Part 12

1K 44 2
                                    

Dean's POV

Papunta kami ngayon ni Jema sa bahay na ipapaayos ko. Sasakyan nya yung gamit namin.

"Bakit parang ang layo naman ata ng pinagpatayuan mo ng bahay?" tanong nya sakin habang nasa byahe kami

"Hindi naman, San Mateo lang naman, saka maganda kasi yung lugar doon" sagot ko

Nang paakyat na kami ng bundok, pinatay ko yung aircon, pagkatapos binuksan ko yung bintana.

Nakita kong napangiti si Jema.

"Sarap ng hangin diba? fresh pa.." tanong ko, tumango naman sya

Tumingin sya sa labas..

"Maganda nga, kitang kita yung buong Quezon City.." sabi nya

"diba? sabi sayo eh, saka tahimik pa, malayo sa maingay na city.." sabi ko pa, hindi na sya nagsalita uli

Maya maya nakarating na kami sa tapat ng gate ng bahay ko.

Pagbaba namin ng sasakyan, napatingin ako sa kanya

"Tara, pasok.." aya ko sa kanya

Nang makapasok kami sa gate, napatingin sya sa paligid.

"Nice place ha.. kailan mo pinatayo ito?" tanong nya

"Uhmm... last year" sagot ko

"Talaga? ang bilis naman matapos..." sabi nya

"Si Dave yung naghawak nito.." sabi ko habang nakatingin sa bahay, bigla naman syang natahimik kaya napatingin ako sa kanya.

Mukhang nalungkot sya pagkabanggit ko ng pangalan ni Dave.

"Uhm.. pasok tayo.." pag iiba ko ng topic, sumunod naman sya sakin

"Anong gusto mong ipaayos dito? mukhang maayos naman na" sabi nya

"Gusto ko pang pagandahin kasi ito.. sa tingin mo? anong mas magandang deaign dito para sa sala??" tanong ko sa kanya, napahawak naman sya sa chin nya at nag isip, tumingin sya sakin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, nakaramdam naman ako ng pagkailang

"Alam mo, ibagay natin sa titira., mas bagay dito yung modern yung design, papipinturahan natin ito ng white, or dirty white, tapos dito sa magkabilang wall, mas magandang stone cladding yung design nya, tapos dito ilalagay yung tv, mas maganda pagawa tayo ng parquet wood cabinet, yung medyo dark yung kulay, tapos yung floor, mas maganda yung grey luxury vinyl tiles.. sa ceiling naman, mas maganda kung maglalagay tayo ng false ceiling design tapos may led lights.. oh diba? modern na modern, syempre dapat yung mga furnitures mo dito black and white para naman bumagay.." mahabang sabi nya, napatango naman ako dahil na iimagine ko yung sinasabi nya

Naglakad sya papunta sa kitchen..

"Tapos dito, dagdagan natin yung cabinets, syempre mas maganda dito black and white, yung counter top, mas maganda marble black, para hindi marumihin.." sya uli yan, marami pa syang pinaliwanag sa akin, hanggang sa makarating kami sa master bedroom kung saan yung magiging kwarto ko.

"Ang laki ng kwarto.." sabi ni Jema

"Actually, pinalakihan ko talaga ito, gusto ko kasing magpalagay ng division para sa room ng mga collections ko, gusto ko rin magkaroon ng sariling room yung damitan ko" sabi ko kay Jema

"hmm sige, maganda nga iyon.." sabi nya, "Ano ano bang mga collection mo?" tanong nya sakin

"Uhm, shoes, tapos nag co-collect din kasi ako ng nga batman toys.." sagot ko

"Mahilig ka pala sa batman?" tanong nya sakin, tumango lang ako, napansin kong napatitig sakin si Jema..

Maya maya, natapos na din kami.

Habang nagdadrive ako pababa ng San Mateo, napatingin ako kay Jema.

"Jema, ok lang ba, lunch muna tayo sa may SM San Mateo?" tanong ko sa kanya

"Sure, sige lang.." sagot nya, napangiti ako dahil pumayag sya.

Nang makarating kami sa SM San Mateo, pumasok kami sa Ramen Kuroda.

Buti nalang meron dito..

"Ok lang ba talaga sayo na dito tayo?" tanong ko sa kanya

"Oo naman, ok lang" sabi nya habang nakangiti

Nang makaorder kami hindi na uli ako nagsalita, baka kasi naiilang sya.

Maya maya napatingin ako sa kanya dahil nag salita sya..

"Uhm Dean, ikaw lang ba yung titira don sa bahay mo?" tanong nya sakin

"Oo..." sagot ko, "maliban nalang kung makakasama kita.." bulong ko

---------------

Jema's POV

Napansin kong biglang tumahimik si Dean..

Ano kayang iniisip nya?

Magkaibang magkaiba talaga sila ni Dave.

"Uhm Dean, ikaw lang ba yung titira don sa bahay mo?" tanong ko sa kanya, kaya napatingin sya sakin..

"Oo..." sagot nya, "mahdhdhfhfhffbbfbfbbfbfbf.." bulong nya

"Ano yun?" tanong ko, mabilis naman syang umiling..

"Ah, w-wala ka pa bang girlfriend? or asawa?" tanong ko sa kanya

"wala pa.." sagot nya

Weh? sa gwapo nyang yan??

"Bakit?" tanong ko

"Mahabang istorya.. u-uhmm m-may mahal ng iba eh.." sabi nya, napa 'oww' naman ako pero walang sound.

"Pero bakit hindi mo subukan mag hanap nalang ng iba?" tanong ko sa kanya, tumingin sya sakin

"Wala akong makitang katulad nya eh.." sagot nya..

Ano ba yan..

"Hindi ka nalulungkot na ikaw lang laging mag isa?" tanong ko sa kanya

"Minsan.. pero narealize ko... kailangan ko ding maging masaya kahit ako lang mag isa.. Kasi hindi naman lahat ng gusto mong manatili sa buhay mo ay mananatili talaga.." sagot nya..

Ang lalim, pero tinamaan ako doon.. tama sya, si Dave nga nawala nalang bigla..

Pero mas masaya parin yung may kasama..

Tumingin ako sa kanya..

"Atleast naging bahagi sila ng buhay mo kahit na panandalian lang, mas maganda parin na hangga't nandyan sila sulitin mo yung bawat oras na nandyan sila sa tabi mo.." sabi ko habang nakatingin sa kanya, nakatingin lang din sya sakin,

"Alam mo dati, hindi ko pinapansin masyado yung motto na 'time is gold', pero napag isip isip ko ngayon, mahalaga pala talaga ang bawat oras, kasi kahit gaano ka pa kayaman, hinding hindi mo na mababalik yung oras kapag nawala na.. hindi mo na mababalik yung oras na kasama mo pa sila.. wala ka ng magagawa kundi ang alalahanin yung mga oras na kasama sila..." dagdag ko pa

Oo, yan yung na realize ko noong nawala si Dave..

Hay! naiiyak nanaman tuloy ako..

Nakatingin parin sakin si Dean..

"Tama ka naman.." sabi nya

"Kaya ikaw, hangga't nandyan pa yung mga taong mahal mo sa buhay, sulitin mo na makasama sila.." sabi ko, napayuko sya

"Pano ko susulitin ko sila mismo yung nagtaboy sakin?" tanong ko sa kanya

"Alam mo, bakit hindi ikaw yung gumawa ng paraan para mapalapit uli sa kanila?" tanong ko sa kanya, pero hindi sya samagot..

Maya maya dumating na yung order namin, kaya naman nag simula na kaming kumaen.

Habang kumakaen kami, napapatingin ako sa kanya, nakayuko lang kasi sya..

Pero, kapag tinitingnan ko sya, parang may kakaiba akong nararamdaman..

--------------

If Tomorrow Never ComesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon