Ten

16 1 1
                                    

I woke up the next morning to the kiss of the sun.

Gumaan kaagad ang pakiramdam ko mula sa sakit kahapon.

I scanned my room and immediately thought about yesterday. Kung paano ako inalagaan ni Cairo, at kung paano tumitibok ang puso ko sa tuwing siya ang kasama ko.

Napakagat agad ako sa ibabang labi habang nagpipigil ng ngiti.

This guy really caught me, huh?

Nag-unat ako bago dumiretso sa banyo, papasok na ako ngayon dahil kailangan ko pang mag-take ng exams. Mabuti nalang at ngayong araw iyon at hindi kahapon.

Mas lalo siguro akong lalagnatin kapag nalaman kong may sakit ako sa mismong araw ng examinations, isa pa naman ito sa mga bagay na hindi ko kayang ipagpalit sa kahit ano.

After taking a shower, I went downstairs to eat my breakfast.

Sasabay ako kina Nia ngayon dahil hindi alam ni Cairo na papasok ako, sigurado rin akong pag-aawayan namin ito kung ipapaalam ko sakaniya. Malamang ay pagagalitan na naman niya ako sa katigasan ng ulo ko.

"Sigurado ka bang kaya mo na?" Tanong sa akin ng kapatid ko bago isubo ang sausage na nakatusok sa tinidor niya.

"Oo naman, ayaw ko na ring maghabol pa ulit ng exams at pendings, noh? Mas lalo akong magkakasakit kapag ganoon." Sagot ko naman habang naglalagay ng ulam sa plato ko.

I heard her let out a sigh before shrugging her shoulder.

"Alam ba ni Cairo na papasok ka?" Nakataas ang isa niyang kilay nang tinignan ko siya.

"Hindi." Simpleng sagot ko.

"Ayaw kong sabihin sakaniya, malamang mag-aaway kami kapag nalaman niya." Dagdag ko pa.

"Hmm. Ikaw bahala, 'relasyon' niyo naman 'yan." Tumawa siya nang bahagya.

Inikutan ko siya ng mata sa pagbanggit ng relasyon na may halong diin at pang-aasar.

"Heh! Tumigil ka nga, ang relasyon namin ay ang pagiging magkaibigan lang wala nang-" Pinutol niya naman ang sinabi ko.

"Oh come on, Lia. Hanggang kailan mo pa ba ide-deny sa sarili mo 'yang nararamdaman mo?" Tanong niya na may bahid ng pagaalala.

Umiwas ako ng tingin.

Hanggang kailan pa nga ba? Alam ko sa sarili ko kung anong nararamdaman ko, pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko itatago ito.

"Mali 'to, eh. Hindi ko dapat maramdaman ito sakanya." Mapait kong sagot.

"Ang alin?"

"Itong.." Parang ayaw lumabas mula sa bibig ko ang gusto kong sabihin.

The words were stuck in my throat as if I was trying my best to swallow them instead of spitting them out.

"Pagmamahal mo?" siya na mismo ang nagsabi ng sagot sa sarili niyang tanong.

Lumapit siya saakin at hinawakan ang balikat ko. Napatingin naman ako sakaniya.

Hindi ko alam kung sadyang dahil ba 'to sa pagpilit kong bumangon kahit kagagaling ko lang sa sakit pero nararamdaman ko ang pagbuo ng mga luha sa mga mata ko.

"Lia, valid naman ang lahat ng nararamdaman mo. Alam kong matagal mo nang tinatago iyan, hindi lang saamin pero pati sa sarili mo. You don't have to worry about messing anything up, because I know for sure na Cairo feels the same way, malay mo nga mas malalim pa." Ngumiti siya saakin.

Napayakap ako kaagad sakaniya.

Her words somehow brought me comfort and assurance. Sobrang swerte ko rin dahil nabigyan ako ng kapatid na hindi magsasawang suportahan ako kahit na madalas ang bangayan naming dalawa.

Above The City Lights.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon