STEPBROTHER 7

15 0 0
                                    

Sa magkasunod na gabi ay parehong nakatalik ni Andrew ang mag-asawang sina Roger at Carmela ng lingid sa kaalaman ng isa't isa.

Si Roger ang unang bumigay sa alindog ni Andrew na hindi na napigilan na matukso sa mapanukso naman talagang nilalang.

Samantalng nagwala naman noon si Carmela at hinanap sa kanila ang asawang si Roger na sa galit ay nagawang maaakit naman si Andrew para makipagtalik din sa kanya.

---------------oo00oo---------------

Matagal na hindi nagpakita si Roger sa barkada dahil sa nahiya ito kay Melvin dahil nalaman nito ang nangyari sa kanila ng kanyang kinakapatid. Regular pa rin naman nakikipaginuman sina Benny, Diego at iba pang kabarkada nila sa kanilang bahay at sa tuwing magiinuman ay patuloy pa rin na tila nang-aakit ang kanyang kuya sa mga barakong kainuman. Sinasadya talaga nito na magsuot ng halos ay litaw na ang kuyukot at ipagbando ang kagandahan ng kaniyang pangangatawan.

Minsan ay naisama ni Melvin ang isa niyang kaibigan na dating ka roommate noong college pa siya. Siya si Angelo.

"Kuya, si Angelo, kaibigan ko at dating ka roommate. Gusto raw malaman kung saan ako nakatira kaya sumama sa akin." Pakilala ni Melvln.

"Kumusta Angelo, Andrew here, welocome naman lahat ng kaibigan ng aking kapatid dito." Kinamayan ni Andrew si Angelo, mahigpit at may pagpisil pa. Matagal bago nagbitiw.

"Okay naman po, maraming salamat." Maiksing sagot ni Angelo.

"Wala nang "po" at hindi pa naman ako matanda. Vin, pakainin mo muna ang bisita mo. Umiinom ka ba Angelo?"

"Medyo, pero hindi naman lasingan." Tugon ni Angelo.

"Sige, Maiwan ko muna kayo. Ikaw na ang bahala sa bisita mo Vin." Umakyat na si Andrew at nagshower. Pagbaba niya ay nakasuot na ito ng isang muscle shirt at isang jogger short at tila walang panloob dahil umaalog pa ang nasa loob nito at bakat na bakat. Inabutan pa niya na kumakain ang magkaibigan sa mesa. Napasulyap sa kanya si Angelo at nawala na sa sarili dahil titig na titig ito sa harapan ng lalaki. Napansin din ni Melvin kung saan nakatitig ang kaibigan. Natauhan lang ito nang maupo na sa tabi nila si Andrew.

"Kain lang ng kain, huwag ka nang mahiya at mamaya ay iinumin natin ito." wika ni Andrew na ibinaba sa mesa ang hawak na fundador. Nakipagkwentuhan pa si Andrew sa dalawa habang sila ay kumakain. Tila sumigla naman sa pakikipag-usap itong si Angelo.

Pagkatapos kumain ay doon na rin sila naginom. Sa kabisera umopo si Andrew at ang dalawa ay sa nagkabilang gilid, sa kaliwa si Angelo at sa kanan naman si Melvin.

Maraming tanong si Andrew at nalaman na niya kung saan nagtatrabaho itong si Angelo, kung saan nakatira at mga hilig.

"Mahilig po kami sa larong basketball ni Melvin at palagi kaming sabay mag-gym noong kasama pa namin sa dorm itong si Melvin. Hindi naman sa pagyayabang kuya, sikat kami sa school noon kasama ang iba naming dormmate, kasi ay puro daw kami mga gwapo at maganda pa ang katawan hehehe."

"Hindi naman katakataka dahil gwapo naman talaga itong kinakapatid ko at gwapo ka rin. Ewan ko lang ang ibang kasama ninyo dahil hindi ko pa nakikita at nakikilala. Siguro ay madami kayong naging girlfrind ano. Itong si Melvin ay wala akong nabalitaan simula ng dito siya tumira. I-tsismis mo nga sa akin kung may girlfriend na itong bata natin." Wika ni Andrew na panay ang galaw ng tuhod at sinasadyang ibungo sa tuhod din ni Angelo. Medyo inilalayo na ni Angelo ang kanyang tuhod pero dahil magkalapit lang ang upuan ay talagang magbubungo ang kanilang mga tuhod.

"Ah! Matinik yan sa chicks, maraming nagpapasaring diyan at ang alam ko ay nakarami din siya noon, ilan ba, anim? Pito? Siguro ay mahigit pa hehehe."

"Ikaw talaga Angelo, huwag mo naman akong ipagyabang, ikaw nga diyan ang di na mabilang sa daliri eh."

Sonyeon-ui SalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon