Six

20 0 0
                                    


"Lia! Halika na dali! Mags-start na 'yong program!"

Hinatak ako ni Kianna palabas ng classroom papunta ng function room dahil foundation day na at kailangan naming umattend ng program.

Ang bilis ng panahon, ilang buwan na rin mula noong party ni Liam. Ilang linggo pagkatapos noon ay naging busy kami nina Nia sa pagpa-practice para doon sa sayaw namin noong isang buwan, pagtapos naman noon ay naging abala na naman kami para sa ippresent naming sayaw para sa foundation week na ngayon ang umpisa.

Naging mabuti naman ang pakikipag kaibigan ko kay Cairo nitong mga nakaraan. Mas nakilala ko pa siya lalo. Minsan nga ay kasama pa namin sila ni Nico na kumain sa table tuwing lunch.

Si Liam at Ann naman ay nagkakamabutihan na rin, I think they already started dating.

Si Kianna naman ay nakaka-chat na rin si Kael. Inaasar nga namin siya dahil hindi sila pareho ng school kaya hindi sila nakakapag-kita.

Si Nia naman ang kakampi niya dahil hindi rin dito nag-aaral 'yong si Luhan. M.U na nga raw sila, e. Napapairap nalang ako tuwing nagkkwento sila, pero masaya ako dahil mukha naman silang masaya sa mga nagpapangiti sakanila.

Simula noon mas naging close ako kay Cairo dahil siya, wala siyang jowa o ineentertain kagaya ko. Palagi siyang nakikinig sa mga kwento ko, pati na rin sa mga rants ko sa buhay dahil hindi ko na gaanong nakakausap 'yong tatlo. Pero kahit ganoon ay hindi parin nagbabago ang pagkakaibigan namin.

Pagkarating namin sa function ay kumaway naman sa'min si Liam, kasama niya na si Cairo at Nico doon sa may puwesto nila. Naka-upo silang tatlo roon katabi ang tig-iisang vacant seat siguro ay para ma-reserve kami.

Katabi ko si Cairo sa kaliwa, as usual at si Kianna naman sa kanan. Ang katabi ni Ann ay si Liam habang ang katabi naman ni Nico ay ang kapatid ko.

"Pangit yata ang view mo kagabi." Tumawa si Cairo.

"Pangit kamo ang nag-sundo sa'kin kaninang umaga." Umirap ako sakanya at humalukipkip.

"Sungit mo naman! Swerte ka nga at sinusundo pa kita."

Siya na kasi ang nagsusundo sa'kin papunta ng school, kung noon ay si Nico ang inaangkas niya, ngayon ay hindi na dahil may sarili na rin siyang motor.

Si Nia naman ay sinusundo rin ni Luhan sa bahay gamit ang sasakyan niya, nagpapa-good shot siguro kina mommy.

Pumayag naman ang parents ko sa ganoong set-up, dahil mas okay na raw iyon kaysa gumastos pa kami ng pang commute o kaya ay mapagod sa paglalakad.

Kokontra pa sana ako pero gustong gusto naman ng malandi kong kapatid na hinahatid sundo siya noong jowaers nya.

"Edi, thank you, Zaki! Super bait mo grabe, nakaka-touch ka." Sarkastiko akong ngumiti sakaniya.

"'Wag mo nga akong tawaging Zaki, mas bagay sa kapogian ko 'yong Cairo."

He playfully raised his brow. Nilagay niya pa ang kamay niya sa baba na akala mo naman ay poging pogi sa sarili.

"Yuck! Kadiri ka, hindi ko inakalang na-pogian ako sayo noon." Nag-arte ako na parang nasusuka sa mga pinagsasabi niya.

"Hays, sino bang hindi magkaka-crush sa gwapo kong 'to? Hindi ba Kianna?" Bumaling siya kay Kianna na nakatitig na naman sa phone niya ngayon.

"Huh? Ewan ko." Walang pakialam na sabi nito, busy masyado sa kausap.

Tinampal ko nalang si Cairo at kinurot-kurot ang tagiliran bago magsimula ang program.

Sinabi lang naman mga admin ng school kung ano ang pwedeng gawin sa loob ng isang linggo, wala kaming klase so kinoncider na naming break 'yon para sa aming mga studyante.

Above The City Lights.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon