STEPBROTHER 15

12 0 0
                                    

Pagka-graduate ay agad na naghanap ng trabaho si Andrew at laging kasama niya si Diego saan mang kompanya mag-apply. Maswerte naman na nakuha sila pareho sa isang malaking construction company.

Nakilala pa niya si Chona na isang teller noon sa bangko ng mag-open siya ng account sa bankong iyon dahil requirement iyon ng kompanya para sa kanilang payroll. Niligawan niya ang dalaga at naging sila.

Magmula noon ay hindi na naulit pa ng pakikipaglandian niya kay Diego.

Sabay na nagreview ang dalawa at sabay ding nakapasa.

Namatay ang lola ni Andrew at pagkaraan ng dalawang taong relasyon kay Chona bilang girlfriend ay inaya na niya itong pakasal.

---------------o0o---------------

Natapaos nang magmuni muni ni Andrew. Balik na naman sa kasalukuyan, panay ng buntong hininga. Tila baga napakalaking problema ang dinadala. Iyon ang nakaraang hinding hindi niya kayang aminin kay Melvin.

Hindi na muling nagkausap pa ang magkinakapatid, kahit na sa telepono lang. Sinubukang tawagan ni Andrew si Melvin, subalit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.

Sa panahong iyon ay umiiwas na siyang may mangyari pang muli sa pagitan nila ni Diego. Si Diego ay ganun din naman dahil alam nitong hindi siya mahal ng kaibigan na hihigit pa sa pagiging magkaibigan. Bihira na silang lumabas na magkasama at hindi na rin siya pinupuntahan ni Diego sa kanyang bahay.

Isang araw ay hindi nakapasok si Andrew sa opisina. Tumawag ito at nagpaalam naman na hindi makakapasok dahil masama ang pakiramdam. May trangkaso daw ito. Nalaman naman ni Diego ang kalagayan ng kaibigan kaya pagsapit ng uwian ay sa bahay nina Andrew ito nagtuloy. May dala na itong pagkain sakaling wala pang kakainin ang kaibigan. Alam niya kung saan iniiwan ang spare key ng bahay ng kaibigan kaya iyon ang ginamit niya para makapasok nang bahay na hindi na kumakatok dahil ayaw niyang pagbuksan pa siya nito ng pinto at baka nanghihina pa.

Tuloy tuloy siya sa kwarto ng kaibigan at nadatnan nga niya itong nakahiga at balot ng kumot ang katawan, nanginginig at ginaw na ginaw. Mainit na mainit ang katawan nito kaya agad na kumuha ng maligamgam na tubig at inilagay sa isang malaking bowl at pinunasan niya ang natutulog na si Andrew.

"Ikaw pala yan Andrew, paano ka nakapasok?" bungad na tanong ni Andrew.

"Ginamit ko ang spare key mo. Mabuti na lang at naroon pa. Sobrang init mo at nanginginig ka pa sa ginaw kaya naisipan kong punasan ka. Matatapos na naman ito. Magpalit ka na rin ng damit tapos ay kumain ka muna at may dala akong gamot. Nakainom ka na ba ng gamot?"

"Hindi pa nga eh. Naubos na pala ang mga gamot ko sa cabinet. Mabuti na lang at pinuntahan mo ako."

"Hindi ka pumasok at nalaman ko pa na tumawag ka raw at sinabing masama ang pakiramdam kaya eto, agad kitang pinuntahan. Dito na lang kita pakakainin. Handa ko lang ang binili kong pagkain at initin ko rin ang sabaw para maalis ang panginginig mo."

Nakakain naman kahit papano si Andrew. Humupa na rin ng bahagya ang kanyang lagnat. Muli siyang nakatulog, epekto ng ininom na gamut. Doon na natulog si Diego sa tabi ng kaibigan at matiyagang binantayan ang kalagayan ng minamahal na kaibigan.

---------------o0o---------------

Maagang nagising si Melvin sa tunog ng kanyang CP. Tumatawatg ang kanyang Tito Gener. Nakiusap na puntahan lang kahit saglit ang kinakapatid dahil sa may karamdaman daw ito. Nagtungo muna siya ng palengke para bumili ng karneng baka na siya niyang lulutuin para kay Andrew. Bumili na rin siya ng detergent powder dahil baka marami na itong labahin at isasalang na niya sa washing machine.

Tuloy tuloy na siya sa loob gamit ang kanyang susi. Hindi na kinuha iyon ni Andrew kahit na isinosoli na niya noon para daw kahit kelan ay pwede siyang makabalik doon. Agad nitong tinungo ang silid ni Andrew. Pagbukas niya ng pinto ay nasorpresa siya dahil magkatabi sa higaan ang dalawa ni Diego at Andrew na pareho pang natutulog. Hindi naman talaga siya nagulat pa, hindi kasi niya naisip kaagad na hindi naman pababayaan ni Diego ang kaibigan. Isinara na lang niya ang pinto ng marahan at bumaba na, tinungo ang kusina at naghanda na ng almusal. Alam niyang hindi pa sila kumakain at marahil ay napuyat itong si Diego sa pagbabantay.

Sonyeon-ui SalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon