Malacañang Palace
8:30 pmI was standing in front of his big portrait, nakatingala ako habang pinagmamasdan ko ang mukha niya. After all, he was an image of a true leader of this country with full dignity and courage. Hindi na nakakapagtaka kung bakit hanggang ngayon, sa kabila ng pambabatikos at pambabastos sa kanya at sa kanyang angkan, ay may mga Pilipino pa ring nagtitiwala at nagmamahal sa kanya. Kahit paulit-ulit na hamakin ay may mga nagtatanggol pa rin sa kanya at sa mga legasiya na kanyang iniwan dito sa ating bansa.
I can't imagine, na ang taong ito ay makakaharap ko sa panaginip ko noong panahong naghihingalo ako sa ospital. That time, handa na akong umalis dahil sa palagay ko ay wala na akong pag-asang mabubuhay pa, grabe ang sinapit ko. Pero dahil sa kanya, nabuhay ako. At iyon ay dahil sa mga binitiwan niyang salita sa akin noong mga oras na iyon.
"Hindi pa ito ang oras para lisanin mo ang mundo iha. May mga misyon kang dapat na gawin..."- he said these words before he went gone like a bubble sa panaginip ko.
Then suddenly biglang kumirot ang sintido ko kaya napayuko ako at napahawak sa ulo ko. Pero saglit lang ay nawala agad ang pagkirot.
Hindi naman sadyang mapa-angat ako ng ulo at tumama ang paningin ko sa isang terrace sa bandang kanan na bahagi ng opisina. And just like a while ago, there is something pushing me para magtungo doon, so dahan-dahan akong naglakad papunta sa lugar na iyon. Biglang sumalubong sa akin ang malamig na simoy na hangin pagtungo ko roon.
A few seconds, biglang may nag-sink in sa akin na isang eksena na napanood ko sa mga videos sa social media. Nagpalinga-linga ako sa paligid sa labas ng balkonahe tapos hanggang sa ibaba. And I realized na dito yung lugar kung saan naganap ang mga huling sandali ng pamilyang Marcos bago nila tuluyang lisanin nag palasyo ng Malacañang.
Napahawak ako sa railing ng terrace at sa isip ko, para akong nagha-hallucinate. Ang weird dahil naririnig ko ang boses ng mga tao na sumisigaw... sinisigaw ang pangalan ng pamilyang Marcos. Naririnig ko ang mga pag-iyak nila at yung mga paninindigan nila bilang suporta sa mga Marcos.
Then suddenly, naalala ko ang emosyonal na sandali ni Former President Ferdinand Sr. kasama ng buong pamilya niya, damn! why am I so very emotional today? Ba't nasasaktan ako? Sobrang sakit! Sobrang bigat sa pakiramdam.
Hindi ko na namalayan na habang inaalala ang mga sandaling iyon na napanood ko sa mga videos ay sunud-sunod na tumulo ang luha ko sa dalawang kong mata habang mahigpit ang hawak ko sa railing. Halu-halong emosyon ang naramdaman ko.
Galit...
Lungkot...
Panghihinayang...
I stopped remembering those scenes when someone called me. I faced that person while my tears were still dripping. He was shocked when he saw me in that state kaya agad siyang lumapit sa akin. He held both of my shoulders and asked.
"Bakit ka nandito? Anong nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak ha?"- nakita ko ang pag-aalala niya sa kanyang mukha habang pinupunasan niya gamit ang dalawa niyang hinlalaking daliri ang mga luha na pumapatak mula sa mga mata ko.
Hindi ako agad nakasagot sa mga tanong niya dahil hindi ko mapigil ang sarili ko sa paghikbi.
"O-okay, calmed down Julianne... Tell me what's wrong? ha?"- pinikit ko ang mga mata ko at naisip kong mag-inhale exhale para gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko dahil hindi ako makapagsalita and when I felt calm, dinilat ko na ang mga mata ko at tinignan siya.
"Ito po yung lugar kung saan yung huling oras niyo dito sa Malacañang diba po? Kung saan po nagtipun-tipon yung mga tao na sumusuporta sa inyo?"- bahagya pa siyang napakunot noo bago niya sagutin ang tanong ko.
He removed his hands on both my shoulders and he turned out onto the balcony and held the railing of the terrace. Glanced down at the lower part of the palace.
"Oo, dito nga, dito nga naganap ang huling sulyap ng mga taong sumusuporta sa amin. Hinding-hindi ko makakalimutan iyon. Yung kanilang pagtawag sa pangalan na Marcos, yung kanilang walang tigil na pag-iyak habang hawak-hawak ang maliliit na bandila ng Pilipinas, yung pagpapakita ng mga bagay na may mukha ng aking ama... Lahat iyon hindi ko makakalimutan"- he said at lumapit ako tabi niya. I saw a little bit of tears na namumuo sa kanang mata niya and I think he is about to cry.
I can't imagine being in this place where all the bad memories and events done by their enemies, napakasakit talaga, napakabigat sa puso. Pero saludo ako sa mga anak ni Marcos Sr. dahil nagpakatatag sila. Hindi nila inalintana lahat ng mga pambabastos na ginagawa sa kanila, even the ordinary people na mema lang ang dala pero wala namang alam talaga sa totoong nangyari.
Suddenly I remembered what Marcos Sr. said to me... Yung sinasabing may misyon akong gagawin. Pero hindi ko alam kung ano yun, I mean, anong gagawin ko???
Sa mga sandaling iyon, aaminin kong gulung-gulo ang isip ko sa kung paano ako makakatulong. Even I don't have assurance kung may magagawa ba talaga ako. So, I faced him approached and said...
"Alam ko po na malayong malayo ako kina Sandro, Vincent at Simon, malayo sa mga karanasan nila. Alam ko po na marami pa po akong dapat alamin at pag-aralan dahil kung tutuusin, mas matatalino at magagaling po sila kumpara sa akin. Pero... hayaan niyo pong tulungan ko kayo, sa mga plano niyo po, sa mga nais niyong mangyari sa bansa natin. Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para makatulong po sa inyo... Kahit di ko pa alam kung anong posible kong magagawa"- I said to him habang pinupunasan ko gamit ang palad ko ang mga natitirang luha sa magkabilaan kong pisngi.
Then he faced me and held my right shoulder and said...
"Dahan-dahanin mo lang ang mga bagay-bagay at habang ginagawa mo iyon, natututo ka. Hindi mo kailangang magmadali Julianne, just work hard according on what your heart says. Darating ka rin sa punto ng buhay mo na naabot mo na ang mga gusto mo. But for now, all you have to do is stay... Stay with me... Stay with our family"- and he smiled at me, gave me a hug and caressed my hair.
And again, my tears flowed...
YOU ARE READING
The Descendant: Marcos Fanfiction
FanfictionMula nang iwanan sila ng kanilang padre de pamilya, nagsumikap si Julianne para iangat ang buhay ng kanilang pamilya. Kasama ang kanyang ina, parehas nilang itinataguyod ang kanilang buhay sa araw-araw. Mabait, masayahin at mapagkumbaba. Ganito kung...