One

28 0 0
                                    

"Patingin ako dali!" Inagaw kaagad ng kapatid ko ang hawak kong maliit na papel.

It was a love letter someone dropped in my locker.

"What the hell?! Someone gave you a love letter?" Bulyaw din ng bestfriend kong kararating lang.

Nakaupo kami sa may bench sa labas ng school, hinihintay pa ang isa naming kaibigan dahil pinaiwan pa siya ni Miss Thea, ang teacher namin, sa hindi ko alam na dahilan. Gusto kasi namin na sabay sabay kaming uuwi.

"Wala 'yan, pinagti-tripan lang siguro ako noon." I rolled my eyes at her before writing on my notebook again.

I know that I have a lot of crushes, pero halos lahat sila ay fictional lang o kaya ay artista mula sa ibang bansa. I've only had two crushes in real life, naging ka-m.u. ko pa at ayaw ko nang dagdagan pa 'yon.

As someone na hindi naman gaanong pina-prioritize ang so called na "pag-ibig," hindi ko naman dapat binibigyan ng atensyon ang mga ganoong bagay, lalo na ang mga love letter na 'yan.

Imposibleng may magkagusto saakin ng hindi ako 'yong nag-aaproach, kung mayroon man hindi ako interesadong malaman kung sino. 

kaya paniguradong naisipan lang ako pag-tripan ng nagbigay noon.  

"Sana kapag nalaman mo kung sino ako ay hindi ka ma-turn off at pumayag kang makipag date sa'kin." Humagalpak ng tawa si Nia habang binabasa ang nakasulat roon.

Napangiwi agad ako sa mga salitang binasa niya. 

"Ano ba?! Akin na nga, Parang tanga naman kasi eh!" Sinubukan kong agawin muli ang papel mula sakaniya. Naiirita na'ko sa pang-aasar nitong siraulong 'to.

"Omg! hindi ako makapaniwala, may nagkakagusto parin pala sa'yo kahit ganiyan ka?" Tumawa rin si Kianna habang inaasar ako.

Tuwang-tuwa talaga itong mga alaga ko kapag inaapi nila ako eh. Palibhasa sila may mga ka-fling na ngayon, samantalang ako ay halos mabaliw na sa dami ng dapat kong ihabol na school works.

Umabsent kasi ako nang ilang araw dahil nagkasakit ako, natambakan tuloy ako ng mga assignments at projects. Minsan na nga lang akong mag absent sa school, ganito pa ang aabutan ko pagbalik. 

Sana ay hindi nalang ako pumasok.

"Hoy mga demonyita kayo, anong pinagka-kaguluhan niyo riyan? Tinapos ko pa kasi yung assessment na binigay ni miss, bwiset." Lumapit saamin ni Ann habang pawisan at pinapaypayan ang sarili gamit ang hawak niyang folder.

"Haggard na haggard, ah. Pero anyways, si Lia kasi!" Tinuro ako ni Kianna.

"Oh, anong meron?" Umupo si Ann sa tabi niya at tumingin saakin habang nakataas ang isang kilay.

Iniharap ni Nia sa mukha niya ang papel na binabasa niya kanina habang pinipigilan ang sarili sa pagtawa.

"Ay! Oh my gooood." Napatakip ng bibig si Ann habang nakatingin sa papel. Hindi ko alam kung sinadya niya bang i-exaggerate 'yong reaction 'nya o hindi.

"Haba ng hair, ano bang shampoo mo, girl?" Panunuksong muli ni Kianna habang pabirong hinahaplos ang buhok ko.

Tumikhim naman ako at hinawi ang kamay niya bago tumayo.

"Umuwi na nga tayo! Baka magbago pa ang isip ko sa pagtuloy ng sleep over natin mamaya." Sinamaan ko silang tatlo ng tingin bago niligpit ang gamit ko.

"Ito naman, hindi mabiro. Ganyan ka na ba ngayon, Celestine?" Ann dramatically put her hands on her chest as if my words hurt her.

I just rolled my eyes at her and started walking towards the gate.

Above The City Lights.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon