Julianne
Pagkatapos ng madamdaming tagpo namin ni Ma'am Liza... I mean... Mommy Liza, tinulungan niya akong tumayo mula sa sahig. Medyo naramdaman ko ang kirot dala ng natamo kong gasgas sa dalawa komg tuhod.
Bago kami lumabas ng kwarto, sinuklayan niya ang buhok ko dahil magulo noong bumangon ako mula sa kama.
Matapos iyon ay naglakad kaming dalawa palabas ng kwarto.
Kinakabahan ako... Kasi nakakahiya yung ginawa kong pagtakbo sa kalsada tapos nadamay pa ang mga bantay na PSG sa ulan...
Nang malapit na kami sa pintuan, bigka akong napatigil sa paglakad.
Napaatras ako... Nahihiya talaga ako...
Napalingon sa akin si Mommy Liza...
Nahalata niya ang pagkamahiyain ko...
"It's okay, akong bahala sa'yo"- and she laid her hands at inabot ko naman iyon.
When we went outside, nagpatuloy kami sa paglalakad pababa ng hagdan.
Napansin ko sa ibaba ng sala, nakaupo sina Sir Bongbong... Daddy Bongbong.
At ang Marcos boys.
Tila naghihintay sila sa amin...
Habang pababa ako, di ko maiwasan ang mapaisip.
Talaga bang anak ako ng isang Marcos?
Lolo ko talaga yung dating presidente na sinasabi nilang diktador?
At lola ko yung magandang first lady na maraming sapatos at alahas?
Para sa akin, hindi kapani-paniwala...
Ngayong nandito ako, anong gagawin ko?
Paano ako makakapag-adjust?
"Anak..."- napa-angat ako ng ulo nang marinig ko si Mommy at napatingin ako sa kanya.
Nang lumingon siya sa gawi ng kanyang pamilya at napatingin din ako sa kanila.
Nakatuon ang mga paningin nila sa akin.
Hawak kamay ako ni Mommy Liza habang papalapit kami sa gawi nila.
Pero hindi pa man kami tuluyang nakakalapit, napatayo si Daddy mula sa sofa na kinauupuan niya at lumapit sa gawi namin.
At ang sumunod na nangyari...
Isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin.
"Anak... Sabrina... You're back..."- narinig kong gumaralgal ang boses ni Daddy senyales na maiiyak na siya.
Ako naman, natameme at unti-unting nag-init ang gilid ng mga mata ko.
Walang salitang lumabas mula sa bibig ko kundi luha mula sa mga mata ko...
Ramdam ko ang pangungulila niya at marahan niyang hinaplos ang ulo ko.
"We missed you so much Anak... Alam mo ba yun? Akala namin... Akala namin hindi ka na namin makikita pa..."- at napahagulgol siya.
Kumalas siya sa yakap at tumingin sa akin.
Bahagya akong tumingala sa kanya.
Bakas sa mga mata niya ang kalungkutan.
At hinawakan niya ang magkabilaan kong pisngi.
"Araw-araw kaming nananalangin ng Mommy mo na sana makita ka na namin... Araw-araw iniisip ka namin at umaasa na isang araw ay uuwi ka na... I'm sorry... I'm sorry kung hindi kita nailigtas sa mga kumuha sa'yo..."- dahan-dahan kong niyuko ang ulo ko.
YOU ARE READING
The Descendant: Marcos Fanfiction
FanfictionMula nang iwanan sila ng kanilang padre de pamilya, nagsumikap si Julianne para iangat ang buhay ng kanilang pamilya. Kasama ang kanyang ina, parehas nilang itinataguyod ang kanilang buhay sa araw-araw. Mabait, masayahin at mapagkumbaba. Ganito kung...