STEPBROTHER 1

50 2 1
                                    

Isang tawag ang natanggap ni Melvin buhat sa kanyang ina na si Marta. Pinapauwi siya sa probinsya sa darating na Sabado at importante ang kanyang presensya dahil sa personal na bagay ang kanilang paguusapan at hindi pwedeng sa telepono lang basta mag-usap. Ayaw naman magsalita ng ina kahit pahapyaw lang at sa bahay na lang daw sila mag-usap.

Walang nagawa si Melvin, kaya agad nag book ng eroplano papauwi sa probinsya. Nagiisip siya ng dahilan sa biglaang pagpapauwi sa kanya, subalit wala siyang maisip na kahit na anong dahilan.

Si Melvin ay ng-aaral sa isang sikat na unibersidad dito sa Manila, third year college at kumukuha ng kursong Accountancy. Mistiso si Melvin, may lahing kastila kasi ang namayapa niyang ama kung saan niya namana ang kakisigan at tangkad.

Biyernes pa lang ng hapon ay lumipad na siya papauwi ng Cebu at nakarating siya kanilang bahay bago pa man maghapunan. Masaya naman siyang sinalubong ng ina at matagal na nagyakap.

"Ma! Ano ba ang kelangan kong malaman at bigla-bigla naman ang pagpapauwi ninyo sa akin. Mabuti na lang at wala kaming masyadong aralin sa ngayon. Ano ba 'yon Ma?" wika ni Melvin na may tema ng paglalambing.

"Miss na miss na kasi kita. Ang tagal mo nang hindi umuuwi eh, nasasabik na akong makita at mayakap ka. Ayaw mo ba non."

"Si Mama talaga. Syempre, miss na miss din kita. Hirap kaya na malayo sa iyo. Nangangayayat na nga ako eh, kasi naman eh hindi kasing sarap ng luto mo ang kinakain ko sa Manila eh."

"Sino bang maniniwala sa iyo eh hayan at namumutok na ang braso mo. Laman ka siguro ng gym doon ano, ganda ng katawan mo eh. Pang bikini open na ah." Pisil pisil pa ni Marta ang braso ng anak, hangang hanga sa iginanda ng katawan ng anak. "Siya, magpahanda na ako ng hapunan natin. Magpalit ka muna ng damit mo at bumaba ka kaagad at kakain na tayo. Paborito mo lahat ng aking niluto."

"Iyan ang namiss ko sa iyo Ma eh. Hmm tataba na naman ako nito hehehe." Tumalikod na si Melvin at umakyat ng kanyang silid.

---------------oo00oo---------------

Sinigang na sugpo, inihaw na pusit at chopsuey ang naka-ahin sa mesa, lahat ay paboritong pagkain ni Melvin. Masayang kumain ang mag-ina, kwentuhan pa rin ng kung ano-ano.

"Ma! Blooming ka. Ang ganda ganda mo at ang aura mo, sobrang maaliwalas. At palagi ka ngayong nakangiti ha. Parang hindi ka nai-stress sa mga estudyante mo ha. May nagpapaganda at nagpapasaya na ba sa iyo niyan ha, Ma?" Nakangiting pangungulit ni Melvin sa ina.

"Dati pa naman akong maganda at seksi anak. Di ba ay maraming nagsasabi na para lang tayong magkapatid at hindi kita anak ah hahaha." Natatawa si Marta sa pagbibiro. Maganda at seksi naman talaga si Marta at hindi halata na siya ay edad trenta y otso (38) na. "Anak, bukas ay maaga kang gumising ha! Samahan mo ako sa palengke at bibili tayo na maraming ulam. May bisita kasi tayong darating bukas ng tanghalian." Patuloy niya.

"Sino naman iyon Ma at tila napaka espesyal yata para pauwiin pa ako. Di ba sabi mo ay may importante kang sasabihin sa akin. Sabihin mo na ngayon. Kagabi pa ako isip ng isip kung anong mahalagang bagay yun eh."

"Bukas na anak, pagdating ng bisita natin. Malalaman mo rin. Hindi ka naman makapaghintay hehehe."

"Ikaw talaga, may pasorpre-sorpresa pa. Sige na nga, ikaw na nga ang bahala."

Pagkakain ay tulong pa ang mag-ina sa paglilinis ng kinainan. Pagkatapos ay magkatabi pa sa panonood ng paboritong telenobela ng ina. Sadyang sabik sa isa't isa ang mag-ina dahil walang katapusan ang kumustahan at kwentuhan. Nang matapos ang pinapanood ay nag-aya na si Melvin para magpahinga at pagod daw sa byahe at galing pa nga naman ito sa school bago diretso sa airport. Pinaalala muna sa kanya ang lakad nila bukas.

Sonyeon-ui SalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon