Blake's POV
Hi, Blake de Leon nga pala.. bestfriend ni Dave.
Nandito kami ngayon sa site sa Palawan, nakakatatlong araw na kami dito.
Meron kasi kaming project dito, buo na syang building, tinakasan daw kasi sila ng una nilang nakuhang engineers kaya naman hindi natapos, ang gusto ng may ari, kailangang gawing modern building para sa mga tourist.
Habang nag che-check kami ng mga gagawin dito, nag salita si Dave.
"Bro, I think mga 2 years tapos na to.." sabi nya, napangiti naman ako
"Tingin ko din.. pero ok lang, malaki naman yung offer.." sabi ko, napangiti lang sya..
Tiningnan ko yung mukha nya
"Ang saya mo ha... hahahahah sabagay, mag 'yes' ba naman yung taong mahal mo eh.." sabi ko sa kanya, natawa naman sya
"Hahahahah, sobrang saya ko bro.. akalain mo yun, malapit ko ng mapangasawa yung babaeng mahal ko.." sabi nya, kitang kita ko yung saya sa mukha nya,
"Eh yung gago, hindi mo ba iimbitahan?" tanong ko,
"S-Syempre iimbitahan.." sabi nya, "Bro, nagugutom na ako, kaen muna tayo" pag iiba nya ng topic
"Sige, nagugutom na din ako eh" sabi ko
Naghanap kami ng malapit na restaurant. Nang makahanap kami, umorder agad kami.
"Bro, ikaw? wala kang balak mag asawa? hindi mo pa inaaya si Jho?" tanong nya sakin
"Hahaha, malapit na din Bro.. pinauna lang kita.." sabi ko
Maya maya dumating na yung order namin at nagsimula na kaming kumaen.
"Grabe, ang sasarap talaga ng pagkaen dito.." sabi ko sa kanya
"Next time aayain kong magbakansyon si Jema dito.." sabi nya
"Hahaha patay na patay ka talaga kay Jema bro.." asar ko sa kanya
"ikaw naman under na under kay Jho! hahaha" asar nya sakin..
Ok... na back to you ako don ha..
Nagkwentuhan lang kami habang kumakaen. Nang matapos kaming kumaen, nag aya na sya para bumalik sa building para ipagpatuloy yung pag che-check ng mga ginagawa ng mga workers doon.
Habang naglalakad kami pabalik, kausap ni Dave si Jema...
Masaya ako dahil nakikita kong masaya yung kaibigan ko..
Nagcheck din ako ng phone ko, nagulat ako dahil sobrang daming missed calls ni Jho..
Naku! mahaba habang paliwanagan nanaman ito..
Tinawagan ko sya, kaso hindi nya sinasagot..
Naku, galit to..
"Bro! bilis na.. sayang oras ko!" sabi ni Dean, tapos na pala sila ni Jema mag usap at hinihintay na nya ako..
Ano ba yan, bakit ba to nagmamadali? anong oras sinasabi nya, eh hawak naman namin oras namin..
"O-Ok.. saglit..." sabi ko, paghakbang ko biglang bumilis yung tibok ng puso ko..
Ang weird.. makapagpa-check up nga..
Nang makarating kami sa building, agad kaming nagtrabaho..
Tiningnan ko yung mga ginagawa ng workers..
"Guys, yung mga materyales wag sasayangin ha.." sabi ko sa kanila