Julianne
Araw ng Lunes.
Nag-file ako ng leave three days before at bago ako tuluyang umalis sa trabaho ko ay naghanap na agad ako ng trabaho na papasukan ko. Bukod naman dito sa pag-apply namin ni Jelay sa Mandaluyong ay may iba na kong pinag-applyan sa ibang kumpanya dito sa Pampanga.
Abala ako sa pag-aayos ko ng sarili dahil ito ang araw na luluwas ako kasama ang mga kaibigan ko para tumuloy sa Mandaluyong. Linggo ng gabi ay inayos ko na ang mga gamit ko at mga importanteng papeles na dadalhin ko para hindi na ako gaanong magahol sa oras.
Simple white plain polo shirt, black slacks at black chunky sandals na may taas na 2 inch. Ito ang outfit ko sa araw na ito. Bahagyang naka-high ponytail ang mahaba kong buhok at nakasuot ako ng hikaw na minimalist type at konting make-up na rin pero natural type lang.
When every things are settled at mukhang wala na akong nakalimutan, lumabas na ako ng kwarto.
Tinignan ko ang relo ko at mag-aalas-syete y media na ng umaga. Pagkababa ko ay dumeretso ako sa sala at ibinaba sa upuan ang mga gamit ko. Pagbaba ko sa itim kong shoulder bag ay nahagip ng paningin ko ang clear pouch na naglalaman ng kwintas ko. Kinuha ko iyon mula sa bag.
Locket necklace na may kulay red na bato sa gitna. Ito yung regalo daw sa akin ni Papa noong baby ako. Bahagya akong napangiti nang maalala ko siya at ang mga bilin niya sa akin, lalo na ang tungkol sa kwintas na ito.
Ang sabi niya ay kahit anong mangyari ay wag kong iwawala ito. Dahil ito ang unang regalo niya sa akin noong isilang ako.
Binuksan ko ang locket necklace at bumungad sa akin ang picture naming dalawa ni Papa na naka-attached sa right frame ng locket. Ako na baby pa at siya na batang bata pa ng itsura. Kung hindi ako nagkakamali nasa 30's na rito si Papa sa picture.
Tapos yung sa left frame naman ng locket ay hindi malagyan ng iba pang picture dahil may nakalagay doon na design. Maliit na artificial red rose tapos may apat na letters na gawa sa silver powder sa bandang ibaba nito.
M.S.A.M
Nilagyan iyon ng resin para hindi matanggal.
Sinara ko na ang locket at muli kong ibinalik sa loob ng pouch at ibinlik sa bag ko. Ibinaba ko muli ang bag ko sa upuan tsaka naglakad patungo sa kusina para makapag-almusal ako bago ako umalis.
May nadatnan akong hotdog at tocino sa mesa.
"Julianne heto oh, pandesal at lugaw, binili ko ito kina Aling Precy. Kainin mo na habang mainit pa"- pagkalapag ni Mama sa mesa ng lugaw na nakalagay sa plastic ay agad akong kumuha ng malaking mangkok para isalin yun.
"Akala ko po hindi na magtitinda si Aling Precy? Diba pinagbawalan siya ni Mang Henry dahil may iniinda siyang sakit?"- pagkasalin ko sa mangkok ng lugaw ay kumuha ako ng dalawa pang mangkok para sa amin ni Mama at dalawang pares ng kubyertos. Umupo si Mama at kinuha ang mangkok at kubyertos niya.
"Sa umaga lang naman siya magtitinda, pang-almusal lang. Tsaka hindi naman ganon kalala ang iniindang sakit ni Precy, hindi pa naman siya baldado para hindi kumilos. At tsaka pandagdag na rin sa pang araw-araw nilang gastusin"- tugon ni Mama habang nagsasalin ng lugaw mula sa malaking mangkok.
Ako naman ay nagtimpla ng kape ko at inilapag ko sa mesa tsaka umupo katapat ni Mama. Nagsalin ng lugaw sa mangkok ko at nagsimula na akong kumain.
"Nga pala Ma, nasaan si Karen? Wala siya sa kwarto namin kanina paggising ko"- tanong ko.
6:30 am na ako nagising kanina at napansin kong wala sa kama niya si Karen.
"Maagang umalis kanina, ngayon daw yung defense nila sa thesis kaya maaga akong nagising at pinaghanda ko ng almusal yung kapatid mo"- tugon ni Mama at napa-amang ako ng bibig.
YOU ARE READING
The Descendant: Marcos Fanfiction
FanfictionMula nang iwanan sila ng kanilang padre de pamilya, nagsumikap si Julianne para iangat ang buhay ng kanilang pamilya. Kasama ang kanyang ina, parehas nilang itinataguyod ang kanilang buhay sa araw-araw. Mabait, masayahin at mapagkumbaba. Ganito kung...