Jema's POV
Sunday, nag aayos ako dahil meron kaming date ni Dave.
Dress na yellow ang suot ko.
Maya maya narinig kong may nag doorbell kaya naman, agad akong pumunta doon at binuksan iyon.
Bumungad sakin yung isang gwapong lalaki na nakaformal attire. Nasa harapan ko ngyon yung lalaking mahal ko..
"Babe, ready kana?" tanong nya sakin habang nakangiti
"Yes" sagot ko naman, hinawakan nya ako sa kamay at naglakad na kami.
"Ang ganda mo babe.." sabi nya sakin habang nakangiti, nakaramdam naman ako ng kilig
"Thank you..." sabi ko
Nang makarating kami sa sasakyan nya, agad akong inalalayan ni Dave papasok sa sasakyan nya.
Nang makapasok sya sa sasakyan, tumingin ako sa kanya
"Babe, saan tayo?" tanong ko sa kanya
"Secret..." sabi nya habang nakangiti, napa-pout naman ako.
Nagsimula na syang mag drive. Nagkukwentuhan lang kami habang nasa byahe kami.
Halos Isang oras na, pero wala pa kami sa pupuntahan namin.
"B, saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya
"Basta B, relax ka lang dyan... ok?" sabi nya
Maya maya tumigil kami sa isang gate, bumaba sya ng sasakyan nya at pinagbuksan ako ng pinto.
Papasok na sana kami ng gate, kaso bigla syang tumigil at tumingin sakin.
"Babe, kailangan kong takpan yung mata mo.." sabi nya habang nakangiti, natawa naman ako
"ba yan! daming arte ha.." sabi ko habang nakangiti..
Tinakpan nya yung mata ko at dahan dahan kaming naglakad..
"Babe, dahan dahan.." sabi nya
"Iihh! ikaw kasi ang dami mong arte.." sabi ko
"Malapit na.." sabi nya, "Ayan.. bibilang ako ng tatlo.. 1, 2, 3!" sabi nya pagkatapos inalis na nya yung kamay nya sa mata ko..
Una, medyo malabo yung paningin ko, nang unti unti ng luminaw, lumaki yung mata ko dahil na surprise ako..
Ang ganda ng paligid, ang daming bulaklak na nakakalat, yung mga picture namin nakasabit sa daanan..
Napangiti ako at dahan dahang naglakad, habang naglalakad ako, tinitingnan ko yung mga picture namin..
Naluluha akonv tumingin sa kanya..
"Babe naman! nakakainis ka..." mangiyak ngiyak na sabi ko, nakangiti lang sya, lumapit ako sa kanya para yakapin sya..
Naramdaman kong hinalikan nya yung noo ko..
"Lahat gagawin ko para sayo babe..." sabi nya.
Hinawakan nya yung kamay ko at sabay kaming nagpunta sa ginta.. meron doong lamesa at may dalawang upuan, may nakahanda na ding pagkaen at wine..
Ipinaghila nya ako ng upuan..
"Kaen muna tayo Babe.." sabi nya
Habang kumakaen kami, napapatingin ako sa kanya
"Bakit babe? mas lalo ka na bang naiinlove sakin??" tanong nya sakin,
"hahahaha kapal..." sabi ko kaya natawa sya..
Nang matapos kaming kumaen, inaya nya akong sumayaw..
Biglang tumugtog yung song na Can I Have This Dance ng High School Musical..