Chapter 30: The Backstory

551 13 6
                                    

Third Person

As they were sitting in front of each other, Mariella started to tell the story behind Julianne or Maria Sabrina's disappearance from her family.

Pati ang magkakapatid ay handa nang makinig sa sasabihin ni Mariella dahil siya ang makakapagkuwento sa totoong nangyari kay Julianne.

The story was based on what her husband Ricardo done in the past....

And this is the backstory...

Mariella

"Dati akong kasambahay sa bahay nila Ma'am Liza at Sir Bongbong. Doon ko nakilala si Ricardo ang family driver nila at naging nobyo ko siya... Dahil din sa kanya nakilala ko ang kapatid niyang si Glenda na namasukan ding kasambahay... Naging magkaibigan kami ni Glenda at masasabi kong mabait siya"- lahat ay matamang nakikinig sa kanya.

"Pero hindi ko akalain na isang araw biglang nagbago si Glenda... Akala ko totoo ang pinapakita niya sa araw-araw na magkasama kami... Noong nagpasya akong mag-resign sa trabaho dahil plano na naming magpakasal ni Ricardo, doon na nagsimula ang lahat... Julianne... Si Glenda ang kumuha sa'yo mula sa mga magulang mo... Ang kuwento sa akin ng Papa Ricardo mo, balak kang... balak kang patayin ni Glenda kaya pinilit kang inagaw ng Papa mo mula sa kanya... Yun din ang dahilan kung bakit hindi na siya bumalik sa inyo Sir..."- at lumingon si Mariella kay Bongbong.

"Pinagbantaan ni Glenda si Ricardo na kapag hindi binalik ng asawa ko ang bata sa kanya ay isasama niya ito sa kulungan... Ayaw ni Ricardo na parehong mapahamak ang bata at si Glenda... Kaya imbes na magsumbong sa pulis ay tinakwil niya si Glenda. Binigyan niya ito ng pera para lumayo at inuwi niya ang bata sa apartment kung saan kami nangungupahan noon... Dahil sa takot ni Ricardo... Hindi na niya naisip na ibalik pa ang bata sa inyo"- at tumingin si Mariella sa mag-asawa.

Matamang napahawak sa braso ni Bongbong si Liza.

"Niligtas ni Ricardo si Julianne mula sa kamay ng kapatid niya at nagpasya na magpakalayo kami kasama ang bata... Sa Batangas kami nagtungo at doon namin binuhay at inalagaan si Julianne... Noon din, wala na kaming balita kay Glenda... Hanggang ngayon... Ni anino niya hindi na nagpakita sa amin..."- napayuko si Julianne at tumulo ang isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata.

Bakas sa mga mukha mga bisita ang kanilang pagkabigla... Hindi sila makapaniwal na ganon ang nangyari kay Julianne.

"Dahil sa galit ni Glenda, dinamay niya ang noo'y isang taong gulang na si Julianne... Kung hindi agad nalaman ni Ricardo ang plano ng kapatid niya..."- napatingin si Mariella kay Julianne.

At isang takas na luha ang tumulo mula sa kanyang mga mata.

"Baka wala sa harap natin ngayon si Julianne..."- at marahang napayuko si Mariella.

"Ginawa ni Glenda iyon dahil sa galit sa pamilya Marcos dahil namatay ang ama nila noong panahon ng Martial Law... Yun ang tunay na dahilan kung bakit pati ang bata ay dinamay niya sa galit sa inyo... Nagsikap kami ni Ricardo na palakihin si Julianne bilang anak namin... Mahal na mahal namin ang batang ito..."- at hinaplos ni Mariella ang buhok ng anak.

Napatingin sa kanya si Julianne.

"Papa's girl ang batang ito... Kapag hindi ko pinapayagan sa gusto niyang gawin ay magsusumbong ito kay Ricardo, magkakampi silang dalawa... Pero Ma'am, Sir... Napakabait ng batang ito... Kahit madalas ay salat kami sa buhay noon, ni minsan hindi ko siya narinig na magsalita ng masasama sa aming mga naging magulang niya... Malawak ang pang-unawa niya... Kaya hinihiling ko na, ibigay niyo ang nararapat para sa kanya... Lahat ng mga bagay na hindi niya natamasa sa piling namin ni Ricardo ay ibigay niyo sa kanya..."- at lumuluhang tinignan ni Julianne si Mariella

The Descendant: Marcos FanfictionWhere stories live. Discover now