STEPBROTHER 9

12 0 0
                                    

Umalis ng bahay si Melvin para magpalipas ng oras matapos makipagtalo kay Andrew. Wala naman talaga siyang pupuntahan gaya ng paalam sa kanyang kuya. Kung saan saan lang siya napadpad. Inabot din siya ng gabi sa labas.

Nang inakala niyang natutulog na ang kanyang kuya ay nagpasya na ring umuwi ni Melvin. "Siguro ay tulog na ito dahil may pasok na naman bukas." Ang sabi sa sarili. Ginamit niya ang kanyang susi at pagbukas ng pinto ay madilim sa sala pero bukas ang ilaw sa hapag kainan. Tinungo niya ito para patayin ang ilaw na inakalang nalimutan lang ni Andrew. Subalit isang sorpresa ang bumungad sa kanya.

Inabutan kasi ni Melvin na nakadapa si Andrew sa mahabang mesa na tanging brief lang ang suot at sabay sabay na minamasahe ng tatlong barakong lalaki, si Benny, si Angelo at si Lino na wala ring saplot kundi brief.

"Nariyan ka na pala Melvin, gusto mo bang sumali? May paligsahan kasi ako sa kanila at ang mananalo ay makakapiling ako sa magdamag." Ang wika ni Andrew na halatang lasing na. Inis na inis si Melvin dahil sa halip na mahiya sa pinaggagagawa ay proud pa yata. Nakaisip naman ng isang bagay si Melvin para isagot sa anyaya ng kanyang kuya.

Malakas siyang dumahak na tila nasusuka at saka tumakbo sa kusina para kunwari ay sumuka. Inilakas talaga niya ang pagdahak at dinukot pa talaga ang lalamunan para masuka lang. Nagtagumpay naman siya at talagang nasuka.

Mabilis din siyang bumalik at pagdaan sa hapag ay "Nakakasuka kayo.". Mabilis siyang umakyat ng hagdan at ibinalabag na pasara ang pintuan ng silid at saka inilock. Nagpupuyos ito sa galit at mangiyak ngiyak.

"Mga puta sila, mga manyak, mga baboy at hindi na nahiya." Ang malakas niyang mura na maaring marinig sa ibaba.

Nag-isip siya kung ano ang dapat na gawin. Ayaw na niyang masaktan dahil para sa kanya ay sobra sobra na ang ginagawa ng kanyang kinakapatid. Naisip niyang lumipat na lang ng tirahan subalit hindi naman niya alam kung anong idadahilan sa kanyang ina at sa kanyang tito Gener.

Matapos ang mahaba-habang pagiisip ay nagpasya na siyang maghanap na ng matitirhan at wala nang makapipigil sa kanya, maging ang kanyang ina o si Tito Gener. Plinano na niya na magtanong tanong sa mga kaopisina kung may alam na murang apartment o room for rent lang. Kung wala ay lalakad siya kapag Sabado at Lingo para maghanap. Pinilit na niyang matulog.

Ngunit napakalaki nang epekto sa kanya ng sinabi ng kanyang kuya, nagpalaro ng isang paligshan at kung sino ang papalarin ay premyo ang makasiping siya sa magdamag. "Baliw na talaga siya, baliw! Baliw!" Sigaw niya. "Ito namang mga hinayupak na lalaking ito ay napagagamit sa isang baliw. Nasabi pa naman mga kaibigan ko. Mga walanghiya, mga baboy." Patuloy na mura niya kahit na wala namang nakaririnig.

Sisilip sana siya sa ibaba pero nakarinig siya ng papaakyat na yabag. Nakiramdam siya sandali, may pumihit sa seradura ng pintuan niya, mabuti na lang at nakalock. Hindi naman kumatok ang nagpihit at siguro ay inaalam lang kung natutulog na siya.

Bumaba rin naman kaagad ang yabag. Naghintay muna siya nga ilang minuto bago sumilip muna sa pinto. Tinungo niya ang hagdanan at sinilip ang ibaba. May kalayuan ang hapag kainan kaya kailangan talagang bumaba para makita kung may tao doon. Dinig naman niya ang usapan galing sa hapag.

"Ganito ang laban ha! Pupunuin ko ng alak ang basong ito at kailangan na maubos ninyo ito ng isang tunggaan lang, hindi ibaba kahit sandali. Ang magbaba ng hindi pa nauubos ay talo na. Ang una naman na makakaubos ay siyang panalo, at syempre ako ang premyo. Fair naman ang laban di ba?"

"Pero lahat tayo ay lasing na at sigurong paplakda na at may pagkakalagyan. Hindi fair iyon." Boses iyon ni Benny.

"Well, ganon talaga, matira ang matibay. Mga barako naman kayo kaya dapat ay makaya ninyo." – si Andrew.

Sonyeon-ui SalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon