Jema's POV
Papunta ako ngayon sa bahay nila Dave. Tinawagan kasi ako kanina ni Ate Cy, ininvite nya ako para sa dinner daw, saka namimiss na daw ako nila Tita at Tito.
Nang makarating ako sa bahay nila, agad akong sinalubong ni Ate Cy.
"Jema, mabuti naman at nakarating ka, namiss kita!" masayang sabi nya, pagkatapos nakipag beso sya sakin
"Namiss ko din kayo..." sabi ko
"Kamusta kana?" tanong nya sakin
"Ito, ok na.." sabi ko habang nakangiti
"Talaga? may bago na atang nagpapatibok ng puso mo ha, gumaganda ka lalo eh!" sabi nya sakin, natawa naman ako
Meron po, kapatid mo parin hehehe..
Nang makapasok kami sa bahay nila, masaya akong sinalubong nila Tita at Tito.
"Jema, namiss ka namin dito!" sabi ni Tita habang nakangiti
"Ako din po, sobrang busy lang din kasi ako nitong mga nakaraang buwan kaya hindi po ako nakabisita" sabi ko sa kanila
"Naku ok lang, masaya kami na nakita ka namin ngayon.. tara na at ng makakaen na.." sabi ni Tita
Inalalayan ako ni Tita sa pag upo, pagkatapos nagpalinga linga sya, ganon din yung ginawa ni Tito.
"Ditchie, nasaan na yung mga kapatid mo?" tanong ni Tito kay Nicole.
"Hay nako Mom.. nasa taas, naglalaro!" sabi ni Nicole
Maya maya, nakarinig kami ng parang merong nag hahabulan sa taas at nag aaway.
"Hay nako! ayan nanaman sila.. nagkakadayaan yan mom, kaya ganyan yan.." sabi ni Cy, natawa naman si Tita
"Kuya! ang daya mo! ako na eh!" sigaw ng isang lalaki
"Wth! hindi ha.. talo ka lang eh!" sigaw naman ng isang lalaki
Nakarinig uli kami ng habulan sa taas.
Maya maya nakita kong tumatakbo pababa si Joseph..
"Mom! si Kuya ang daya!" sumbong ni Peter sa magulang nya, "Ibalik mo yan!" sigaw nya pa
Pinag aagawan nila yung gamepad controller na hawak ni Joseph
"No! ako na yung next! natalo ka eh!" sabi naman ni Joseph, kaso naagaw ni Peter yung hawak hawak na controller ni Joseph, pagkatapos tumakbo uli sya papunta sa taas, kaso hinabol uli sya ni Joseph
"Ano ba kayo? kakaen na!" saway sa kanila ni Tita
"Kuya! tulungan mo ko dali!" sigaw ni Peter, maya maya nakita namin na tumatakbo pababa ng hagdan si Dean..
Napako sa kanya yung paningin ko, nakaramdam din ako ng saya ng makita ko sya, bigla ding bumilis yung tibok ng puso ko.
Hinahabol sya ni Joseph, nang maabutan sya ni Joseph itinaas nya yung kamay nya, pilit namang inaabot ni Joseph yung controller sa kamay ng lalaki..
"Kuya ibigay mo nga sakin yan!" inis na sabi ni Joseph
"Si Peter na nga muna kasi..." sabi ni Dean habang iniiwas yung controller sa kapatid nya, maya maya napatingin sakin si Dean kaya bigla syang natigilan..
Dahil nawala sa focus si Dean, naagaw ni Joseph yung controller.
Nakatingin parin sakin si Dean..
"Dean, si Jema nga pala, girlfriend ni Dave.. Jema si Dean, kambal ni Dave" pakilala ni Tita
Hindi pa pala nila alam na kilala na namin yung isa't isa.
So ang ibig sabihin ba nito ok na sila Dean at yung Dad nya?