Part 9

1K 42 7
                                    

Dean's POV

Hindi naging madali yung buhay ko sa Paris.

Bago ako naging successful, marami akong pinagdaanan.

Hindi alam ng tito ni Ate Jia na nagtatrabaho pa ako pagkatapos kong mag trabaho sa kanya.

Pumasok ako sa isang restaurant bilang Janitor, taga hugas ng plato, tagabuhat ng mga mabibigat na bagay. Naging tour guide din ako tuwing Sunday.

Flashback...

Pagdating ko dito sa Paris, agad akong nagsimulang magtrabaho sa tito ni Ate Jia. Marami akong natututunan sa kanya.

"Dean, ok ka naman ba dito sa tinutuluyan mo?" tanong sakin ni Tito

"Ok lang po" sagot ko habang nakangiti.

"Oh tara na at meron pa tayong client, dalhin mo yung mga gamit" sabi ni Tito, agad naman akong sumunod sa kanya

Nang makarating kami sa studio ni Tito, agad kong inayos yung mga lightning pati na rin yung mga softbox.

"Ayos ha.. marunong ka ng mag ayos ng mga lightning Deans, mabilis kang matuto.." sabi ni Tito, napangiti naman ako

"Salamat po.." sagot ko

"Gusto mo ba ikaw yung kumuha ng mga litrato mamaya?" tanong nya sakin, nakaramdam naman ako ng saya..

"T-Talaga po?" tanong ko sa kanya

"Oo, kung gusto mo lang naman.." sabi ni Tito

"Oo naman po! gustong gusto ko!" sabi ko habang nakangiti

"Ok, may tiwala ako sayo Deans.." sabi nya

Lumabas na yung mga model na pipicturan namin. Agad silang nag pose kaya pinicturan ko sila.

Nang makita ko yung unang kuha ko napangiti ako.

"Wow.. parang hindi begginer ha.. ang ganda.." namamanghang sabi ni Tito, "Tuloy mo.." sabi nya

Tinuloy ko lang yung pagkuha ng mga larawan sa nga model.

Nang matapos kami, isa isang tiningnan ni Tito yung mga kuha ko. 

"Magaling Deans! natutuwa ako sayo..!" sabi nya

"Thank you.." sabi ko sa kanya habang nakangiti

Maaga pa ng makabalik ako sa apartment ko, kapag natatapos kasi kami ni Tito pinapauwi nya ako kaagad para daw makapagpahinga ako, bilin daw kasi sa kanya ni Ate Jia wag akong papagurin dito. Pero hindi nya alam, may iba pa akong trabaho dito.

Nagbihis kaagad ako ng uniform ko pagkatapos umalis na ako. Nagtatrabaho ako sa isang restaurant na pinoy din ang nagmamay-ari, syempre mga pinoy din yung mga nagtatrabaho dito.

"Oh Deans, muntik kanang malate.." sabi sakin ni Ish, napangisi naman ako

"Muntik lang, pero never malilate.." sabi ko

"Wehh.. alam mo dapat nagpapahinga ka nalang, kitang kita sa mukha mo yang pagod.. nagpapahinga ka pa ba?" tanong nya saki

Kinuha ko yung mop at nagsimula ng maglinis..

"Ano ka ba.. bawal magpahinga.. wala ng tumutulong saking magulang kaya bawal mag tamad tamadan.." kunot noong sabi ko

"Deans, may ipapabuhat sana ako, hindi ko kasi kaya.." sabi ni Ish

"Saan?" tanong nya

"Halika.." aya nya sakin, nakanguso naman akong sumunod sa kanya

"Alam mo kasi, ikaw lang yung nalalapitan ko dito.. hahaha kaya sayo lang ako nagpapasuyo.. yung iba kasi dito englishera.. pareparehas lang naman tayong galing sa Pinas.." nalolokang sabi nya, natawa naman ako

If Tomorrow Never ComesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon