Bongbong
"Sir, ito po yung resumé ng apat na batang nag-aaply po for job application"- inabot sa akin ng isa sa mga staff ang apat na brown envelope kung saan naglalaman ng mga papeles ng mga nag-aapply kanina.
Pinasalamatan ko ang staff at tsaka lumabas na ng tanggapan ko.
Pagkalapag sa mesa ay agad kong binuksan isa-isa ang mga envelope para hanapin ang resumé ng dalaga kanina.
Yung nagsasabing siya ang may-ari ng locket.
Until I found her documents. I read her information.
"Maria Julianne Salcedo"
That was her full name.
Binasa ko lahat ng pwede kong malaman tungkol sa kanya.
Her age, the schools and university that she attended, even her past jobs.
Mas lalo akong na-intriga when I read her birthday. Kapareho ng kapanganakan ng anak kong si Sabrina, even the year itself which is 1996.
I don't want to conclude that young lady named Julianne is Sabrina.
But I have my influences at connections para magawan ko ng background check ang dalagang iyon.
Isang plano ang biglang sumagi sa isip ko and I think that is much better.
I want to know her well so that I can trace the whereabouts of my daughter Sabrina and why she had the locket.
I will even do a DNA test para malaman ko kung anak ko ang dalagang iyon.
At malaman kung anong ginawa ni Ricardo Salcedo sa anak ko.
Tinawagan ko ang staff ko kanina na nag-abot sa akin ng mga documents ng apat na bata. And when he entered the office I told to him nai-hire silang apat as part of my team.
Sa ganong paraan, mapapadali iyon para mapalapit ako kay Julianne at malaman ko ang tungkol sa kanya.
If she's my daughter, or not.
"Okay po Sir. Papaasikaso ko po agad ang application nilang apat"- I thanked him and he turned then leave my office.
Napasandal ako sa swivel chair ko habang iniisip si Liza.
Yes. I decided not to tell her muna hangga't hindi ko pa nagagawa ang plano ko at hangga't wala pa akong concrete evidence.
Because even Julianne possessed my daughter's locket, hindi pa sapat iyon para mapatunayan if that young lady is our lost daughter.
But I'm hoping that she is...
----------
Julianne
"What?! Totoo?! Nakasalubong mo si BBM?! Shocks!!"- mabilis kong tinakpan ng palad ko ang bibig ni Jelat dahil napalakas ang pagkakasabi niya.
Ang exaggerated naman kasi eh. Syempre baka marinig ng mga ibang tao dito na kasabay din naming kumakain.
Kinuwento ko sa kanilang tatlo ang di ko makakalimutang encounter experience sa loob ng HQ ni BBM pati yung sa nahulog ko na locket.
Nandito na kaming apat sa BGC at kumakain. Pagkatapos ay mamamasyal kami sa Venice Grand Canal Mall.
"Hindi ko expect na makikita ko siya sa personal. Actually kung hindi niya napulot itong locket ko, hindi ko siya makakaharap"- sabi ko sa mga kasama ko habang patuloy ako sa pagsubo ng pagkain ko.
"Ang swerte mo Julianne, nakita mo siya. Pangarap ko rin siyang makita sa personal"- mahinhin na sabi ni Nina tsaka uminom ng milktea.
"Ako din ses"- tugon pa ni Marky habang umiinom din ng milktea.
YOU ARE READING
The Descendant: Marcos Fanfiction
FanfictionMula nang iwanan sila ng kanilang padre de pamilya, nagsumikap si Julianne para iangat ang buhay ng kanilang pamilya. Kasama ang kanyang ina, parehas nilang itinataguyod ang kanilang buhay sa araw-araw. Mabait, masayahin at mapagkumbaba. Ganito kung...