STEPBROTHER 14

5 0 0
                                    

Nagkita sa isang mall ang magkalaban noon sa larong basketball na sina Andrew at Dondi. Nagka-ayaang kumain na humantong sa paginom sa bahay ng una. Marami silang napagkwentuhan hanggang sa mapunta ang topic nila sa kapilyohan nila noong championship game nila.

"Talaga bang naakit ka sa akin? Brod! Mas brusko ka pa nga sa aking tingnan tapos ay naatrak ka sa lalaki! Naku ha! Baka naman, alam mo na."

"Na ano, na talagang bading ako? Hahaha. Straight ito pre. Kilala ko ang sarili ko at marami na akong naging syota at naikama. Naguguluhan lang talaga ako pagdating sa iyo."

"Hahahaha, may ganoon pala, ngayon ko lang nalaman. Ibig sabihin makakaya mong sumubo." Wika ni Andrew

"Putsa pre, sa aking isipan ay ginawa ko na sa iyo iyon, matagal na. Nakailang pagpapalabas na rin ako."

"Gusto mo bang gawing totoo ang pantasya mo?"

Na excite bigla si Dondi sa sinabi ni Andrew. Tinabihan sa upuan si Andrew at sinabing "game ako diyan." Wika nito sabay daklot sa harapan ni Andrew.

"Brod! Ang bilis mo naman, nagbibiro lang naman." Sabi ni Andrew sabay ilag kaya nabitiwan ni Dondi ang kanyang harapan.

"Joke lang hehehe. Ito naman." Wika ni Dondi saka bumalik sa dating upuan.

"Ito naman ay tanong lang Brod. Naka tsupa ka na ba?

"Hahaha, sa maniwala ka man o hindi ay hindi pa at hindi ako bading. Totoo yun. Kaya lang, medyo may duda na ako sa aking sarili. Hindi ko maintindihan kung bakit iba ang dating mo sa akin, may pagnanasa. Atin atin lang naman ito at sa iyo lang ako nagsabi ng nararamdaman ko." – si Dondi na may pag-aalinlangan.

Umarte naman si Andrew na parang sinasarang zipper ang bibig. "Tikom ang aking bibig. Wala kang dapat ipag-alala sa akin. Sikreto natin kung ano mang napagusapan natin ngayon. Inom na ng maubos na natin ito. Baka hinahanap ka na sa inyo niyan."

"Pinaalis mo na ba ako?" patampong tanong ni Dondi.

"Kahit matulog ka pa dito ay walang problema. Baka lang kako hinahanap ka na ng parents mo." Bawi ni Andrew.

"Talaga? Pwede?"

"OO naman. Ikaw pa."

"Sinabi mo yan ha. Sige bilis ng inom at makabili pa ng isa. Kulang sa atin ang isang bote lang eh hehehe."

"Sira! Okay na ito. Hilo na nga ako eh."

"Sandali lang ha, tawag lang ako sa bahay." Paalam ni Dondi. Sandali pa ay "Okay na. Nagpaalam na ako na hindi uuwi. Wala ka nang dapat ipag-alala. Dito ako matutulog ngayon.

Mababakas sa mukha ni Dondi ang kasiyahan habang kainuman at kakwentuhan si Andrew. Buhay na buhay siya at masigla. Siya na nga ang bumangka sa kwentuhan at biruan. Tuwang tuwa rin naman si Andrew at tawang tawa sa mga jokes ng bagong kaibigan.

Nang maubos na ang alak ay nagkwentuhan pa rin sila ng tungkol sa kung ano anong bagay hanggang sa makaramdam na ng antok si Andrew. Nag-aya na ito sa pagtulog. Umakyat na sila sa itaas at nagtungo na sa silid niya. Gusto mo sa guest room ka o dito na lang sa aking kwarto at tabi na lang tayo. Malaki naman ang kama." Turan ni Andrew.

"Dito na lang sa silid mo. Hindi naman ako malikot matulog." Sagot ni Dondi.

"Okay. Mag shower lang ako saglit. Kung gusto mong maligo muna ay may banyo diyan sa dulo. Kumuha ka na lang ng twalya sa cabinet diyan. May short at tshirt din ako diyan pantulog, gamitin mo muna." Bilin ni Andrew saka tumalikod at bumaba para maligo sa ibabang banyo. Nagbuklat na ng cabinet si Dondi at nang makakita ng twalya ay kumuha ng isa at naligo na rin. Sandali lang siyang naligo at namili na ng lumang tshirt at short para isuot sa pagtulog.

Sonyeon-ui SalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon