Part 16

1.1K 42 3
                                    

Jema's POV

"Kuya Dean, alam mo talaga natakot talaga ako sayo nung nakasalubong kita eh, akala ko talaga si Kuya Dave.."  rinig kong sabi ni Mafe kay Dean

Napansin kong mabilis na nagkapalagayan ng loob yung dalawa.

Pero bakit kay Dave dati hindi nya magawa?

"Sorry, haha hindi ko din kasi alam na kapatid ka pala ni Jema.. nagtaka nga ako non kung bakit ka tumakbo eh hahah" rinig kong sabi ni Dean

Lumapit sakin si Mama.

"Nak, hindi talaga ako makapaniwalang may kambal yung boyfriend mo.." sabi sakin ni Mama

"Kahit ako din naman Ma, hindi ko din alam, nalaman ko lang nung nagpunta ako kila Blake.. Napagkamalan ko pa nga na sya si Dean." kwento ko kay Mama

"Eh anak, m-magkaibigan lang naman kayo diba?" tanong sakin ni Mama

Kunot noo ko syang tiningnan

"O-Oo naman po Ma" sagot ko

"Hindi ka ba naiilang kapag kasama mo sya?" tanong nya sakin

"Noong una po" sagot ko, "Pero nasanay na po ako kasi palagi kaming magkasama, saka ako yung may hawak ng project namin sa kanya" sagot ko uli

Maya maya nagulat ako ng biglang lumapit samin si Dean.

"Uhm, excuse me po.." sabi nya, parehas kaming napatingin ni Mama sa kanya

"Iho, may kailangan ka?" tanong ni Mama kay Dean, tumingin sya sa relo nya

"Uhm, magpapaalam na po sana ako, m-maaga pa po kasi ako bukas. Maraming salamat po sa dinner.." sabi ni Dean

"Saan ka pupunta bukas?" tanong ko, napatingin sakin si Mama

Hindi naman masamang magtanong diba?

"Ah, magbubukas kasi kami ng studio dito, uhm mag ayos din kami ng mga gamit.." sagot nya

"Studio?" tanong ko, tumango naman sya

"Kasama ko sila Blake, Adie at si Tots.." sagot nya

"A-Ah ok, sige, hahatid na kita sa labas.." sabi ko

"Oo nga nak, hatid mo na sya" sabi naman ni Mama, pagkatapos tumingin sya kay Dean, "Iho, ingat ka ha.." sabi ni Mama

"Salamat po" sabi naman ni Dean habang nakangiti..

Natigilan ako dahil sa ngiting iyon..

Bakit ba parang may kakaiba kapag ngumingiti itong lalaking to?

Naglakad na palabas si Dean, nakita ko naman na humabol si Mafe

"Kuya, balik ka dito ha.." sabi ni Mafe habang nakangiti, napa thumbs up naman si Dean.. 

Nang nasa labas na kami tumingin ako sa kanya

"Close na agad kayo ng kapatid ko.." sabi ko, ngumiti nanaman sya

"Oo nga eh, mabait naman sya eh..." sabi nya, "Siguro sobrang close din sila ng kapatid ko nu?" tanong nya sakin

Nakaramdam ako ng lungkot..

Umiling ako, bigla namang nawala yung ngito sa labi ni Dean

"Hindi sila magka close, actually ayaw ni Mafe kay Dave.." sagot ko

"B-Bakit?" tanong ni Dean

"Hindi ko alam.." sagot ko

Biglang napakamot sa ulo si Dean.

If Tomorrow Never ComesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon