10

2 0 0
                                    

10

Naglalakad ako ng nangangatog yung paa ko sa sakit at lamig na nararamdaman ko. Naka pants saka hoodie ang suot ko, nilalamig kasi talaga ako.

Nakapasok pa both hands ko sa bulsa sa harap ng hoodie ko, ayaw ko talaga mag kasakit kasi tinatamad akong gumalaw pero dahil naman sa ikakasaya ko... Pinilit ko yung sarili kong makita yung kaibigan kong si sunoo.

Kaibigan e noh...

Syempre kaibigan lang muna, wala pang label e. Joke only, pero talaga... Na iinlove na ako sa kaibigan kong si sunoo.

Dapat hindi mo pinapahalata sa tao na may gusto ka sa kanya para hindi mailang yung tao na gusto mo. Low-key lang ganon, simplehan mo lang yung moves na parang kaibigan mo lang yung gusto mong tao.

Huwag mong ipahalata na gusto mo sya, bigyan mo ng oras na magkasama kayong dalawa at ipakita mo ang caring mo sa kanya.

Like me, ginawa ko na lahat ng paraan makasama ko lang sya ng matagal. Nung una nga hindi na pa ako pinansin, nung pangalawa naman wala sya doon, hanggang sa pangatlo...

Buti na lang talaga at nag smoke ako n'on, malaki rin ang naitulong ng naiwan ko yung lighter ko kasi si Sunoo ang nagbigay sa akin ng lighter na... Galing pa sa gyera.

Tapos ayon! Doon na kami nagkausap tapos nung pauwi na sya, tinanong ko ng pasigaw kung anong pangalan nya tapos ang sagot naman nya 'Sunoo'

Hanggang sa araw araw na akong pumupunta doon, ang saya ko nga kapag pupunta ako doon tapos nandoon sya. Walang sawang kwentuhan. Pero may times na tahimik lang kami tas mauuwi na sa uwian hehe.

Pero nung una kong kita ko talaga sa kanya na starstruck ako. I don't know why... Basta!

Dati na ko-kornihan ako sa love at first sight kasi hindi ko naman pa alam yung feeling non, kasi diba? hindi mo pa kilala yung tao may pagtingin ka na agad

Tapos naranasan ko kay sunoo, unang kita ko pa lang sa kanya parang may something na. Tanaw ko yung future namin... Joke!

Bilis ng kabog ng puso ko n'on, tapos nahihiya pa akong tumuloy doon sa pupuntahan ko dahil sa kanya.

Nagpapansin ako sa kanya pero wala rin, hindi naman ako tumigil at gumawa parin ako ng paraan para mapansin ako. Ayon na nga ang bunga ng pagpapansin, nakasama ko yung taong gusto kong makasama

Trust the process lang...

Nakarating na ako sa paroroonan ko, wala akong matanaw na sunoo... Hindi ko matanaw si sunoo.

"Anong oras na ah?... Bakit wala pa sya dito?" tanong ko sa sarili ko habang palapit sa upuan na lagi naming inuupuan.

Yun lang naman ang nagiisang upuan sa lugar na iyon, safe place...

Dahan-dahan akong umupo sa upuang kahoy, naka tanaw sa pag lubog ng araw.

"Siguro, pagod lang 'yon si Sunoo kaya hindi nag punta dito." pabulong na sabi ko kahit na wala naman akong kausap dito.

"Baka naman darating sya? I'll wait na lang for him" sabi ko habang nakatanga.

Hindi ko dala dala yung phone ko dahil alam ko na rin naman yung daan, kabisado ko na. Sa araw-araw ba naman na pag punta ko dito. Saka kapag dala ko yung phone ko, hindi ko naman nagagamit dahil mas gusto kong ka bonding itong si Sunoo.

Ilang oras akong naghintay hanggang sa lumubog ang araw. Sa tuwing tumitibgin ako sa magandang araw na palubog, si sunoo ang nasa isip ko. Naaalala ko sya dahil narin siguro sa pangalan nya. Sun, sunoo.

Palubog na ang araw ngunit wala pa rin si sunoo. Nilalamig na rin ako dito at pakiramdam ko tumataas nanaman yung temperature ng katawan ko.

Maya-maya pa, ramdam ko na ang pagka ngatog ng parehong tuhod ko dahil nga sa nilalamig ako. Napaka lakas ng hangin sa lugar

Nang tuluyang mawala na ang araw na pababa, tumayo na ako para bumalik pauwi sa mansion.

Goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon