STEPBROTHER 11

10 0 0
                                    

Mainit ang naging konprontasyon ng mag stepbrother. Hindi na tumagal pa si Melvin at umakyat na sa kanyang silid at pagbaba ay dala na ang maleta at ibang gamit at walang paalam na umalis. Naiwan si Andrew na tulala at walang kakilos kilos sa pagkakatayo. Matagal tagal din siya sa ganoong pagkakatayo bago sumigaw ng malakas at pinagsusuntok ang pader. Dumugo na ang kanyang kamao ng tumigil ito at umiiyak na napaupo sa sahig.

---------------oo00oo---------------

Sa isang kaibigan at kaopisina pansamantalang tumuloy si Melvin. Isang parang bachelor's pad lang ang tinitirhan nito kaya sadyang maliit para sa dalawa kung doon siya permanenteng titira. Makaraan lang naman ang ilang araw ay lumipat na rin siya at sa isang condo unit na nasa Sampaloc area din siya nakakita at mura lang naman ang renta.

Samantala, pagkatapos ng insidenteng iyon ay palagi na lang lasing itong si Andrew. Sising sisi sa sarili at nawalan ng ng pag-asa na magkakaayos pa sila ni Melvin. Pahiyang pahiya siya rito at wala ng lakas ng loob na humarap pa sa kinakapatid. Lagi niyang naalala ang sumbat sa kanya.

"Kuya, tsupaero ka na rin pala. Masahol ka pa sa akin, nagawa mo pa ngang kainin at lunukin ang tamod ni Diego eh. Kaya mo bang gawin sa akin ang ganon Kuya?"

"Hindi ka lang pala tsupaeng, mahinhin ka rin pala. Tsupaerong mahinhindutin. Nasasaktan ka ba sa naririnig mo kuya. Hindi naman siguro dapat, dahil totoo hindi ba."

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh ayoko na, ayoko na." at saka humagulgol.

Sa mga pagkakataong ganon ay si Diego ang umaalalay sa kanya. Palagi ito sa kanyang tabi at siyang gumagabay sa naguguluhang binata. Wala naman siyang alam sa ipinagkakaganoon ng kaibigan dahil walang sinabi si Andrew tungkol sa nasaksihan sa kanila ni Melvin. Ang alam lang niya ay ang pag-alis ng bahay nito para tumira na sa iba. Hindi naman nito sinamantala ang kalagayang iyon ng kaibigan.

---------------oo00oo---------------

Sa kagustuhang makatulong ni Diego sa kaibigan ay pinuntahan niya si Melvin sa pinagtatrabahuhan nitong bangko. Matiyaga siyang naghintay hanggang maglabasan na ang mga empleyado. Ayaw naman sagutin ang kanyang mga tawag.

Nang makita na niya na lumabas ng building si Melvin ay agad niya itong nilapitan.

"Melvin! Pwede ba tayong mag-usap?"

Nagulat pa si Melvin dahil hindi niya akalaing makikita ito sa tapat ng kanilang opisina. "May dapat ba tayong pag-usapan?"

"Hindi ito tungkol sa akin, tungkol ito sa kinakapatid mo, kay Andrew."

"Ano ang tungkol kay Kuya?" Wika ni Melvin habang naglalakad papunta sa parking lot ng bangko. Umiiwas siya na pagtinginan sila ng tao.

"Nito kasing umalis ka nang bahay ay palagi na lang naglalasing, laging nakainom kung umuwi at napapabayaan na ang sarili at nakakaapekto na sa kanyang trabaho. May malaking problema siguro. Ayaw naman sabihin sa akin kung ano. Naisip ko na baka dahil sa pag-alis mo. May naging problema ba sa inyong dalawa?"

"Hahaha. Problema? Sa aming dalawa? Hahaha ikaw talaga Diego, nagpapatawa ka." Ang may panguuyam na pagsagot ni Melvin. "Bakit? Hindi mo Alam? Hindi ba dapat ay alam mo. Para ka namang tanga kung ganun o nagtatangatangahan ka lamang."

"Tanga na kung tanga. Wala talaga akong alam!" ang halos pasigaw na sagot ni Diego.

"Kung ganon ay sa kanya ka magtanong at hindi sa akin. Imposible naman hindi mo alam ay kayong dalawa ang gumawa ng problema niya."

Pagkasabi niyon ni Melvin ay tumalikod na sito. Mabilis naman nahawakan ni Diego sa braso para pigilan sana pero isang malakas na suntok ang dumapo sa kanyang panga na sanhi para mapalugmok siya sa lupa. Mahilo hilo si Diego na ginalaw galaw ang panga.

Sonyeon-ui SalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon