Third Person
Isang linggo ang nakalipas, nasa kamay na ni Bongbong ang resulta ng isinagawang DNA test nila ni Julianne ng kaibigan niyang doktor na si Dr. Edgar Santos.
Nasa bahay siya at nakapirmi sa kanyang opisina habang paulit-ulit na binabasa ang resulta ng DNA nila.
Flashback...
"Bong, I can't believe this. Mukhang sunud-sunod na swerte ang dumarating sa'yo. If you win this upcoming election... hopefully... you should celebrate together with your family..."- the doctor smiled at Bongbong.
"Why doc? May good news ba?"- inabot sa kanya ng doktor ang isang brown envelope.
Halata sa mukha niya ang kaba dahil hawak na niya ang magpapatunay kung anak niya ang dalagang may hawak sa kwintas ng anak niyang si Sabrina.
As he opens the envelope, agad niyang pinasadahan ng tingin ang ibabang bahagi ng papel.
"Congratulations Bong!"- unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Bongbong.
"It's positive! That girl... Julianne... She is Sabrina! Siya ang anak ko!"
Walang mapagsidlan ng tuwa at galak si Bongbong nang malaman niyang si Julianne ang anak niyang halos dalawampung taon nang nawalay sa kanila.
As he excused himself sa doktor, nagtungo siya sa comfort room dahil hindi na niya makayanan ang emosyon.
He cried...
A lot...
For him, kung palarin siyang manalo sa eleksyon sa pagkapangulo, isang magandang biyaya iyon na ipinagkaloob sa kanya ng itaas.
Pero para sa kanya, wala nang hihigit pa sa regalong matatanggap niya.
Iyon ay ang kanyang anak...
Pag-uwi ng bahay, agad siyang nagtungo sa opisina at tinawagan ang marshall sa HQ at inatasan na i-hire agad si Julianne kasama ang kaibigan nitong si Jelay sa Uniteam staff.
Noon din ay pinuntahan siya ng private investigator na inutusan niyang alamin ang pagkakakilanlan ni Julianne.
Lahat ng mga mahahalagang impormasyon ay binigay ng investigator sa kanya.
Ang lihim na aktibidad ni Bongbong ay hindi pa rin alam ng asawa niyang Liza kung kaya't inuusig siya ng konsensya dahil hindi man lang ito isinasali sa pag-iimbestiga sa kinaroroonan ng kanilang anak.
Napagpasyahan niyang tapusin ang eleksyon at doon niya ihahayag sa lahat na natagpuan na niya ang anak nila ni Liza. At sa puntong iyon, naniniwala siya na mananalo siya sa pagkapangulo.
"Konting tiis lang Liza..."
----------
Julianne
"Ate naman eh! Sabi ko sa'yo patayin mo na yung kalaban ayan tuloy! Ako yung namatay!"- pambihira 'to! Binuhat ko na nga, ako pa may kasalanan bakit namatay!
"Hoy Karen, ikaw ang umayos! Bakit kasi nag-tank ka eh mas sanay ka sa mage! Ako pa sisihin mo!"- pambabara ko sa kapatid ko.
"Eh malay ko ba! Eh malakas kasi si Tigreal eh kaya siya yung pinick ko"- jusko... Di pa pwede sa rank 'to.
Nagpatuloy kami sa paglalaro at dahil mage ang gamit ko, naging madali sa akin ang paglalaro lalo na sanay ako sa character na gamit ko, si Kadita, yung sirena.
Kaya lang, kahit anong diskarte mo, at kahit anong pagbubuhat mo sa mga kasama mo, kung di sila marunong maglaro, talo ka din.
Tulad ni Karen, lakas ng loob gumamit ng tank.
YOU ARE READING
The Descendant: Marcos Fanfiction
FanfictionMula nang iwanan sila ng kanilang padre de pamilya, nagsumikap si Julianne para iangat ang buhay ng kanilang pamilya. Kasama ang kanyang ina, parehas nilang itinataguyod ang kanilang buhay sa araw-araw. Mabait, masayahin at mapagkumbaba. Ganito kung...