Jema's POV
"Mam Jema, good morning po, may nagpapabigay po sainyo" bungad sakin ng guard namin habang inaabot sakin yung isang bouquet ng sunflowers
"Kanino po galing?" tanong ko
"Secret admirer nyo daw po..." sagot ng guard namin habang nakangiti na tila ba pinipigilan yung kilig. Napakunot noo naman ako
"O-Ok po, next time wag po kayong tatanggap ng gift ng hindi galing kay Dave" sabi ko sa kanya
"S-Sige po Mam" sagot ng guard habang nakangiti
Nang makarating ako sa office ko, agad kong tiningnan yung flowers, may nakita akong note na nakalagay.
"Kanino kaya galing ito?" tanong ko sa sarili ko
Binasa ko yung notes.
"I wonder if, in some parallel universe, I am someone you are able to love.
But in this universe, I have no choice but to love you from afar.
Je t'aime"
Nakakunot yung noo ko habang binabasa ko iyon.
"Bes! Ano yan?" bungad sakin ni Kyla, bestfriend/Secretary ko. Tumingin ako sa kanya
"Nakikita mo naman diba? Flowers..." sagot ko, napanguso naman sya
"Pilosopo... I mean kanino galing?" tanong nya sakin
"Hindi ko alam eh" sagot ko
"Hindi kay Dave?" tanong nya sakin, umiling ako
"Kung si Dave yan, sya mismo ang mag bibigay sakin ng flowers" sagot ko pagkatapos inabot ko sa kanya yung notes, binasa nya naman iyon.
"Secret admirer to bes" sabi nya habang nakangiwi
"Hayaan mo na, titigil nalang yan" sabi ko
"Kapag nalaman ni Dave yan, magseselos iyon, alam mo naman yon" sabi ni Kyla
"Hayaan mo na, sasabihin ko nalang sa kanya" sagot ko, napatango naman sya, "gusto mo sayo na?" tanong ko sa kanya
"Ayoko nga, sayo binigay yan e" sabi nya habang nakanguso, "sige na, trabaho na ako, kung may ipapagawa ka tawagin mo nalang ako." dagdag nya pa
"Ok" maikling sagot ko.
I'm Jessica Margarett Galanza nga pala, isa akong interior designer at may sarili na din akong business, a very successful business. Masaya na ako sa buhay ko ngayon, natulungan ko na yung mga magulang ko, naipatayo ko na din sila ng magandang bahay. Nakabili na din ako ng condo, at sariling sasakyan, ako na din ang nagpapaaral sa kapatid ko na si Mafe.
Sabi nga nila, pwede na daw akong mag asawa, kaso itong si Dave naman ang tagal mag propose. Kapag nag propose talaga sya sakin, mag ye-yes agad ako, haha...
Dave Dean Wong, boyfriend ko, matalino, gwapo, mabait, at syempre masarap magmahal. Isa syang engineer, at ka business partner nya doon yung mga kaibigan nyang sina Tots Carlos, Adie Bertolano, at Blake de Leon. Sa ngayon nasa Palawan sila dahil meron silang client doon.
Namimiss ko na sya...
3 years na kaming dalawa, ipinakilala sya sakin ni ate Jia. Pero bago pa man sya ipakilala ni Ate Jia sakin, kilala ko na sya. Sya kasi yung nagligtas saakin noong muntikan na akong mabangga ng sasakyan, college palang ako noon, at sa Adamson ako nag aaral. Tandang tanda ko yung mukha nya, dahil simula noon hindi na nawala sa isipan ko yung mukha nya. Sabi ko nga, si tadhana na yung gumawa ng paraan para magkita uli kami, kaya naman noong niligawan nya ako, sinagot ko agad sya..
Hindi din naging madali yung 3 years relationship namin, syempre marami kaming pagsubok na pinagdaanan, may mga time na gusto na naming sumuko, pero mas nananaig parin yung pagmamahal, ganon naman talaga kapag nasa isang relasyon diba? hindi madali, pero kung mahal mo talaga yung isang tao, mag i stay ka. Mas tumatag din ngayon yung relasyon naming dalawa, at mas nakilala ko pa sya ng lubusan, at masasabi ko na sya na talaga hanggang huli.
"hi Babe! surprise!" nagulat ako ng biglang pumasok si Dave sa office ko, pero agad akong napangiti, patakbo akong lumapit sa kanya para yakapin sya at halikan.
"Babe, namiss mo ako no?" tanong nya sakin pagkatapos kong bitawan yung labi nya, napa pout naman ako pagkatapos tumango.
"Hindi ka nag sabi na ngayon ka babalik... edi sana nasundo kita sa airport! namiss kita!" sabi ko sa kanya, mas lalong lumawak yung ngiti nya na ikinasingkit ng mata nya. Niyakap nya ako sa bewang ko at tumingin sa mga mata ko.
"Babe, saan ka uuwi mamaya?" tanong nya sakin
"hmmm sa condo, sama ka?" tanong ko sa kanya, nakangiti syang tumango.
"Sure..." sagot nya, pagkatapos inilapit nya yung bibig nya sa tenga ko, "nakuha namin yung client namin sa Palawan, ibig sabihin may reward akong makukuha sayo..." bulong nya, pagkatapos tumingin uli sya sakin habang nakangiti, at tinaas-baba nya yung kilay nya, "you know what I mean..." dagdag nya pa, natawa ako at nahampas ko sya ng mahina sa balikat nya.
"Kalokohan mo talaga! haha!" sabi ko sa kanya
"Hahahaha bakit? I'm serious babe! hahaha" sabi nya habang natatawa
"Sige na, alam kong pagod ka pa, magpahinga ka ng maayos at susunduin mo pa ako dito mamaya!" sabi ko sa kanya habang hinihila sya palabas ng office ko..
"Ok po... see you later babe!" sabi nya sakin at hinalikan nya ako sa labi, "I miss you!" dagdag nya pa
"I love you!" sabi ko sa kanya
"I love you more!" sagot nya naman
"Ayy ang lalandi nitong mga to... respeto sa single!" bungad samin ni Kyla, dumaan kasi sya sa harap namin.
"Hi Kyla. hanggang ngayon bitter ka parin? hanapan na kaya kita ng boyfriend?" asar sa kanya ni Dave kaya natawa ako
"Ha.ha.ha! no thanks, alam ko kasing darating din yung taong para sakin... handa akong maghintay kahit matagal!" sabi ni Kyla
"Hanep! hahahah tatanda kang dalaga..." asar uli sakanya ni Dave.
"Ewan ko sayo Dave! kapag yan nagkatotoo!" irap sa kanya ni Kyla, natawa naman si Dave
"Ay Ky, papadala ko nalang kay Jema bukas yung pasalubong ko sayo..." sabi ni Dave kay Kyla
"Ayy ang sweet naman, kung kanina mo pa sinabi yan edi sana natuwa pa ako sayo!" sabi ni Kyla kay Dave habang nakangiti
"Oo, at puro candy yung pasalubong ko sayo, nang mawala naman yang pagka bitter mo! ahahaha" asar uli sa kanya ni Dave, bigla namang nawala yung ngiti ni Kyla, natatawa nalang ako sakanilang dalawa
"Jema, paalisin mo na nga yang boyfriend mo dito! nabubwisit ako!" kunot noong sabi Kyla
Ilang minuto pang nag asaran si Dave at si Kyla, maya maya umalis na si Dave.
"Grabe bes!anag swerte mo talaga kay Wong ano?! ang sweet! kaso kapag nang aasar nakaka gigil eh!" sabi ni Kyla sakin, nakasunod lang sya sakin
"Sobra!" masayang sabi ko
"Kailan nyo ba balak magpakasal?" tanong nya
"Ready naman na ako eh, sya nalang yung hinihintay ko" sagot ko
"Hayaan mo bes, malay mo mag propose na sayo yun..." sabi ni Kyla, tipid naman akong ngumiti.
"Hay! sana nga bes!" sabi ko at napabuntong hininga ako
Maghapon akong naging busy sa work at hindi ko namalayan yung oras.
_____
New Story.. bukas na ako mag a update sa In my dreams at Let the love begin.. 😂
Pinublish ko to kasi dami ng ipon 😂 ennnjjoooyyy!!!