Part 22

1.5K 42 0
                                    

Dean's POV

"At nag enjoy ka naman?? Bakit ka pa maghahanap kung nandito din naman ako??" tanong nya sakin, natigilan ako sa pag sasayaw, nagulat din ako dahil sa sinabi nya.

Mas lalo akong nagulat ng bigla nya akong halikan sa labi.

Maya maya napayakap ako sa bewang ni Jema habang tinutugon yung halik nya. 

Sabay kaming bumitaw ni Jema at parehas kaming naghahabol ng hininga. 

Nagkatinginan lang kaming dalawa, maya maya ngumiti si Jema at pinisil yung pisngi ko kaya napangiti din ako. 

"Bawal ka ng maghanap ng iba ok?" sabi nya sakin, mas lalong lumaki yung ngiti ko habang nakatingin sa kanya. 

Oo na, kinikilig na ako...

"Bakit? Handa ka na bang mahalin ako?" tanong ko sa kanya, mabilis syang tumango habang nakangiti

"Hoy! dance floor yan, makapag kwentuhan naman kayong dalawa dyan akala nyo nasa park kayo.." pang gugulo samin ni Blake, sabay kaming napatingin ni Jema kay Blake

"Ganon ba? edi sasayaw kami haha" sabi ko, pagkatapos isinayaw ko si Jema

Natawa nalang si Jema dahil sa ginawa ko. 

Nagsaya lang kami buong gabi.

Ngayon, ramdam ko na talaga yung totoong saya, nakaka-ngiti na ako ng totoo.

Yung nagkabati kami ng magulang ko, malaking bagay na sa akin iyon.

Ilang linggo lang yung lumipas simula noong umalis ako dati dito sa Pilipinas, pumunta si Mommy at Daddy sa Paris, kinausap nila ako at humingi ng tawad, syempre hindi na ako nagmatigas, niyakap ko silang dalawa ni Mom ng buong puso.. Ilang years din akong nangulila sa pagmamahal nila.

Tuwang tuwa din yung dad ko ng nalaman nya kung gaano ako ka successful ngayon.

Lahat ginawa ko para makabawi sa mga magulang ko, at sa mga kapatid ko, nag spend ako ng time kasama sila. Sinulit ko ang bawat oras..

At yung pangalawa naman, masaya ako dahil nakikita ko na kayang kaya na akong mahalin ni Jema, yung ako talaga, yung hindi na nya ako makikita bilang si Dave.

Wala akong pinagsisisihan sa mga desisyon na nagawa ko, kahit minsan malungkot, kahit papaano naman naging masaya ako dahil nagawa ko talaga yung gusto ko, at naabot ko yung pangarap ko.

"Bro, kailangan pa ba nating hanapan ng girlfriend to? Mukhang yung dati parin yung gusto eh hahaha" maya mayang parinig sakin ni Tots, kausap nya si Blake, natawa naman ako

"Alam nyo kayo talaga ako nanaman yung nakita nyo.." sabi ko sa kanila pagkatapos uminom ako ng beer

"Hahaha oh sino pa ba? Ikaw lang naman single dito.. hahaha!" asar ni Blake sakin

"Pormahan mo na si Jema, tutal mukhang nagparamdam na din naman sayo.. hahah kahalikan mo na kanina eh" asar din ni adie sakin, tiningnan ko sya ng masama

"Pag ikaw narinig nyan.. nakakahiya." sabi ko sa kanya

"Sus.. hahahaha anong ikakahiya mo?" tanong nya sakin

"W-Wala.." sabi ko, "At wag kang mag alala, liligawan ko talaga sya.." dagdag ko pa

"Yown! hahaha!" sigaw ni Tots kaya nagsitinginan sila Jema sa pwesto namin. 

Natawa ako ng bigla syang batukan ni Blake

"Araay!" angal nya

"Ingay mo.." sabi ni Blake

If Tomorrow Never ComesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon