Chapter 13

6 0 0
                                        

[Ianne's POV]


Kasalukuyan akong nag-aayos dahil nga sa may dinner kami na kasama ang pamilya ni Carson. I am expecting na kami kami lang ng mga magulang at kapatid niya, but no. With the whole family na! Nagalit pa nga ako kay Carson kasi naman, akala ko nga with immediate family lang, pero ayun wala na magawa ang lola niyo dahil sinuyo ulit ako na may dala pang ice cream.



"Kay, ano may dadamitin ka ba?" tanong ni Ate at saka naupo sa kama ko.

"Ate, wag na lang kaya ako pumunta?"

"Pumunta ka na! Hindi naman ata bongga yung birthday party ng pamangkin niya."

"Wala kasi akong masuot! 'Di naman bagay na magpants ako." sabi ko at saka pumangalumbaba.

"Eh 'di magpanty't bra ka na lang." nagdabog naman ako sa suggestion niya at saka sinamaan siya ng tingin.

"Love, nandyan ka ba?" tanong ni Ate Paula habang nakasilip sa kwarto ko.

"Oo, nabili mo ba yung sinabi ko?"

"Oo, ito try mo, Kay." sabi ni Ate Paula at saka inabot sa'kin ang paper bag na dala niya.



Nilabas ko naman yung dress na bigay sa'kin nila Ate at ang ganda. White dress siya na napakasimple lang. Halatang 'di ako madadala sa mental hospital.



"Sige na isukat mo na!" Tulak ni Ate sa'kin papasok ng wardrobe ko.

"Bilisan mo, lalagyan pa kita ng make up."

"Eh!"



---



"Ayan perfect!" sabi ni Ate habang inaayos yung maikli kong buhok.

"Tingin ko, pwede na ikasal kapatid mo, love." nakita ko naman na siniko ni Ate Jillian si Ate Paula.

"Sorry, hindi pa pala pwede." mahinang sabi ni Ate Paula.

"Oh tingin ka na sa salamin, baka sabihin mo ginawa kitang clown eh." tumingin naman ako sa salamin at nakita ko yung full reflection ko.



Tama lang, nagandahan ako sa ayos ni Ate sa'kin. Hindi ko rin nga nakilala sarili ko sa salamin dahil sa maganda ang pagkakaayos niya sa'kin. Napatingin naman ako sa orasan at mag-aalas tres na.



"Ganda! Pwede ka nang make up artist!" sabi ko kay Ate at saka nag thumbs up.

"Anak, nandito na si Car – wow! Sino 'to?" tanong ni Mama sa'min habang tinuturo ako.

"Si Mama parang ewan." sabi ko at saka tumayo para kunin na ang mga gamit ko.

"Grabe, Jillian. Hindi ko nakilala kapatid mo sa ginawa mo sa kanya."

"Akala mo ba Ma puro semento ang binabatak ko sa site?"



Natawa naman kaming lahat sa sinabi ni Ate at saka na ako pinababa ni Mama dahil nag-aantay na raw ang jowa ko sa baba. Ano kaya itsura ng jowa ko na 'yan?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until I Found You [WinRina ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon