Part 18

1.2K 43 9
                                    

Dean's POV

Nakatingin lang ako kay Jema habang naglalakad palabas ng unit ko. Babalik na daw kasi sya sa office nya.

Alam kong naiilang sya sakin at kay Blake. Alam ko din na nakakahiya yung ginawa ko kanina. Sa totoo lang hindi naman kasalanan ni Jema yon.

"Deans... you like Jema right?" nagulat ako ng biglang magsalita si Blake, napatingin ako sa mga kasama namin at halatang nagulat din sila sa tanong ni Blake

"B-Bro, ano ba yang pinag sasabi mo, kapatid ni Dean yung boyfriend ni Jema" sabi ni Tots

"Yeah... I'm not questioning Deans about his brother, I'm questioning his feeling toward Jema. I saw them, almost kissing." seryosong sabi ni Blake, mas lalong nagulat yung mga kasama namin dahil sa sinabi ni Blake, napatingin silang lahat sakin.

Napaka prangka talaga nitong lalaking to...

"what if I tell you na tama ka?" tanong ko sa kanya, biglang tumaas yung kilay ni Blake

"Bro, girlfriend sya ng kapatid mo..." sabi ni Blake, nakikinig lang sila Tots saming dalawa

"Yeah, pero bawal na ba syang mahalin dahil lang sa girlfriend sya ng kapatid ko?" tanong ko sa kanya, "Sorry, pero hindi ko mapipigilan yung nararamdaman ko..." dagdag ko pa

"Deans, ok lang sakin yon eh, p-pero paano kung nakikita ka lang ni Jema bilang si Dave?" tanong ni Blake sakin, "Ayaw kong masaktan ka Dean..." sincere na sabi ni Blake, "Kakawala palang ng kapatid mo, at sure ako na hindi nya pa nakakalimutan yung kapatid mo..." dagdag nya pa sakin

"Tama sya Dean..." sabat naman ni Ish, bigla akong napayuko

"Pero, bakit hindi nalang natin hayaan si Dean kung saan sya masaya? Hindi naman masamang mag take ng risk diba?" tanong ni Tots kaya bigla akong napatingin sakanya, "Magkaiba si Dean at si Dave..." dagdag nya pa

"Tama... basta ako, kung yun yung ikakasaya mo Deans doon ako, kung masaktan ka man nandito lang ako para sayo... hindi mo naman kasalanan na minahal mo yung tao eh" sabi naman ni Adie

Narinig kong napabuntong hininga si Blake...

"Blake, ayaw ko ng may pagsisihan uli o may paghinayangan, ayaw kong sayangin yung pagkakataon, pinaubaya ko na sya dati sa kapatid ko..." sabi ko sa kanya, kunot noong napatingin sakin si Blake, "Kilala ko na si Jema bago pa man sila magkakilala ni Dave" kwento ko

"W-What??/ Talaga?/ Weh??" tanong nilang lahat sakin, dahan dahan akong tumango

"Dati, habang nag hahanap ako ng trabaho, nakita ko si Jema malapit sa may Adamson University, tumatawid sya sa kalsada, hindi nya nakita na may mabilis na sasakyan na paparating, kaya naman dali dali akong tumakbo palapit sa kanya para iligtas sya. Hindi ko alam, pero na love at first sight ako kay Jema non.." kwento ko, nagulat sila Blake at Tots dahil sa sinabi ko, "That day, nagkita din kami ni Ate Jia, at nalaman ko na kinakapatid nya si Jema.. Ipapakilala nya sana ako, kaso naunahan ako ni Dave dahil kinulit kulit daw ni Dave si ate Jia.. hanggang sa nalaman ko na naging silang dalawa na, ang bilis ng pangyayare, hanggang sa wala na akong nagawa kundi yung hayaan nalang si Jema sa kapatid ko, ayaw ko din na mag away kaming dalawa ni Dave dahil lang sa iisang babae, dahil m-malaki din yung naitulong sakin ni Dave noong pinalayas ako ni dad sa bahay, at alam kong alam nyo yun... h-hindi ko alam, abnormal yata tong puso ko kasi hanggang ngayon sya parin eh.." dagdag ko pa

"OMG! Ibig sabihin i-ikaw yung nagligtas kay Jema at hindi si Dave?" tanong ni Ced sakin, kunot noo naman akong tumango

"Bakit?" tanong ko kay Ced

"Kasi sinagot lang naman ni Jema si Dave dahil niligtas daw sya ni Dave..." sagot ni Ced, bigla akong napayuko

"Pero alam kong tunay ding minahal ni Jema yung kapatid ko..." sabi ko

If Tomorrow Never ComesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon