha, nilagay ng masungit na lalaki ang lighter sa upuan nya.

"Taga dito ka?" tanong ko sa kanya bago ako maglabas ng usok mula sa bibig ko.

"Oo" mahinahon nyang sambit

"Oh?! Saan banda? Bago pa lang kasi ako dito kaya wala akong alam sa lugar na'to" sa lagay kong ito, oo nahihiya pa ako.

"Malayo-layo pa ako dito sa lugar na'to. Lagi lang akong nandito dahil..." hinto nyang sabi

"Dahil?" tanong ko

"Dahil... Wala, gusto ko lang talaga sa lugar na ito" sabi nya saka ngumiti.

Hindi naman ata masungit itong lalaking to, look, nginitian pa nga ako oh.

"Ikaw? Taga saan ka at bakit napadpad ka rito?" bigla nyang tanong. Hindi ko naman enexpect na tatanungin nya ako ng ganon. Nagulat lang talaga ako

"Taga jan lang ako, medyo malayo pero okay lang. Worth it naman yung pag punta ko dito sa tagong..." hinto kong sabi at tumanaw sa paligid ko, nag iisip ng sasabihin. "Ah basta, habang nag lalakad ako nadaanan ko yung maliit na daanan doon, kaya tumuloy ako" paliwanag ko.

"Hindi ka ba naligaw?" tanong nya, feeling ko nag aalala sya o baka assuming lang ako... Sa tono kasi ng boses nya, parang nag aalala sya

"Hindi naman..." sabi ko then shook my head.

"Marami kasi ang naliligaw sa lugar na ito, bukod sa maraming pasikot-sikot. Marami rin ang mga nag punta dito at hindi na nakabalik." paliwanag nya.

"Ah ganon ba... Naka GPS tracker kasi ako kaya alam ko kung saan ako dumaan" sagot ko.

Saglit kaming natahimik, ako na nakatingin sa kanya, sya naman ay nakatingin sa malayo. Mukhang tinatanaw ang paglubog ng araw. Tuwing hapon kasi ako napunta dito, dahil hindi mainit. Ganon din siguro ang punta nya.

"Lagi ka ba nandito?" biglang tanong ko sa kanya kaya napalingon sya sa akin

"Oo, nandito ako tuwing hapon. Pinapanood ang pagbaba ng araw. " naka ngiti nanaman nyang sabi

Tangina, isa pang ngiti nento tiklop na ako. Ang cute nya kapag na ngiti, nawawala yung mata nya.

Pagdating ko dito, pababa na yung araw e, paano ba yan? Edi uuwi na to? Wala na yung araw e, naka baba na. Hindi na matanaw.

Humarap sa akin ang lalaking masungit, "Sige, una na ako. Sa susunod" paalaman ng lalaki sa humakbang palayo.

"Teka!" sabi ko kaya napahinto ito sa paghakbang at lumingon muli sa akin.

"May tanong ako" sigaw ko dahil malayo-layo na sya sa akin. Ngumiti nanaman ito, mukhang hinihintay ang tanong ko.

"A-ano palang pangalan mo?" sigaw ko.

Wala naman sigurong mali sa tinanong ko pero bakit sya napayuko, parang biglang sumimangot yung mukha nya.

Inangat niya ang kanyang ulo saka ngumiti, may dimples na sumisilip sa pisngi nya. "Sunoo" sambit nya at tumalikod nanaman para maglakad

"Sige Sunoo! Bukas na lang ulit, ingat ka sa pag uwi mo!" sigaw ko sa kanya habang palayo sya. Hindi ko alam kung rinig nya ba ako basta sinigaw at binigkas ko pangalan nyang Sunoo




Goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon