STEPBROTHER 17

10 0 0
                                    

Natuksong makipagtalik si Andrew sa pamintang kliyente niyang sa Darwin na nagpapaguhit sa kanya ng isang plano dahil sa parang nakadama ito ng awa sa matagal na itinagong pagkatao at dahil na rin sa narahuyo siya sa pangako nitong bibigyan siya ng isang mamahaling kotse.

Sobrang kasiyahan ang naranasan ni Darwin dahil natupad ang kanyang pantasya kay Andrew na masuso ito at makantot din. Halos hindi pa sila nakakakilos at nakapag-ayos ng sarili ng mag ring ang CP ni Andrew.

"Kuya, dito ka ba maghapunan?"

"Oo Vin, pabalik na rin kami."

Hindi na nakuhang makapag linis ng katawan ang dalawa at nag-aya nang bumalik si Andrew.

Hindi na pumasok pa ng bahay si Darwin pagkahatid kay Andrew.

"Vin, narito na ako, magshower lang muna ako bago tayo kumain ha." Pasigaw na wika ni Andrew sa kinakapatid na nasa kusina. Hindi na siya muna nagpakita sa kinakapatid dahil baka kung anong maamoy sa kanyang katawan at nagtuloy kaagad sa kanyang silid para magshower.

"Kuya! Baba ka na at kakain na tayo." Malakas na tawag ni Melvin. Patakbong bumaba na si Andrew dala ang kanyang tshirt at doon na nakapagbihis. Kaagad napansin ni Melvin ang namumumulang dibdib ng kinakapatid.

-----o0o-----

Hindi muna pinuna ni Melvin ang napansing pamumula ng dibdib ng kanyang kuya. Ayaw niya kasing pagusapan hanggang hindi pa sila kumakain.

Pagkakain ay tulong pa sila sa paghuhugas ng pinagkainan, nagbibiruan pa sila at hindi nagpapahalata si Melvin na may galit na naman ito sa kanyang kuya.

Nanood pa sila ng TV sa sala. "Kuya, may natira pa kayong alak kanina, gusto mo bang uminom tayo?" turan ni Melvin.

"Gusto mo ba? Sige."

"Pa shot shot lang kuya, hindi naman ako masyado sa hard eh. Sandali at kukunin ko." Tumayo na si Melvin at tinungo ang kusina. Kasunod din niya si Andrew.

"Tulungan na kita. Ikaw na lang ang magdala ng baso at ng alak, ako na ang magdala ng yelo at tubig sa pitsel." – si Andrew.

Masaya silang nagkukuwentuhan habang na shot ng alak. Naging topic nila si Claude at talaga namang hindi maipagkakaila na mahal na mahal nila pareho ang bata.

"Kuya, kumusta naman ang pinuntahan ninyo kanina ni Darwin. Malapit lang ba?"

"Diyan lang sa QC. Malaking project ito para sa akin. Malaking tiwala sa akin ni Darwin kaya ako ang pinagawa niya ng plano. Bale sarili ko na itong project kaya malaki ang kikitain ko."

"Talaga kuya, yayaman ka na niyan hehehe."

"Pangarap ko talaga yan para mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang anak ko. Syempre kasama ka rin doon."

"Totoo ba iyon? Para namang hindi."

"Wala ka pa bang tiwala sa akin? Nagsusumikap naman talaga ako para din sa atin ah. Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan."

"Paano ba naman kita pagtitiwalaan eh ang dami mo nang nagawang hindi maganda para sa akin. Marami kang lihim na hindi mo kayang ipagtapat sa akin. Paano kita pagtitiwalaan."

"Nangangako naman ako ah, na iiwasan ko na ang mangakit ng kapwa ko lalaki at hindi ko na sila papatulan pa. Nakita mo bang nagpapunta pa ako ng mga kaibigan ko rito. Hanggat maari ay iiwasan ko na talaga sila."

"Kuya, madaling gawin sa salita, pero mahirap sa gawa, tulad ngayon. Saan ba talaga kayo nagpunta ni Darwin. Ano ba siya Kuya, bakla?"

Nabigla si Andrew sa tanong na iyon ng kinakapatid. "Ano bang klaseng tao itong si Melvin, napaka bagsik ng pang-amoy." Wika ng kanyang isipan. "Bakit mo naman nasabi ang ganon?"

Sonyeon-ui SalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon