Julianne
Mahimbing na ang tulog ng katabi ko na si Sandro dahil nakasandal na siya sa kinauupuan namin. Nasa biyahe pa kami. Yung PSG na kasama namin mukhang nakatulog na rin.
Ako naman ay hindi magawang makaidlip dahil patuloy pa rin ang pag-uusap namin si Sir BBM.
Sobrang bait kasi niya. Promise! Hindi ka maboboring habang kausap siya.
Sa maiksing panahon, aminado akong naging komportable ako sa kanya na para bang tatay ko ang kausap ko.
Namiss ko tatay ko...
Hindi ko na tinuloy ang panonood ng kdrama dahil abala ako sa pakikipagkuwentuhan sa kanya.
"Alam niyo po, kayo yung binoto ko nung 2016 sa pagka-vice president. Kaso... Di kayo pinalad. Dinaya po kasi kayo"- marahan siyang napayuko at mapait na ngumiti.
"Imagine, kung kayo ang naging vice ni President Rodrigo Duterte, siguro yung mga nagawa niya sa bansa natin na napapakinabangan naming mga ordinaryong mamamayan ngayon, mas madadagdagan. Kasi po alam namin na may magandang plano po kayo para sa Pilipinas"- bahagya akong nakatingin sa bintana ng chopper habang nagsasalita.
Yung mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya, handa ko nang sabihin.
Naisip ko kasi, kung ipagpapaliban ko pa, baka hindi ko na masabi sa kanya.
Yung mga saloobin ko tungkol sa pamilya nila at sa mga nangyari noong panahon ng ama niya.
"Sa totoo lang po, noong bata po ako, isa rin po ako sa mga humusga sa inyo. Kasi yung mga turo sa amin ng mga guro namin noon tapos yung kwento ng mga ibang tao na masama daw po ang pamilya niyo, masamang tao ang ama niyo. Tapos nagnakaw daw po kayo... Isa pa yung Martial Law... Yun po ang mga tumatak sa isip ko kaya hinusgahan ko kayo. Pero noong tumatakbo kayo as vice, ewan ko po bakit kayo yung binoto ko... Bakit yung pangalan niyo ang shinade ko sa balota... Bakit kayo po ang gusto kong manalo kasama ni President Duterte..."- at tumingin ako sa kanya.
And this time seryoso na siyang nakatitig sa akin.
Bigla kong naramdaman na parang maiiyak siya...
Bahagya akong ngumiti bago muling nagsalita.
"At yung mga sagot ko sa bakit ko, nasagot ko na po... Kasi mabait kayong tao... Kahit saang anggulo tignan, kahit po na ilang beses kayong batuhin ng mga masasakit na salita. Kahit ilang beses kayong kasuhan... Kahit tapak-tapakan na kayo ng ibang tao... Nagagawa niyo pa rin na maging mabait sa mga kalaban niyo. At! Hindi po kayo naninira ng iba para iangat ang sarili niyo. Kaya idol ko po kayo eh! Ramdam ng mga taong sumusuporta sa inyo yung bigat ng pakiramdam na dinadal niyo kapag sinisiraan kayo. Pero nagagawa niyo pa ring ngumiti"- sa puntong iyon, parang maiiyak na ako.
"Kaya ako, di po ako nagsisisi na kayo ang suportahan ko. Kasi deserve niyong maging President. Alam kong sa kabila po ng mga paninira sa inyo, mapapatunayan niyong karapat-dapat po kayo sa posisyon ng tinatakbuhan niyo"- bahagya akong napayuko.
Ramdam ko ang eagerness ng kalooban ko na sabihin itong mensahe ko sa kanya since magkaharap naman na kami.
I can't imagine na yung hiya at kaba na nararamdaman ko ay mawawala habang sinasabi ko ang mga gusto kong sabihin sa kanya.
This time, all I want for him is to listen to the one of his supporters.
As I looked at him, nakita kong may namumuong luha mula sa mga mata niya kaya medyo nag-worry ako.
Napakaseryoso na rin kasi ng expression ng mukha niya.
"Ah Sir? Okay lang po ba kayo?"- and he smiled.
YOU ARE READING
The Descendant: Marcos Fanfiction
FanfictionMula nang iwanan sila ng kanilang padre de pamilya, nagsumikap si Julianne para iangat ang buhay ng kanilang pamilya. Kasama ang kanyang ina, parehas nilang itinataguyod ang kanilang buhay sa araw-araw. Mabait, masayahin at mapagkumbaba. Ganito kung...