STEPBROTHER 21

8 0 0
                                    

Muling nagkasundo ang dalawang magkinakapatid. Hindi natangghihan ni Melvin ang mainit na halik ni Andrew at dagliang bumigay. Kasunod kaagad ang mainit na tagpo sa pagitan ng dalawa.

Naging maayos naman ang mga sumunod na araw ng dalawa. Ipinadama ng bawa't isa ang pagmamahal sa bawat araw. Pareho silang masaya at matiwasay na nagsasama na parang tunay na mag-asawa.

Subalit ang tukso ay sadyang malapit kay Andrew at maging kay Melvin.

-----o0o-----

Nasa opisina si Andrew ng mag ring ang kanyang CP. Mula ito kay Engineer, gustong makipagmeet dahil may iki-clear sa design ng ginagawang building. Alam na raw ito ni Darwin kaya nakipag-commit siya rito. After office hour ang usapan dahil Lunes pa lang at sa construction site ang meeting. Dumating naman siya ng wala pang ala-sais.

Wala ng nagtatrabaho at gwardya na lang ang naroon. Pinatuloy na siya sa temporary office kung saan naghihintay si Engineer. Pagpasok niya ay naroon nga si Engineer at isa pang tao na siyang foreman sa construction na may hawak pareho ng bote ng beer.

"Architect, nandyan ka na pala." Masayang bati ni Engineer. "Beer?" Alok niya.

"Mamaya na. Yun munang concern mo. May problema ba?"

"Wala naman. Gusto ko lang ipakita sa iyo itong sinimulan namin bago ko ituloy. Gusto ko sanang mag komento ka muna kasi ay baka mabago ng konti sa design mo dahil sa gustong ipagawa ni Darwin, Sinabi sa akin na ipaalam ko muna sa iyo. Hindi raw siya makararating ngayon eh. Sisimulan na namin ito bukas." Paliwanag ni Engineer.

Tinungo nila ang lugar dala ang plano. Matapos inspeksyonin at magkasundo sa mga pagbabago ay bumalik na sila sa opisina. Nag tig-isa pa sila ng beer bago nag-aya si Engineer na ituloy na lang sa kanilang bahay na siya ring office ng kanilang kumpanya.

"Sa ibang araw na lang Engineer, may tinatapos pa kasi akong trabaho sa opisina at ayaw kong madelay iyon na ako ang dahilan. Marami pang araw, sa Sabado na lang, tutal ay pupunta naman talaga ako rito para tignan ang development." Pag tanggi ni Andrew. Ang totoo ay tinawagan siya ni Melvin at hinihintay siya sa hapunan dahil nagluto raw ito ng kanyang paboritong ulam, ang relyenong pusit na lumot.

-----o0o-----

Nakahanda na ang hapag pagdating ni Andrew.

"Nainip ka ba Vin. Hindi ko pwedeng hindi puntahan yung project eh, baka ako pa ang maging sanhi ng delay. Pasensya na ha. Kain na tayo at gutom na rin ako kanina pa."

Parang mag-asawa na kung magturingan ang magkinakapatid. Tumatayong si Melvin ang babae at syempre si Andrew ang lalaki dahil pinagsisilbihan ng una ang huli. Asikasong asikaso ito ni Melvin, pati na ang bibihisin sa pagpasok. Pinagluluto na rin ni Melvin ng babaunin sa opisina ang kanyang kuya. Sa gastusin sa bahay at hati pa rin sila. Ayaw kasing pumayag ni Melvin na hindi siya mag-share, kaya ang inako na lang niya ay ang grocery at bilihin sa palengke. Kay Andrew ang tubig at kuryente.

Matapos kumain ay si Melvin na rin ang naghugas. Nilambing lambing naman siya ni Andrew, niyakap mula sa likoran habang naghuhugas ng pinggan at pahalik halik pa sa batok at pisngi.

"Kuya! Huwag po, huwag po." Birong wika ni Melvin na aakalain na inabuso ng kanyang kuya.

"Anong huwag po?"

"Huwag mong tigilan, ituloy mo lang."

Yung lambingan at biruang iyon ay nahahantong kadalasan sa totohanan.

Ilang linggo rin na naging matiwasay ang relasyon ng dalawa. Malaki na ang ipinagbago ni Andrew, madalang nang maginom kasama ng barkada. Sa pagdyi-gym ay sabay sila palagi kaya hindi makaporma si Benny. Si Gilbert ay hindi na rin napunta sa bahay. Magkaibigan pa rin naman ang turingan nila ni Melvin.

Sonyeon-ui SalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon