Jema's POV
Napatingin ako sa pinto ng office ko ng marinig kong may pumasok doon.
Napangiti ako ng makita kong si Dean yung pumasok, meron syang dalang flowers, tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Hi, good morning, flowers for you.." sabi nya habang nakangiti at nakatingin sa akin.
Tinanggap ko naman yung flowers."Thank you... ang aga naman ng manliligaw ko" sabi ko habang nakangiti, natawa naman sya, nakita kong merong notes na nakalagay sa flowers kaya binasa ko iyon.
"In this world and in every universe, I choose you to be the queen of my heart, my love, and my heartbeat.
Je t'aime"
Napangiti ako,
"So ikaw pala talaga yung nagpadala sakin dati ng flowers.." sabi ko habang nakangiti, dahan dahan naman syang tumango.
"Uhm, Jema, pwede bang tumambay dito?" tanong nya sakin,
"Oo naman" sagot ko sa kanya
"Nag breakfast kana?" tanong nya uli sakin
"Uhm, nag coffee lang ako kanina eh" sagot ko uli
"Ok lang order ako ng breakfast natin? Hindi pa din ako nag bi-breakfast eh" sabi nya,
"Sure.." sabi ko habang nakangiti.
Umupo sya sa may sofa ng office ko pagkatapos nilabas niya yung phone nya.
Siguro o-order na sya.
Bumalik ako sa upuan ko at nagsimula na uli mag trabaho. Paminsan minsan napapatingin ako kay Dean, tinitingnan ko kasi kung anong ginagawa nya.
Natawa ako dahil para syang bata na nagsusulat sa table..
Maya maya dumating na yung order nya, saJollibee pala sya nag order.
"Jema, binilihan ko din pala si Kyla ng breakfast" sabi nya sakin habang inaayos sa lamesa yung mga inorder nya.
Biglang pumasok si Kyla.
"Bes, may naamoy akong pagkaen, galing dito..." sabi ni Kyla sakin
Lakas talaga ng pang amoy nitong babaeng to...
"Hi Kyla..." bati ni Dean kay Kyla
"Oh Dean, nandito kana pala, ang tagal mong nawala ah" sabi ni Kyla sa kanya
"heheheh may inasikaso lang ako" sagot naman ni Dean
"Eh bakit ka nandito?" tanong uli ni Kyla
"Uhm dinadalaw ko lang si Jema" sagot ni Dean
"Dinadalaw o nililigawan?" tanong uli ni Kyla, napatingin sa kanya si Dean
"Pwede both? ahahaha" sagot ni Dean, sabay abot ng pagkaen kay Kyla, biglang lumawak yung ngiti ni Kyla ng kunin nya yung pagkaen.
"Ayyy hanep, hahah ayos tong manliligaw mo Jema ha... sige na nga approved kana.." sabi nya, natatawa naman akong lumapit sa kanila
Naikwento ko na din kasi kay Kyla na nililigawan na ako ni Dean, ngayon masaya sya para sakin dahil alam nya daw na totoong pagmamahal na daw yung nararamdaman ko kay Dean.
Sabay sabay kaming kumaen sa lamesa. Habang kumakaen kami nagkukwentuhan lang kaming tatlo.
Ilang araw pa ang lumipas, halos isang buwan ng nanliligaw sakin si Dean, ilang beses na din kaming nakakapag date sa labas, nakasama na din naming mag dinner yung family nya, noong una nagulat sila ng malaman nilang nililigawan ako ni Dean, pero natuwa din naman sila, mas pabor pa nga daw sila na ako yung maging girlfriend ni Dean dahil kilala na daw nila ako.