Part 25

2.6K 71 20
                                    

Jema's POV

"Deeeaaann a-aaraaayyy... m-manganganak na ata ako..!" daing ko, napatingin sakin sila mama, parang nataranta naman si Dean.

Nandito kami ngayon sa bahay nila mama.

"Nak, naghihilab na ba?" tanong ni Mama sakin, tumango naman ako habang nakangiwi

"S-Sumasakit na..!" sabi ko, biglang napatayo si Dean mula sa pagkakaupo nya..

"W-Wait.. k-kukunin ko lang yung susi ng car, baby behave muna ok..." natatarantang sabi nya

"Ate, lalabas na ba talaga?" tanong ni Mafe, sasagot na sana ako, kaso biglang humilab nanaman yung tiyan ko at sobrang sakit non..

"Aaaaaahhhhhhh!!!" sigaw mo, dali daling kinuha ni Dean yung susi ng sasakyan, pagkatapos pinag tulungan nila akong buhatin ni Mafe papunta sa sasakyan.

"Bilis kuya! baka manganak dito si Ate!" natatarantang sigaw ni Mafe, sumakay na din ng sasakyan si Mama, meron syang dalang bag..

"B! bilis na!!" sigaw ko, nanghihina ako dahil sa sakit..

Nakita kong nanginginig yung kamay ni Dean habang ipinapasok sa susian ng sasakyan yuhg susi.

"Anak, relax lang.." sabi ni Mama kay Dean, nahalata nya sigurong kinakabahan na si Dean..

"Nak, baba dyan, ako na mag dadrive", nagmamadaling sabi ni Papa, agad namang bumaba si Dean, pagkatapos pumasok sya kung saan kami nakaupo, tumabi sya sakin.

Mabilis na nagpaandar si papa ng sasakyan, hanggang sa makarating kami sa pinakamalapit na hospital, inasikaso naman agad ako ng mga doctor, sumama na din sa loob si Dean para samahan ako sa panganganak ko..

Pinasuot sya ng hairnet, PPE at gloves..

Maya maya nagsimula na akong mag labor..

"Aaaahhhhhhhh!!!" sigaw ko

"Push mommy.. malapit ng lumabas si baby.." sabi ng doctor.. ire naman ako ng ire..

Nakahawak din ako sa kamay ni Dean. 

"Go b.. k-kaya mo yan..!" sabi nya, pagkatapos pinunasan nya yung pawis ko..

Kada iire ako, napapa ire din si Dean, kaya gustuhin ko mang matawa hindi ko magawa..

"Mommy push pa po!" sabi ng doctor, inilabas ko yung lahat ng lakas ko mailabas ko lang yung baby..

"Aaaaaaaaahhhhhhhh!!" sigaw ko...

"Go baby...!" naiiyak na sabi ni Dean..

Hanggang sa mailabas ko na yung anak namin ni Dean...

"Unnngggggaaaaaaaaa!!" iyak ng baby..

Naiyak ako ng makita ko yung baby namin.. agad syang inasikaso ng mga nurse..

Napatingin ako kay Dean, at kitang kita ko sa mukha nya na sobrang saya nya.. napatingin sya sakin at hinalikan nya ako sa noo..

"Thank you B.." bulong nya sakin..

Ibinigay sakin ng Nurse yung baby, nakangiti ako ng kargahin ko sya.

Napatingin ako kay Dean, nakangiti din sya habang nakatingin sa baby..

"Dave Dean Galanza Wong..." sabi ni Dean.

Napangiti ako, parehas pala kasi ng pangalan na iniisip.

"Nice name B." sabi ko sa kanya habang nakangiti

"Mahal na mahal ko kayong dalawa B..." sabi nya sakin, pagkatapos hinalikan nya ako sa noo, kaya napapikit ako..

Maya maya kinuha na uli si Baby dadalhin daw muna kasi siya sa NICU room..

If Tomorrow Never ComesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon