6
Perya sa baryoIlang araw na akong pabalik-balik dito, walang araw na bumalik ako dito na hindi ko nakikita si sunoo.
Lagi sya nandoon, minsan napapa isip na lang ako kung hinihintay nya ba ako o ano. Joke! Assuming ka Riki ah...
"Aga mo atang magpunta dito ngayon?" tanong ni Sunoo.
"Syempre ako pa." sabi ko saka tumawa
Gagawin ko pa ba? Ako naman bahala sa kaaway nya e. Ano? Riki ano? Sagot! Nag dadalawang isip ako kung pupunta ba kami ng baryo na sinasabi nya.
Umubo ako ng pa kunware, napalunok na lang ako bago magsalita. "Sunoo, malayo ba yung bayan dito?" kabado kong tanong sa kanya. I don't why... Hindi ko alam bakit ako kinakabahan, nag tanong lang naman ako.
"Medyo lang naman. Bakit?" tanong nya. Patay ayan na, tinanong ka na ng bakit
"May kailangan kasi akong bilhin e, hindi ko naman alam paano magpunta doon." sabi ko, sandali akong natahimik para pag isipan yung sasabihin ko sa kanya.
"Pwede mo ba akong samahan?" tanong ko sa kanya. Bigla namang nag iba mukha nitong si Sunoo.
Ilang segundo rin syang natahimik, "Oo naman!" masaya nyang sabi
Sa isip ko napa 'Yes!' na lang ako, ang saya ko nanaman. Ano ba'to. Sana hindi ma expire yung TNT
Humakbang si Sunoo palayo sa akin, ako naman itong nakatingin lang sa kanya dahil wala akong ideya kung anong gagawin nya. Bigla syang huminto sa paglakad at nilingon ako sa likod nya.
"Ano pang ginagawa mo jan? Tara na!" sabi nito. Napatakbo na lang ako palapit sa kanya.
Kapantay ko na sya maglakad, "Malayo ba yon pag nilakad?" tanong ko kasi hindi naman ako sanay mag lakad e.
Sana dinala ko na lang yung kotse ko para hindi na kami naglakad...
"May alam akong short cut para mapabilis tayo. Okay lang ba sayo?"
"Oo namam, sige short cut na lang tayo para mabilis tayong makarating doon" sagot ko sa kanya.
Nakalayo layo na kami sa pinanggalingan namin, nasa kalagitnaan kami ng paglalakad.
"Sun, taga saan ka pala?" tanong ko sa kanya. Ilang araw na kaming mag kaibigan pero diko pa alam bahay nya.
"Lagpas na tayo, tago lang din bahay namin." sagot nito.
"Bakit naman tago?" tanong ko.
"Pinili ng nanay ko na tumira sa walang bayad at abandonadong bahay. Kapalit ng pag kokolehiyo ko. Imbis na yung pang upa namin sa bahay, ginastos na lang ng nanay ko sa pag pasok ko sa college"
"Anong year ka na ba?" I asked.
"Second year college." maikli nyang sagot
"Ah... Ako kasi third year college"
"Oh?!" gulat nyang sambit, ano namang nakaka gulat doon? "Anong course kinuha mo?" tanong nya.
"Of course ikaw" pag bibiro ko, kita ko naman ang pagpigil tawa ni Sunoo ng bigla nya akong hampasin sa balikat. "Seryoso kasi, umayos ka" sabi nito habang tumatawa.
"Ano... Architecture." I said.
"Maganda naman pala kurso na nakuha mo, hindi ba drawing, drawing lang yon?" sabi nya kaya napa angat ako ng tingin sa kanya. Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. Na offend ako oo.
"Bakit?" tanong nya
"Drawing, drawing lang? Nah... Nagkakamali ka." sabi ko. Medyo napa kuyom ako sa sabi nyang drawing drawing lang.
BINABASA MO ANG
Goodbye.
Fanfiction"Nariyan ka pa ba? Hindi ka na matanaw..." Goodbye story from twitter! Meron sya sa twitter, also here, meron din sa Wattpad.