11

2 0 0
                                    

11
Waiting

Ilang beses ang nagbalik sa lugar na tinatawag kong safe place pero hindi ko talaga makita si sunoo, Hindi ko na sya matanaw katulad ng dati.

Halos mag dadalawang linggo kong hindi nakita si Sunoo. Sa mag dadalawang linggo'ng 'yon, bumabalik balik pa rin naman ako dito kahit papano.

Hindi ko na matandaan pero maraming beses akong bumalik dito, nag babakasakaling makita si sunoo. Pero wala talaga, sa tuwing pupunta ako hindi ko makita si sunoo, wala akong makitang sunoo.

Minsan nga umaga pumupunta ako kasi baka umaga sya pumupunta doon, pero wala pa rin. Tri-nay ko rin tumambay buong araw doon, kasi ang akala ko hindi ko lang na chempuhan si Sunoo pero mali ako, wala talagang sunoo ang lumitaw sa harap ko.

Tatlong beses lang nama ako tumambay all day doon sa safe place ko, nagdala lang ako ng payong para hindi ako mainitan. Mahangin naman doon, ang kalaban ko lang ay ang araw na tumatama sa balat ko.

Nag dala rin ako ng phone para naman hindi ako mabagot, meron din akong power bank na dala dala para pag na lowbat yung phone ko, may pag cha-chargan ako.

Nag dala rin ako ng magnum, baka sakaling sumipot sya pero ang ending natunaw lang ang ice cream na dala dala ko. Ning hindi ko nga binuksan yun dahil gusto ko sya kasamang kumain.

Kung hindi naman magnum ang dala ko, may dala akong isang paper bag na galing McDo kasi nga naalala ko si Sunoo na naubos nya yung kinakain nya nung nag dala ako ng mcdo.

At nung pangalawang linggo na, huwebes, sa kaka hintay ko sa kanya, biglang bumuhos yung malakas na ulan.

Medyo takot pa ako n'ong umulan, dahil hindi madaling kalimutan yung past ko na nakaka trauma.

Nakaupo lang ako noon sa putol na kahoy na lagi naming inuupuan, habang umuulan. Napa yakap na nga lang ako sa sarili ko...

Habang naka upo ako sa ilalim ng galit na kalangitan, naalala ko ang araw na naligo ako ng ulan kasama si Sunoo, pati na rin yung pagtulong sa babae.

Para akong baliw na ngumi-ngiti sa ilalim ng galit na kalangitan. Nawala yung takot ko nung mangyare yon kasi naalala ko ang masasayang alaala na pinaranas ni Sunoo.

Kapag nasa bahay naman ako, hindi ako kuntento dahil hindi naman ako masyadong close sa parents ko. They were always busy, kakain kami sabay sabay ng tahimik.

Mag uusap about business na wala naman akong balak na mapasa akin, I just want to live happily, live normal.

Sabi nila money can't buy happiness. Para sa'ming mayayaman lang ata yan, kami ata yang pinapatamaan ng salitang yan.

Hindi naman lahat ng mayayaman e, hindi masaya. Meron din kasing mayayaman na marami ngang pera pero walang time sa family. Like my family.

Nasilaw sa pera kaya naman kahit may milyon milyon na e, kulang parin para sa kanila.

Sa nakikita ko kay Sunoo, mukhang masaya naman buhay nya kahit na sinabi nyang wala silang pera, ning hindi pa nga sya nakakatikim ng magnum e...

Ferris wheel din, hindi pa daw nya nasasakyan.

Ang saya lang sa feeling kasi dahil sa akin nakatikim sya ng magnum at naka sakay sa ferris wheel ng dahil sa akin. Ang sarap makarinig ng thank you.

"Kung nasaan ka man Sunoo, sana balikan mo ako" bulong ko sa sarili ko.

Nandito ako sa loob ng kwarto ko, naka tanaw sa binata. Dalawang araw akong hindi pumunta doon... I can't stop myself, gusto kong pumunta doon kahit wala sya. Atleast yung buhay memories namin sa isip ko.

Dalawang linggo akong malungkot, hindi kumpleto araw ko kapag hindi ko nakikita si sunoo or hindi ko naririnig boses nya.

Nagbalik ako ng online games pero wala nang talab, salamat kay sunoo dahil naiwasan ko yung pag ka adik ko sa online games.

Na aalala na rin ako sa kaya dahil baka may sakit sya o may nangyaring masama sa kanya. Pero ayaw ko namang isipin na ganon nga nga, ayaw kong mag isip ng negative. Nakaka dagdag lang ng stress...

Kakagaling ko lang pala sa sakit. Nung una yung naligo kami sa ulan ni sunoo, yung pangalawa naman ay yung hinintay ko si sunoo noon tapos umulan ng malakas. Nandoon lang ako hanggang sa mawala yung ulan, dumaan lang naman kasi pero tumatagl din ng ilang oras.

Wala naman akong pinag sisihan sa mga ginawa ko kahit pa magkasakit ako.

I'll risk everything to him, sunoo...

Sabi ko nga diba, I'll wait. Marunong akong tumupad ng salita, hindi naman ako basta basta mag bibitaw ng salita kung alam kong hindi ko kaya.

Pero malay ko ba kung may love life ba si sunoo o wala? Sa tingin ko naman wala pa... Sa tingin ko lang, not really sure kung wala ba talaga.

Kung meron man...

Nah...

Wala yon.

Goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon