2022
San Fernando, Pampanga"Ate!!! Ate!!! Gumising ka na!!!"- bahagya akong napamulat ng mata nang marinig ko ang malakas na sigaw at katok ni Karen mula sa pintuan sa labas ng kwarto ko. Kinusot ko ang mata ko tapos kinapa-kapa yung cellphone ko sa tabi ko sa ibabaw ng tokador sa tabi ng kama ko. At nang tignan ko ang oras agad akong napabalikwas ng bangon mula sa higaan ko. Pasado alas sais na kasi ng umaga at maaga akong papasok sa trabaho.
Mabilis kong kinuha yung nakasabit kong tuwalya sa likod ng pinto tapos pinihit ang door knob para lumabas. Nakita ko pa ngang nabigla si Karen sa bigla kong pagbukas ng pinto ko.
"Kanina ka pa pinapagising na mama"- dinig kong sabi niya pero di ko na siya tinignan dahil nagmamadali ako papuntang banyo.
Naabutan ko si Mama na nag-aahain ng almusal sa mesa sa kusina.
"Late ka na nak, kanina ka pa kinakatok ni Karen sa kwarto mo"- dinig kong sabi niya habang papasok ako ng banyo.
"Sorry po, heto na maliligo na"- tugon ko habang sinasabit ko ang tuwalya sa likod ng pinto ng banyo at tsaka ko iyon sinara.
Siguro nasa 10 to 15 minutes lang ang tinagal ko sa banyo para makapaligo, eh saktong 6:40 am lalabas na ako ng bahay para bumiyahe papasok sa trabaho, magbibihis pa ako at mag-aayos tapos for sure baka di na ako makakain nito.
Pagkatapos ng morning ritwal ko, kinuha ko na ang gamit ko tsaka lumabas na ng kwarto at nagtungo sa kusina, may 10 minutes pa ako so makakain pa naman ako kahit konti. Di ako pwedeng umalis ng bahay nang hindi nag-aalmusal kahit konti lang.
Dali akong nagtungo sa lababo para magsalin ng tubig sa baso mula sa pitsel at umupo sa harap ng hapag kainan. Kumuha ako ng tocino at sinangag tsaka nilagay sa pinggan ko tapos nilantakan ko na iyon. Kaharap ko sa mesa si Karen na nag-aalmusal habang nakatutok ang mga mata sa cellphone niya. Sinita ko siya.
"Psst, nasa harapan ka ng pagkain oh, wag kang magcellphone"- pero imbes na tumugon ang loka, nagbingi-bingihan lang. So sinita ko siya ulit and then nilingon din ako.
"Sandali lang kasi,may nirereplyan ako eh"- she said tapos bahagya niyang padabog na binaba sa tabi ng pinggan niya yung cellphone niya. Hay kahit kailan talaga pasaway itong babaitang ito.
"Nasa harapan po kasi ikaw ng hapag kainan kaya binabawalan kita gamitin iyang cellphone mo. Hindi ba makakapaghintay yung ka-chat mo?"- yumuko ako at sumubo ng tocino na nasa pinggan ko at tsaka muling bumaling ng tingin kay Karen.
Pero sadyang matigas talaga ang ulo nitong kapatid ko. Patuloy pa rin siya sa paggamit ng cellphone niya. Imbes na magpabawal ay nagpatuloy pa rin siya sa pagse-cellphone. Hindi ko alam kung sinusubukan niya ang pasensya ko. Kaya naman pinagana ko na ang authorit ko bilang nakakatandang kapatid niya.
"Maria Karenina Salcedo!"- kunot noo siyang napatingin sa gawi ko at nabigla siya dahil medyo napataas ko ang boses ko nung tawagin ko siya sa buo niyang pangalan. Alam niya kasi na kapag nagbanggit ako ng buong pangalan ay may tendency na maiinis na ako. Depende sa sitwasyon.
HIndi ko kasi gusto yung habbit niyang paggamit ng cellphone habang kumakain at dahil ilang beses na niyang ginagawa iyon ay ilang beses ko ring tinatawag ang buo niyang pangalan para itigil ang ginagawa niya. Hindi po kasi magandang ugali iyon.
"Anong nangyayari dito mga anak? nag-aaway ba kayo? narinig kita Julianne"- napalingon ako kay Mama nang paupo siya sa upuan at ibinaba ang tasang hawak niya na may laman na kape. Bumaling naman ako ng tingin sa pinggan ko at muling sumubo.
Tulad ko, natahimik din si Karen at sumubo ng pagkain niya sa pinggan. Hindi rin siya sumagot sa tanong ni Mama kanina.
"Anong pinag-aawayan niyo na naman ba ha? Nung isang araw pa kayo ah? Hindi pa rin ba kayo magkasundong dalawa ha? Hanggang kailan kayo ganyan?"- nagpatuloy lang ako sa pagkainng almusal ko at ganun din si Karen dahil walang may gustong magsalita sa aming dalawa.
YOU ARE READING
The Descendant: Marcos Fanfiction
FanfictionMula nang iwanan sila ng kanilang padre de pamilya, nagsumikap si Julianne para iangat ang buhay ng kanilang pamilya. Kasama ang kanyang ina, parehas nilang itinataguyod ang kanilang buhay sa araw-araw. Mabait, masayahin at mapagkumbaba. Ganito kung...