STEPBROTHER 16

8 0 0
                                    

Dahil sa pagkakasakit ni Andrew ay nadalaw ni Melvin ng kinakapatid. Naging dahilan din iyon upang magkaniig uli sila sa kama.

Nakiusap pa si Andrew na bumalik na muli sa bahay. Papayag lang daw si Melvin kung pagbabawalan na niya ang kaibigang si Diego na pumunta ng bahay niya. Dare iyon ni Melvin para bumalik na sa bahay na iyon ni Andrew.

---------------o0o---------------

Hindi rin napilit ni Andrew na bumalik na si Melvin maliban na lang kung susundin ang hiling niya dito. Napakahirap para sa kanya ang ipinagagawa ng kinakapatid. Matagal na silang magkaibigan ni Diego at ayaw niya itong masaktan. Nasaktan na nga niya ito nang sabihing hanggang pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay at hindi na hihigit pa roon. Ganun pa man ay nanatili pa rin ito sa kanyang tabi at hindi nagkakait ng tulong sa tuwing mangangailangan siya.

Ang nangyari sa kanila noong nag-aaral pa ay matagal na niyang kinalimutan at hindi na nga naulit pa. Subalit ang nangyari nitong bandang huli ay dala na rin ng pangungulila sa asawa, idagdag pang nakainom sila pareho. May ilang beses din na may nangyari sa kanila. Nagawa niyang pagbigyan din ang kaibigan para naman masiyahan din ito basta ang usapan nila ay walang malalim na relasyon, paraos lang.

Hindi niya alam kung paano mapapaniwala si Melvin na sex lang ang namagitan sa kanila at walang puso, at least sa kanyang banda. Alam niya kung gaano siya kamahal ni Diego.

Nabuo sa kanyang isipan na liligawan niya si Melvin hanggang sa tuluyang na nitong mapaamo ito ng tuluyan.

---------------o0o---------------

Ss kabilang dako ay masayang masaya naman si Melvin sa nangyari. Gusto na niyang maniwala na mahal talaga siya ng kanyang kuya kaya lang ay duda siya talaga sa tunay na relasyon nito kay Diego. Alam niyang matagal nang magkaibigan ang dalawa, pero saksi siya sa pangyayaring hindi nito aakalain sa isang magkaibigan lang. Ganun pa man sinabi nitong wala siyang pagtingin sa kaibigan. Purely friendship lang daw at kung may nangyari man sa kanila ay dahil sa pareho silang nakainom.

Halata ni Melvin sa kilos ni Diego na iba ang pagtingin niya sa kaibigan at iyon ay higit pa sa pagkakaibigan kaya hinamon niya ang kanyang kuya na pagbawalang pumunta sa bahay nila si Diego at kailangan niyang sabihin iyon na kaharap pa siya para bumalik na siya sa bahay. Walang sagot si Andrew, alam niyang mahihirapan ito at nasisiguro niyang hindi niya kayang gawin iyon sa kanyang mga kaibigan. Sinusubukan lang naman niya ito kung kaya niyang ipagpalit ang matagal na pagkakaibigan sa ngalan ng pag-ibig. Sa bagay na iyon ay alam ni Melvin na talo siya.

SA pagkakaroon ni Melvin ng girlfriend, ay alam niyang hindi naniniwala ang kanyang kuya, kaya hindi na ito nagusisa pa at hindi nakitaan ng pagseselos. Iyon ang akala niya. Siguro ay mapapatalon pa siya sa tuwa kung nalaman niyang dahil sa narinig nitong pagkakaroon ng GF kaya siya naginarte at napagbuntungan ng inis si Diego.

---------------o0o---------------

Naging sibil naman ang relasyon ng magkinakapatid. Nagkakausap na sila ng madalas sa telepono at minsan ay magkasabay na kumakain sa labas sa pag-aaya ni Andrew. Minsan ay sinundo pa ni Andrew si Melvin sa kanilang opisina. Maraming kaopisinang babae, binabae at maging mga tunay na lalaki, ni Melvin ang humanga sa kakisigan ng kapatid. Kapatid ang pakilala niya kay Andrew na pinaniwalaan naman nila dahil pareho nga silang magandang lalaki.

Minsan kada-dalawang lingo ay pumupunta pa rin si Melvin sa bahay ni Andrew para maglinis at ipaglaba ito kahit na ayaw na ng huli dahil nahihiya na raw ito. Pero pangako daw iyon ni Melvin sa kanyang Tito Gener kaya patuloy pa rin siya. At ito ngang linggong ito ay naroon na naman siya at kasalukuyang nagluluto ng kanilang pananghalian habang nakasalang naman ang labahin sa washing machine.

Sonyeon-ui SalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon