STEPBROTHER 8

14 0 0
                                    

Nakita ni Andrew si Melvin na may kasamang isang gwapong lalaki sa isang mall. Sinundan pa niya ang mga ito hanggang sa loob ng sinehan at nasaksihan ang paghahalikan ng dalawa. Inakala din niya na may ginawang kahalayan ang kinakapatid ng yumuko ito at hanapin ang nalaglag na earphone.

Sinadya rin ni Andrew na magkita sila ni Melvin at kasama nito at isinabay na ito sa kanyang paguwi.

Nainom ba ang kasama mo Melvin, magpalit lang ako ng damit. Baba din ako agad. Inom tayo Lino ha.

Kinabahan bigla si Melvin, dalawang beses na tinawag siya ng kanyang kuya sa buo niyang pangalan, ibig sabihin ay galit na naman ito sa kanya.

---------------oo00oo---------------

Pagbaba ni Andrew ay nakasuot ito ng bodyfit na tshirt at basketball short. Ipinarada na naman niya ang maganda niyang katawan. Agad na tinungo ang bar at kinuha ang isang bote ng alak. "Hard tayo Lino ha! Mas gusto ko ito kasi ay para hindi ihi ng ihi.

"Okay lang kuya."

"Andrew. Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko. Hindi naman magkalayo ang edad natin. Melvin, ano ba ang pwede nating pulutanin diyan."

"May natira pa tayong adobong pusit kagabi, pwede na ba yun."

"Madami pa ba?"

"Madami pa naman."

"Sige, yun na lang. May binili pala akong mani, pakikuha naman sa silid ko."

Pagkaalis ni Melvin ay hinarap niya si Lino. "Ganda ng katawan natin ah. Saan ka ba nag-ji-gym."

"Diyan lang po sa may Sampaloc, trainor po ako doon. Doon din po nag gym si Melvin at ako rin ang trainor niya. Ikaw rin Andrew, ang ganda ng porma ng muscles mo. Ang ganda ng biceps mo at ang dibdib at abs, pamatay! Pwede ko bang mahawakan?"

Natanaw niya na pababa na si Melvin. "Sige ba." Sumang-ayon si Andrew kaya nilapitan siya nito at sinalat, pinisil, hinaplos ang kanyang muscles sa braso, dibdib at ang abs. Napatigil tuloy si Melvin sa pagbaba sa nakita.

"Grabe ang tigas. Ang sarap pisil pisilin." – si Lino.

"Established na rin naman ang muscles mo ah. Ganda nga eh."

"Mas maganda naman ang sa iyo." Tugon ni Lino na patuloy pa rin sa paghaplos sa katawan ni Andrew.

"Eto na kuya ang mani, kuha lang ako ng platito. Saan ba tayo?"

"Dito na lang tayo sa bar." Kumuha ng tatlong wine glass si Andrew na nakasabit sa itaas ng bar. Isang pitsel ng malamig na tubig naman ang dala ni Melvin at isang platito. Nagsalin na siya ng mani sa platito. Bumalik uli ito sa kusina para painitin naman ang pusit.

Pabukakang naupo si Andrew sa isang rotating swivel bar chair paharap kay Lino. "Kayo na ba ng kinakapatid ko? Wala naman sa akin kung may relasyon kayo, mas maganda nga na malaman ko para makita ko man na naghahalikan kayo kahit sa loob ng sinehan ay hindi ko mamasamain, di ba?"

"Ang totoo ay kami na nga, ayaw lang niya munang i-broadcast sa iba. Huwag sana muna ninyong mababanggit kay Melvin na umamin ako sa iyo."

"Okay! Sinabi mo eh. May nangyari na ba sa inyo?"

"Hanggang kissing lang, wala pang higit doon."

"Hina mo naman hehehe."

"Bukod sa kanya, may nakarelasyon ka pa bang iba o sabihin nating may natira ka na, babae man o lalaki."

"Sa age kong ito, pag sinabi kong wala ay baka hindi naman kayo maniniwala eh, kaya aminin ko na. Meron na, babae at lalaki. Yung babae ay nobya ko dati, yung lalaki ay kliyente sa gym at marami rami na rin hehehe." Mahinang sagot niya.

Sonyeon-ui SalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon