7

4 0 0
                                    

7
Rides

"Mauna ka na" sabi ko kay sunoo na nasa likod ko, naka sunod. Umapak na sya sa bagon ng sinasakyan namin na caterpillar

Umapak na rin ako, kadikit ko si Sunoo shit!. Normal naman sa lalaki na kiliginin noh, hindi lang puro babae ang kinikilig.

"Sunoo, sabihin mo lang kapag hindi mo na kaya ha? Baka mapaano ka kasi, lagot tayo sa mama mo" paalala ko sa kanya. Ako naman kasi, makakatagal ako sa ganito, I used to love riding rides na may thrill.

Tumawa muna sya bago magsalita, "Kaya ko pa noh! Akala mo sa akin? Mahina?" pag yayabang nya pa.

"Tss. Hindi natin alam..." sabi ko na lang at napa iling.

'Sunoo, marami pa tayong sasakyan. Sasakyan ko lahat ng rides dito sa perya ng kasama ka. Aking kaibigan.'

"Hoy riki, kumapit ka, aandar na tayo" sabi ni Sunoo sa tabi ko kaya naman ako'y napatingin sa kanya.

"Ha? Wala pa yan, mahina pa lang yan" I said. Hindi na sya nagsalita at tumingin tingin sa paligid nya.

Binaling ko ang tingin ko sa side ng mga tao na nakatanaw sa amin, naghihintay na makasakay.

Nung una e, mabagal hanggang sa pabilis na ng pabilis.

Narinig ko ang pag tawa ni Sunoo kaya napa angat ako ng tingin. "Sino kaya sa atin yung mahilohin?" pang aasar nya.

Naka yuko kasi ako habang pinapaikot ikot kami, hindi ko kinaya ung bilis. Nakakahilo, nag dadalawa yung paningin ko.

Gusto ko man tignan yung paligid, hindi ko magawa. Ang bilis talaga.

***

Pababa kami ng hagdan galing sa rides na sinakyan namin, ito namang si Sunoo tawa ng tawa.

"Tss. Hindi natin alam" pang gagaya nya sa sinabi ko kanina.

"Ano kaya pa?" tanong nya muli. Napa angat naman ang ng tingin sa kanya. "Oo naman!, isa pa?" matapang na sabi ko sa kanya.

Unang naglakad si Sunoo habang ako nakatayo parin, nahihilo. Bumalik si Sunoo papunta sa akin sabay hila sa damit ko.

Nahinto kasi sa paglalakad ng may mga tanong nag lalaro sa harap namin. Lumapit ako doon para tignan, ah... Alam ko na yang larong yan.

Babatuhin mo lang ng dart yung balloons at pag napaputok ka ng 5 pataas may teddy bear na ibibigay sayo.

Lumapit ako kay sunoo, "Tara laro muna tayo doon" aya ko kay Sunoo.

"Ikaw na lang, dito lang ako."

"Ayaw mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman, nakita ko kaaway ko jan e" nag aalinlangan nyang sagot. "Ikaw na, kaya mo na yan, malaki ka na Riki." sabi nya

"Sige, saglit lang ako doon" sabi ko sabay turo doon sa pinanggalingan ko kanina. Tango naman ang binigay nyang sagot sa akin.

Naglakad na ako papunta doon at nagbayad para makalaro. Binigyan ako ni ate ng limang darts. Pag bigay nya sa akin, nagbato na kaagad ako ng isa hanggang sa sumunod sunod-sunod na.

Sa limang pagbaato ko, tatlo lang ang natamaan kaya naman nagbayad muli ako para makalaro, sa limang binigay ni ate na darts, nakaputok ang ng limang lobo.

Binigyan nya ako ng teddy bear, pag kuha ko naman sa bigay nya agad akong lumapit kay Sunoo.

"Galing mo ah?" sabi ni Sunoo

"Syempre ako pa" maikling sagot ko.

"Sa'yo na yan" sabi ko sabay abot sa kanya ng Teddy Bear.

"Hoy ano ka ba. Wag na! Iyo yan, ikaw naglaro para makuha yan" He said.

"Kaya nga ako naglaro doon para makakuha ng prize at ibigay sayo" pairap kong sabi. Kinuha ko yung kamay nya saka pinaakap doon sa Teddy Bear. Medyo may kalakihan kasi iyon.

Una na akong naglakad kesa sa kanya. Rinig ko naman ang pagtakbo nya papunta sa akin, "Hindi ka pa ba hanap ng parents mo?" biglang tanong ni sunoo

"Hindi ko alam, they don't have to worry about me. Sabi mo nga malaki na ako" sabi ko sa kanya at napangisi.

"Wow. Ini-english english mo ako" natatawa nyang sabi.

Sa paglalakad namin, nakaabot kami sa tapat ng ferris wheel. Napatingin naman ako sa taas, ang ganda. Paano kaya pag nakasakay na kami, edi nakita namin gaano kakulay at kaganda sa lugar na'to?

Binaling ko ang tingin kay Sunoo na nakatingin rin sa akin. "Ano? Kaya pa ba? Sakay tayo" sabi ko at bahagyang itinuro ang nasa harap namin na ferris wheel.

"Sige lang. Kaya ko naman e, baka ikaw yung hindi" sabi ni sunoo, hindi ko alam kung namemelosopo 'to o sadyang nangangasar lang.

Really hindi pa sya nahihilo? Weh... Baka naman nag fefeeling malakas lang? Ewan, last narin naman 'to. Kasi gabi na, baka hinahanap na si Sunoo sa kanila.

"Tara na" sabi ko, sabay naman kaming naglakad nitong si Sunoo, bumili ako ng dalawang ticket.

***

Nasa loob na kami ng bagon ng ferris wheel, medyo nakakatakot lang kasi kahot yung apakan namin. Hindi natin alam... Baka mamaya malaglag kami rito.

Nasa tabi ko si Sunoo naka tanaw sa gawi nya, pataas na kami ng pataas dahil nga sa may mga sumasakay na.

"Wow..." rinig kong bulong ni Sunoo ng maka abot na kami sa taas, medyo mabilis ang pag ikot ng ferris wheel kaya naman hindi nakakahilo. Nakaka relax, ramdam mo ang malakas na hangin. Medyo nilalamig lang ako.

"Riki, samalat ha? Kung hindi dahil sayo hindi ko mararanasan yung ganito" Biglang sabi ni Sunoo, medyo nagulat ako doon.

Kasi bakit? Mararanasan rin naman nya ito kapag malaki na sya, mararanasan nya yung ganitong bagay kapag ganap na nurse na sya.

"Ayan ka nanaman, wala 'to noh! Maliit na bagay" sagot ko sa sinabi nya.

"Salamat parin, pati rin yung pa magnum mo" dagdag nya saka tumawa.

"Salamat din kasi nakilala kita Sunoo. Siguro kung hindi kita nakilala, naka tanga lang ako sa bahay." sabi ko rin sa tumawa, pareho kaming nagtawanan.

Habang umiikot kami, nag kwekwentohan kaming dalawa about sa lugar, turo dito, turo doon. Itong si Sunoo kung ano anong tinuturo sa paligid baka manuno sya. Ako kinakabahn sa kanya e, nasa probinsya pa naman kami.

Goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon