STEPBROTHER 12

7 0 0
                                    

Hindi alam ni Andrew na nakaalis na si Melvin kaya nagtanong na siya sa kanyang Tita Marta habang kumakain sila ng hapunan. "Tita, nasaan po si Melvin. Bakit hindi natin kasabay na kumain?"

"Nakaalis na po si Tito Melvin. Nagpaalam na po sa akin Daddy." Si Claude na ang sumagot sa tanong ni Andrew.

"Ganun ba! Akala ko kasi ay bukas pa ang alis niya." Nag-iba ang ekspresyon sa kanyang mukha, may halong yamot. "Aalis na pala ay hindi man lang sinabi sa akin." bulong sa sarili ni Andrew.

"Andrew, anong oras ang lipad mo bukas. Magpaalam ka ng maayos sa anak mo." paalala ni Gener.

"Maaga po bukas. Didiretso na kasi ako sa opisina namin. Anak, aalis na si Daddy ha. Mamaya tabi tayo sa pagtulog ha!"

"Opo Daddy. Sana po magbati na kayo ni Tito Melvin. Sana po love nyo rin siya Daddy."

Natawa si Andrew sa tinuran ng anak. Lumalaki na nga ang kanyang anak at sa murang edad ay tila nakakaunawa na sa mga pangyayari. "Hindi naman kami nag-aaway ng tito mo anak. Nagtampururot lang iyon sa akin hehehe."

---------------o0o---------------

Sa bahay sa Manila habang nagiisang umiinom ng beer si Andrew ay naisip niya ang mga tanong ni Melvin na hindi niya nasagot. Nagisip siya kung paano sila nagkakilala ni Diego at kung paano nauwi sa pakikipagtalik ang kanilang samahan. Inalala niya ang umpisa ng nakaraan. At ito ang mga naganap na hindi niya kayang aminin sa kinakapatid.

First year siya sa college of architecture sa isang sikat na unibersidad sa Manila, block section pa sila noon. At dahil alphabetically arranged ang seating arrangement ay magkatabi sila ng upuan. Parehong naguumpisa sa 'T' kasi ang kanilang apelyido. Si Andrew ay Tenorio samantalang si Diego naman ay Tablizo. Sila ang unang naging magkaibigan.

Pareho silang gwapo at athletic ang pangangatawan kaya sikat sila sa kanilang section at maging sa campus, hearthrob ika nga. Pareho din silang mahilig sa sports, si Andrew sa basketball, may height kasi siya at sadyang magaling maglaro samantalang si Diego ay sa swimming nahilig. Pareho silang myembro ng varsity sa kanikanilang sports.

Suportado nila ang isa't isa, kapag may laro ang isa ay naroon at nanonood ang isa. Maging sa kalokohan ay magkasama sila at dahil mga gwapo ay lapitin ng mga babae kaya naman nagpaparamihan sila ng girlfriend, halos linggo linggo ay iba ang kanilang nobya at karaniwan ay pinagsasabay pa nila, hindi lang isa, marami.

Habang dumadaan ang panahon ay lalo namang tumitibay ang kanilang pagkakaibigan. Madalas na tambay si Diego sa bahay nina Andrew. Buhay pa noon ang lola niya at kasama niya sa bahay at dalawang kasambahay na siyang nag-aalaga dito. Nasa Cebu kasi ang kanyang Papa at doon nagnenegosyo kaya siya ang nakasama ng kanyang Lola.

Third year na silang dalawa ng may kakaibang nangyari sa kanila. Birthday noon ni Andrew at naimbitahan niya ang ibang barkada at kasamahan sa team para sa isang salo salo kasama na syempre si Diego. Kainan, kantahan at syempre hindi mawawala ang konting inuman. Hindi naman sila masyadong nagpakalango dahil may pasok pa kinabukasan. Maaga ring natapos ang inuman at nagsiuwian na ang mga bisita. Si Diego na lang ang naiwan na tumulong sa paglilinis ng kanilang pinaginuman.

"Dito ka na lang matulog Diego at sabay na tayong pumasok bukas. Baka nga hindi ka na makapasok ng boarding house ninyo eh dahil curfew na."

"Buti pa nga, kaya lang ay wala akong isusuot bukas. Pahiramin mo na lang ako ng polo mo, magkasukat naman katawan natin."

"Walang problema, marami akong extrang damit diyan."

Nang matapos nilang ligpitin ang kanilang kalat ay umakyat na sila ng silid. (Ito yung silid na gamit ni Melvin sa kasalukuyan.)

Sonyeon-ui SalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon